Sunday, September 2, 2012
INSTANT BOYFRIEND
Author-edz923, very first short story that she made. :^_^:
INSTANT BOYFRIEND
For my life, I don't waste it for NOTHING …
Instead, I make myself busy for EVERYTHING.
---------------------------------------------------------------------------------
Copyright © 2012, edz923. All right reserved.
Nothing may be reprinted in whole or part without written permission from the Author-edz923. This may not be sold or distributed with any part of its cover or markings removed, not in a mutilated condition, nor affixed to or as a part of any advertising, literary or pictorial matter whatsoever. No actual person is named or delineated in this fiction story. And any similarities to real people and places in this fiction story are surely coincidental.
---------------------------------------------------------------------------------
[ Aiden's POV ]
"AYOKO!
AYOKO AYOKO AYOKO!!!"
"Anak naman, pumayag ka na."
"Ma, ano ba?!
AYOKO nga pong magpaligaw sa kanya.
Tsaka AYOKO sa kanya! iw~iw~"
"Aba, Aiden, grabe ka naman, tao din naman yun ah.
Tsaka choosy ka pa, twenty-one ka na, wala ka pa ring boyfriend na pinakikilala samin ng mama mo."
"Pa, naman, matanda na nga ako, pati pa naman pagbo-boyfriend ko kailangan kayo pa pipili.
Tsaka, pipili na nga lang kayo, dun pa sa taong kahit sinong pintor ay HINDI maipipinta ang mukha nya.
Mukha kaya syang SUGPO.
AYOKO sa kanya.
Choosy talaga ako.
Ikaw nga Pa, choosy ka rin naman, ilang taon na rin ang nakalipas bago naging kayo ni Mama.
~hahaha~ :^_^:
WALA pa talaga akong balak mag-jowa.
Pagpapayaman ang nasa isipan ko. Marami pa akong pangarap sa buhay.
At ang pagrerelasyon sa opposite gender ay DESTRUCTION sa life ko."
"Baby anak, hindi naman namin sya pinili para ligawan ka nya.
Sya kaya ang kusang pumunta dito sa bahay at aakyat daw sya ng ligaw sa'yo.
At sa totoo lang, kami ng papa mo ay nakaramdam ng kasiyahan dahil, sa wakas, may isang lalaking naglakas ng loob para umakyat ng ligaw sa'yo.
Akala nga namin, totoo yung tsismis tungkol sa'yo.
Lesbian ka daw at sinisiga mo yung mga lalaking nagbabalak manligaw sa'yo at kaya siguro natatakot silang pumunta dito.
Anak, hayaan mo lang syang pumunta dito sa bahay para magkausap man lang kayo.
At mas mabuti ngang nakikita namin kung sino yung may gusto sa'yo at makilala na rin namin sya. Di'ba, Pa?"
"AAAAAHHHHH!!!
Basta AYOKO! AYOKO! AYOKO!
Gagawa ako ng paraan para tigilan ako nung lalaking yun.
Tsaka, wag nga kayong magpapaniwala sa mga tsismis tungkol sa'kin.
AAMININ ko, wala pa nga akong boyfriend pero HINDI ako LESBIAN, madami kaya akong CRUSH.
~hahaha~ :^_^:
Sige sige, good night na po. Matutulog na po ako."
Nag-good night na ako sa mga magulang ko.
Umakyat sa second floor ng house. Pumasok sa room ko at humiga sa king size bed ko.
~hay~
Ibang klaseng gabi 'to ha. Hindi ko inaasahang mangyayari ang ganito, at sa'kin pa mismo.
-----
Ako nga pala si …
AMANDA DIVINE NICOLE SUAREZ ALLONZA
~hingang malalim~
AIDEN, for short.
SUAREZ ang surname ni Mama at ALLONZA naman ang surname ni Papa. I'm the only daughter, baby, kid, adolescence, debutant girl ng pamilyang ito.
ONLY GIRL kaya ayun, protected ang parents ko sa'kin.
-----
Ang hindi ko maintindihan sa nangyayari ngayon ay kung bakit nangyari ang gabing 'to.
[ Flashback ]
"Ma, Pa, I'm home.", bati ko sa kanila.
"May bisita pala, magandang gabi po.", I smile.
~Akala ko bisita namin, yun pala BUWISITA para sa'kin.~
Sabi nila aakyat daw ng ligaw yun manong na mukhang sugpo.
~Bakit kaya hindi nya na lang ligawan yung mga sugpo na ulam ng kapitbahay namin.~
"HA!
HINDI pwede.
HINDI ako tumatanggap ng manliligaw.
Bata pa ako. Wala sa bokabolaryo ko ang mga bagay na yan. Pasensya na.
Kung wala ka ng gagawin, maghintay ka pa ng five minutes bago ka umalis ng bahay.
Yun lang. Sige." - Aiden.
