June 23, 2014
[ Aiden's POV ]
Shejina Academy, ito ang name ng school na papasukan ko ulit bilang isang estudyante.
ULIT, kasi naman kailangan ko daw mag-aral muli para makakuha ng best opportunity sa isang company, kahit na sa totoo lang, naka-graduate na ko sa isang pampublikong kolehiyo.
-----
First day of school, nasa harapan ako ngayon ng isang prestihiyosong eskuwelahan.
Isang academy na malaki at malawak pa kaysa sa inaasahan ko. Sa laki pa naman ng gate at nagtataasang dingding nito, nasa likod ng mga 'to ay sobrang laking espasyong lupain na pinagtayuan ng mga gusali ng academya. At halos mayayaman lang na tao ang nakakapag-aral dito.
~Hindi dapat ang katulad ko, COMMONERS.~
Gate pa lang ng academy, masasabi mong malaki nga talaga ang nasa loob nito. Mala-palasyo ang gate na 'to, so hindi talaga makikita kung ano ang nasa loob nito. Hindi tulad nung mga pangkaraniwang gate, makikita mo kaagad ang hitsura ng nasa loob.
-----
Tumatakbo tuloy sa isipan ko kung eskuwelahan ba talaga ang pinasok ko dito o isang huge mansion na ang nakatira ay mga prinsipeng nag-aantay ng kanilang prinsesa.
~Umaasang maging prinsesa ako ng isa sa mga prinsipe.~
Oh, sadyang ganito lang talaga ang kapalaran, imahinasyon ko lang ang lahat.
-----
Anyway, bago pala ako makarating dito, mahaba-habang lakaran muna ang ginawa ko. Kung bakit?
May dadaanan ka munang first entrance bago ka makapasok sa mismong gate ng academy. Parang subdivision style lang yung entrance.
Kaya pagbaba ko ng jeep, mukha akong sira kasi ayaw ko pa talagang bumaba.
~Hindi pa kaya ito yung academy.~
[ Flashback ]
"Sa may Shejina Academy nga po.", inabot ko yung bayad sa driver ng jeep. Hindi ko alam kung ayaw nyang tanggapin yung bayad ko o sadyang feeling ko lang yun. (?_?)
-----
Huminto na yung jeep sa tapat ng isang parang subdivision. Naka-earphone ako kaya hindi ko alam kung ano sinasabi ng driver. o|^_^|o
Ayoko syang pansinin kasi nga yung nangyari kanina. Pero kinalabit ako ng ale,
"Iha, dito na yung Shejina Academy." - Ale.
"Po?" - Aiden.
"Bababa ka ba o hindi?",nakatingin na pala sa'kin yung driver.
Nagulat ako kaya bumaba na lang ako.
Wala akong ideya kong totoong nandito na talaga ako. Hindi ko kasi makita yung malaking gate. (>_<)
Lumapit na lang ako dun sa isang security guard para magtanong.
"Saan po dito yung Shejina Academy?" - Aiden.
"Wala ka bang sasakyan?, Nag-taxi ka sana iha, sige pasok ka na lang dyan, dumaretso ka tapos kapag nakita mo yung gate, pasok ka na lang ulit.", pagbibigay instructions sa'kin ng security guard.
~Buti pa yung guard dito mabait, kaysa dun sa mamang driver.~
"Salamat po." - Aiden.
[ End of Flashback ]
After 20 minutes na paglalakad, nakarating na rin ako sa harapan ng Shejina Academy's gate.
~Ang sabi ng security guard, "… kapag nakita mo yung gate, …"
Eh gate daw, hindi ba 'to gggaaattteee … Sobrang laking gggaaattteee 'to eh.~
-----
Nung papasok na ako sa gate, nakita ako ng mga ibang security guard. Medyo malayo sila sa'kin, kaya sinenyasan lang nila ako tungkol sa I.D. ko.
Tinaas ko ang I.D. ko para makita nila. Tapos, pinayagan na nila akong makapasok.
-----
Malawak ang loob ng academy. Maganda, maraming puno, may mga lamp post sa gilid, may soccer field dun banda, may garden, at marami pang bagay na makikita mo lang dito sa academy. Nandun banda yung mga gusali, sa bandang dulo.
Isa sa destinasyon ko ay ang Office of the Registrar, located 'to sa Administration building. At ayun nga, napakalayo pa pala sa kinatatayuan ko ang entrada ng gusaling iyon.
~Tsk, maglalakad na naman ako nito.~
Naalala ko tuloy yung sabi ng security guard sa first entrance, "… Nag-taxi ka sana iha, …", ~hay~
-----
Habang naglalakad ako, nagsimula na rin ang sunod-sunod na pagdating ng mga magagarang sasakyan. May mga sports cars, limousine type cars, color blue, pink, yellow, white cars, pati na rin yung mga kotse ng iba't-ibang company like SUV, BMW, Yamaha, Suzuki, Toyota, Chevrolet-Volt-Concept, Honda-Brio-Prototype, at kung anu -ano pang naka-disenyo sa kanilang mga sasakyan.
Patuloy lang ako sa paglalakad na may nakakabit na earphone sa magkabilang tainga ko. o|^_^|o
Hindi ko pinapansin yung mga kotseng paminsan-minsan tumitigil sa harapan ko.
At kung bakit? Ewan ko, hindi ko sila naririnig.
Hindi ko sila pinapansin.
Wala akong paki-alam sa kanila.
Dare-daretso lang ako sa paglalakad.
Ayoko silang tignan.
Ang dahilan, lalaki sila. Boys, group of boys, karamihan mga lalaking walang magawa. Hindi sa 'di ko talaga sila naririnig, ayoko talaga silang pakinggan.
Gusto kasi nila akong isakay sa kotse nila para ihatid dun sa entrada ng gusali.
~Teka, teka, ano ba ako sa tingin nila?
Pick-up girl?
Meron akong alam na pick-up lines pero hinding-hindi ako pick-up girl noh.~ (>.<)
O baka naman ganun lang talaga sila mahumaling sa ganda ko.
~Ang haba ng hair mo 'te.~
O baka naman gusto lang talaga nila akong pagtripan dahil sa dinami-dami ng kotseng dumadaan, eh ako lang itong naglalakad. Maglalakad hanggang dun sa entrada ng gusaling iyon.
As in maglalakad SANA …, dumating kasi ang tagapagligtas ko or in other words, MY SAVIOR.
-----
May isang lalaking bumaba sa isang Hyundai Grace Van color white, na nakaharang sa daraanan ko.
Tinanggal nya ang shades nya, kasabay nun ay ang pagtanggal ko sa earphone ko. Lumabas sya dun sa pinto ng katabing upuan ng driver's seat.
Nakatingin lang sya sa'kin.
May isang lalaki pa ang lumabas sa van. This time, sa driver's seat.
Tinignan ko sya at ngumiti naman sya habang lumalapit sa'kin.
"Are you Aiden? Please get inside. I know Ate Alyson."
"Ah, ok po." - Aiden.
-----
At this moment, nasa loob ako ng isang Hyundai Grace Van color white na kotse, kasama ang mga nag-gagandahang nilalang. Group of boys na may kanya-kanyang personality.
"Kapatid mo ba si Mam Alyson? Salamat ha, nagkita na rin tayo ngayon." - Aiden. (^_^)