[ Aiden's POV ]
Simula nung Martes, hindi ko pa rin nakikita si Kei sa loob ng academy. Nagtext sya na busy daw sya.
Gusto ko sanang personal na tanungin sya tungkol sa request ko na magta-trabaho ulit ako sa bake shop. Ang kaso, wala naman sya at hindi ko sya mahagilap kung saang parte ng academy sya nagpupunta.
-----
Anyway, kung iisipin ko kung busy nga sya, isa lang ang pinagtataka ko.
Baka siguro naka-program na sa cellphone nya yung oras ng pagti-text nya sa'kin araw-araw.
May daily routine text messages kasi akong palaging natatanggap mula sa kanya. Nag-start yun nung makalabas na ako ng hospital.
Kaninang umaga, ganito yung text nya:
(Text Message)
Sent:
Mr. James Keith
11:59:07PM
June-26-2014
"Wake up, oras na ng pag-inom ng gamot. Uminom ka kaagad then sleep na ulit."
(Text Message)
Sent:
Mr. James Keith
6:59:45AM
June-27-2014
"Time to drink your medicine. Pag 'di ka bumangon dyan, I'll call your mom."
~Ewan ko ba sa taong 'to, parang may mata ata sya sa kwarto ko.
Kahit wala naman talaga sa apartment ko si Mama, nagagawa nya kong takutin about dun.~
-----
Ito yung text nya sa'kin kahapon:
(Text Message)
Sent:
Mr. James Keith
11:59:38AM
June-26-2014
"Pagkatapos mong kumain ng lunch, drink your medicine."
(Text Message)
Sent:
Mr. James Keith
5:59:25PM
June-26-2014
"Uminom ka ng gamot."
Araw-araw, ganito sya magtext sa'kin. Iniiba nya lang yung way ng pagtetext nya, pero in the end, gusto nya lang talaga akong uminom ng gamot ko.
Tinitext nya ko na parang concern sya palagi sa health ko. Kahit hindi ko pa sya nun nakikita, nagustuhan ko rin ang pagiging concern nya sa'kin through text.
-----
Kaya lahat ng gusto nila, ginagawa ko, specially yung utos ni Kei. Lagi ata syang naka-monitor sa'kin.
Every maling moves ko alam nya. Magti-text sya kaagad sa'kin.
Minsan nga iniisip ko kung nasa paligid lang sya at nakasubaybay sa'kin.
-----
Naisip ko rin noon kung anong hitsura nya, noon hindi ko pa sya nakikita.
Naalala ko tuloy yung nakita kong lalaki na akala ko sya.
~hahaha~ Mukha kasing sugpo yun. Ang laki ng labi. ~hahaha~ (^_^)
Pag nalaman nya siguro yun, ano kaya gagawin nun? ~hahaha~ (^_^)
-----
Anyway, ngayon palabas na ko ng classroom nang may kumausap sa'kin.
"Hi, Miss, anong name mo? Can I get your number?"
~Hi din, ang cute naman ng lalaking 'to.~
I think, first year lang ata sya, so meaning, matanda ako sa kanya. Twenty-one years old na ko at sa tancha ko nasa seventeen or eighteen lang ang lalaking 'to. Matangkad sya at chinito pa.
Tinignan ko sya.
Ngumiti ako kasi naka-ngiti din sya.
Ilalabas ko na dapat yung phone ko, ang kaso, nagbago yung mood ko. Kanina masaya ako kasi nakakita ako ng chinitong bata, ngayon nagbago lahat dahil din sa lalaking 'to.
Nagsalita ulit sya.
Parehong mga salita tulad kanina. Ang masama, sa ibang babae naman nya ulit sinabi yun.
~Tsk, klasmate ko pa naman yung girl na lumabas sa classroom.~
Tapos nun, inignore na ko nung guy.
~Grabe ha! Bata pa naman sya, dapat nagpakabait man lang sya. Tsk!~
Maganda lang sa'kin ng konti yung girl, ~tapos itchapuwera kaagad ako. Hmmm.~
-----
Nang makalayo na ko sa classroom namin, nag-vibrate yung phone ko. Nagtext si Kei.
(Text Message)
Sent:
Mr. James Keith
12:44:19PM
June-27-2014
"Don't talk to strangers. Don't you ever give your number to anyone!"
Lumingon-lingon ako kung nasa paligid lang si Kei. Pero no sign of him.
~Paano nya naman nalaman yun? Ang Weird.~
-----
Naglakad ako palayo sa classroom.
Kunwari wala akong nakita at wala akong narinig na kumausap sa'kin. Parang patay-malisya lang ako nung oras na yun.
Nang makadaan ako sa stairway, nakita ko si Lenard. Nakasandal sya sa wall at may suot na shades.
~Nakatingin ata sya sa direksyon ko. Feeling ko lang yun.~
-----
Madalas ko talagang makita si Lenard dun sa pwesto nya.
Nakasandal sa wall at may shades o kaya may hawak na gadget tulad ng mp3, mp4, PSP at lalo na yung cellphone nya para siguro make himself busy.
Sa tingin ko, may hinihintay sya palagi.
For five day, sya lang palagi kong nakikita. Maliban kay Kei, yung apat na boys hindi ko pa rin nakikita around the academy. I think they're somewhere else.
-----
Dumaretso lang ako sa parking lot kung nasaan yung academy taxi.
Nagpahatid ako kay Mr. Tony, the academy taxi's driver, dun sa Alyson's Bäckerladen. Nagpupunta ako dito pagkatapos ng klase tuwing hapon.
Actually, pinagbabawalan ako ni Kei na huwag na kong magtrabaho sa bake shop.
~Dahil matigas ang ulo ko.~
Ito pa rin ako, nagpupunta dito sa bake shop.
Hindi na ko nagta-trabaho, tumutulong na lang ako sa pagse-serve ng food, kahit walang sweldo.
Libre naman miryenda ko tuwing hapon. Chocolate cake with hot chocolate drinks.
~Oh di'ba puro chocolate, yummy.~
Iba-iba man everyday ang miryenda ko, pero ito talaga ang pinaka-favorite ko sa lahat. ~hehehe~ (^_^)
-----
One guy that caught my attention everyday, ay itong lalaking madalas kong makita.
Ang misteryosong lalaki na naka-motorbike. Lagi nyang suot ang helmet nyang may desinyong kakaiba. Madalas ko syang makita sa may bake shop. Dun sa parking lot ng bake shop.
Hindi ko sya kilala, at the same time, as in, madalas ko talaga syang makita kung nasaan man ako.
~Ang weird.~
No comments:
Post a Comment