Monday, July 2, 2012

Chapter 7: Text Messages (part 1)

[ Aiden's POV ]

Friday Morning.

Simula nung Monday, araw-araw akong pinupuntahan ng mga Kiss Girls. Iba't-ibang girls ang kumakausap sa'kin everyday. Halos lahat sila sinasabi na magpa-member na daw ako sa Kiss Girls.

Limang babae na pilit akong pinapapunta sa office daw ng Kiss Princesses. Pero bago pa man ako magsalita ulit para sabihin sa kanila na ayoko, eh ito, nagsi-alisan na kaagad.

~Ewan ko ba sa mga taong 'to.~

-----

"Member ka ba ng Kiss Girls?", tanong sa'kin nung isang girl.

"Hindi po, bakit?" - Aiden.

"You must join the club. Walang hindi pu-pwede sa Kiss Girls.

Monday is the punishment day. So, kung ako sa'yo, pupunta na ko sa Kiss Princesses' Office, after lunch.", sabi pa nung isang girl with a curly hair.

~Monday?

Punishment day?

Ano yun?

Anong gagawin naman ng mga 'to sa ayaw sumali sa kanila?~

-----

Anyway, kaya lang naman ayaw ko sumali sa kahit anong club dito sa academy, dahil na rin siguro sa sinabi ni Kei.

Nagtext kasi sa'kin si Kei, nung bago magpasukan. Sabi nya, huwag daw ako sasali sa kahit anong club lalo na yung walang kabuluhan.

~Well, maging member ng fans club nila, hmmm …

Hindi na ko siguro sasali dun, nakilala ko naman sila eh.~

Tsaka dagdag pa nya, maghanda daw ako ng resume para mag-apply bilang secretary ng student-director. Estudyante naman daw yun kaya hindi na rin ako mahihirapan sa bago kong trabaho.

-----

Minsan kapag nagti-text ako sa kanya para magtanong kung bakit o ano mang bagay na hindi ko maintindihan sa text nya,

Ibang-iba yung sagot nya, malayo sa sagot na gusto kong mabasa at minsan pa nga hindi na sya nagre-reply.

~Nakaka-inis nga naman ang attitude na yun.~

But then, hindi ako pwedeng magalit sa kanya o hindi sundin ang utos nya. Kagustuhan nya na ipagawa yun sa'kin.

I remember what Mam Alyson said, kapag ginusto daw ng kapatid nya, yun dapat ang masunod.

Kung hindi, may mangyayaring masama.

~Hindi ko alam kung ano yun masamang mangyayari pero natakot talaga ako.~

-----

One of his text messages na ibang-iba ang sagot sa tanong ko ay kung bakit nya ako pinapatigil sa pagta-trabaho.

[ Flashback ]

After kong magpagaling at magpahinga for two weeks, nag-decide akong ipagpatuloy ko yung paghahanap ng trabaho.

Buti na lang, tinanggap ako ni Mam Alyson sa shop nya, with the name of "Alyson's Bäckerladen". Bake shop yun, minsan dun ako sa cashier, o kaya naman sa dining area para mag-serve ng order sa mga customers, mga lovers madalas ang mga customers.

Nung nalaman ni Kei na nagse-serve ako sa bake shop, nagtext sya sa'kin na mag-resign na daw ako dun, as soon as possible.

Nagreply ako kung bakit?

anong dahilan?

Ang sagot nya sa'kin,

(Text Message)
Sent:
Mr. James Keith
6:36:28PM
May-2-2014
"Mas may big opportunity kung mag-eenrol ka sa Shejina Academy. I tell my sister na i-ready ka sa entrance exam."


~Big opportunity?

Para san?

Mag-enrol sa Shejina Academy?

Anong connect sa kagustuhan nyang mag-resign ako sa bake shop?~

Nagreply ako kung bakit kailangan kong mag-enrol sa academy at paano na yung trabaho ko sa bake shop.

Dinahilan ko rin na one week pa lang akong nagta-trabaho, nakakahiya kay Mam Alyson kung magre-resign na kaagad ako.

Ang kaso ang text nya,

(Text Message)
Sent:
Mr. James Keith
6:39:01PM
May-2-2014
"Ok, just after the entrance examination, give up on your job."


~Ang labo ng sagot nya, noh.~

Kung hindi lang sa sinabi ni Mam Alyson na may masamang mangyayari, eh, hindi ako papayag sa gusto nya.

~Sayang sweldo ko.~

-----

But then, after the examination day, nag-quit na ko sa bake shop. Six weeks din akong nag-work sa Alyson's Bäckerladen.

~Dahil matigas ang ulo ko,

Gusto ko ng mga dahilan,

At gusto ko rin mag-work, I make a request.~

Nung araw na umalis ako sa bake shop, nagtext ako kay Kei kung pwede pag-isipan nya yung request ko.

Nag-request kasi ako kung pwedeng every weekend, kasama Friday afternoon, magwo-work ako sa bake shop. Ok lang naman kay Mam Alyson na bumalik ako dun.

(Text Message)
Sent:
Mr. James Keith
10:18:59PM
May-30-2014
"I'll think about that."


~Ha?

Ang labo ni Kei?~

[End of Flashback ]

Pag-iisipan nya pa daw ang request ko.

~Pero hanggang ngayon kaya, nag-iisip pa rin sya?~

Friday na eh. Tinitext ko sya about dito pero walang sagot na connected sa tanong ko.

~Nag-iisip pa rin ata sya hanggang ngayon?~

-----

Minsan pa nga, kung malabo ang sagot nya sa tanong ko, o kung ano-ano pang dahilan ang tinitext nya. Ang mahirap nun, hindi ko maintindihan kung ano yung pinagti-text nya sa'kin.

~Out of this world ang mga salitang tinitext nya. Hindi ma-reach ng utak ko.~

That's the reason kung bakit naglakad ako nung Monday morning.

Pagpasok ko sa academy, nagtext sya na sumakay daw ako sa special black taxi.

~Anong malay ko sa black taxi?

Eh, saan naman ako makakahanap nun?~

Pagkatapos, sya din pala gagawa ng paraan kung saan ako makakakita ng special black taxi or what they called it as ACADEMY TAXI.

Kasi nung Miyerkules, nagtext sya sa'kin na academy taxi na daw ang magsusundo sa'kin. Kaya paglabas ko ng apartment, nandun na yung academy taxi.

Mr. Tony daw name nung driver. Three day na rin akong hinahatid-sundo ako ni Mr. Tony, pagpasok ng academy at pag-uwi ng apartment ko.

-----

Ewan ko ba kung bakit ganito na lang sila kabait sa'kin.

Tumawag sa'kin si Mam Alyson nung gabi ng Miyerkules, kinamusta nya ko tungkol sa academy at kung mabait din ba daw sa'kin si Mr. Tony.

Syempre, wala naman akong masamang sinabi sa kanya, kasi naman, mabait din sa'kin si Mr. Tony, lagi nya nga akong kinakausap. Madami-dami din syang sinabi kahit ilang minutes lang nasa academy na kami nung Wednesday morning pati sa pag-uwi sa apartment ko, nagku-kwento pa rin sya.

Kaya nga, kung mabait ka sa isang tao, magiging mabait din sila sa'yo.

Basta ba walang mag-aabuso sa kabaitan nila.

~hay~

Kulang pa ang THANK YOU para pasalamatan sila sa mga ginagawa nila sa'kin.

No comments:

Post a Comment