~Ang cold ng voice ko habang sinasabi ko yun sa taong nasa sala namin.~
After five minutes, umalis na rin yung manong na mukhang sugpo.
Tapos kinausap ako ng parents ko ng masinsinan.
[ End of Flashback ]
~hay~
Nagtatalo-talo pa kami dahil gusto nilang may manligaw man lang sa'kin.
~Tsk! AYOKO nga eh.~
Tsaka, totoo naman yung sinabi ko …
"… WALA pa akong balak mag-jowa.
Pagpapayaman ang nasa isipan ko. Marami pa akong pangarap sa buhay.
At ang pagrerelasyon sa opposite gender ay DESTRUCTION sa life ko."
Kung gusto ko man, syempre dun na yun sa isa sa mga CRUSH ko. ~hehehe~ :^_^:
~hay~
Bahala na nga bukas, kailangan ko makagawa ng paraan para tigilan ako nun.
-----
TOTOO yung tsismis.
Sa lugar kasi namin, maganda na ko sa paningin ng mga kalalakihan.
~Haba ng hair ko nga eh.~
Wala talagang nagbabalak manligaw sa'kin kasi SINISIGA ko sila.
Una muna, magtatanong sila kung pwedeng manligaw, which is, nagpapantig ang tainga ko sa tuwing naririnig ko yun sa mga lalaki.
At ayun, madalas nakakapagsalita ako na kinagugulat nila.
"Pare, HINDI tayo TALO!
Tsaka gusto mo ba ng KUTOS, HAMPAS, SAPOK, SUNTOK, BUGBOG, SIPA, TADYAK sa parteng mamimilipit ka sa sakit?!!!"
Kaya siguro napagkakamalan akong lesbian kasi naka-fist sign ako sa tuwing lalapit sila sa'kin.
-----
Kinabukasan.
"Miss Love, Miss Sy, help me please. I need help." - Aiden.
Nasa Shejina Academy ako, at kausap ko ang mga kaibigan ko, si Chelsea Love at Margaret Sy.
"Naku, mukhang malaki ang problema ng kaibigan natin, Chelsea. Ngayon lang ulit nya tayo tinawag sa surname natin. Kadalasan, kapag may malaki syang problema, buong pangalan natin ang itatawag sa'tin.
Ano bang problema mo, Miss Allonza?" - Margaret.
"AYOKO talaga!!!
May manong na mukhang sugpo kasi ang pumunta kagabi sa bahay. Gusto nya daw akong ligawan. Pumayag ang parents ko, kasi kaysa naman daw matuluyan akong maging lesbian.
HELP ME. AYOKO sa sugpong yun." - Aiden. ~huhuhu hu-u-u-wa-a-a-a~ (;_;)
"Pumayag parents mo?!
Wow! ~hahaha~ :^_^:
Liligawan ka lang naman ha.
Ikaw talaga, Aiden.
Ba't 'di mo sigain? Yun naman madalas mong gawin kapag may nagtatanong sa'yo kung pwede ka bang ligawan.
Wag na lang kaya? Mas mabuti nga yun para magka-jowa ka na. ~hahaha~" - Chelsea. :^_^:
"Masaya ka pa nyan?!
Alam mo naman na ayoko sa mga lalaki. Lalo na yung ganun. Nakakaasar!
Tulungan nyo na lang ako kung paano ko pipigilan yung taong yun. Araw-araw daw yung pupunta sa bahay para umakyat ng ligaw.
YUCK! … AYOKO AYOKO AYOKO!!!
Eh 'di araw-araw din akong mamalasin.
HELP ME na lang kasi." - Aiden.
"Ano ka ba girl?!
Liligawan ka lang naman nun. It doesn't mean, sasagutin mo na sya." - Chelsea.
"Yup. Hayaan mo na lang yun. Masaya nga yun kasi may gifts ka araw-araw." - Margaret.
"Gifts ka dyan! Disaster yun!
Alam nyo naman na sa MGA CRUSH ko lang ako natutuwa at nagiging masaya.
At alam nyo rin na kung si CRUSH yun, magpapaka-choosy pa ba ako?! ~hahaha~ :^_^:
Basta, give me some ideas para mapigilan ko ang DISASTER na yun!" - Aiden.
~hay~
"Aiden, you are such a poor girl.
Kung ganyan ka nga hanggang sa dulo, malamang hindi ka na talaga magkaka-jowa nyan.
Look at me, I'm happy with my boyfriend-jelly. I'm in-love with him everyday." - Margaret.
"Look at me also, nakakasabay ko lang dati si boyfie sa jeep. And I don't even know his name dati pero destiny speak.
Destiny make our way to meet. Nagkakilala kami plus naging jowa ko na sya. ~hahaha~ :^_^:
I love Kurt, I love being in-love with my cutie whitey boyfie. ~hahaha~" - Chelsea. :^_^:
"Sige kayo na! Kayo na masaya!
Buti nga hindi kayo nagiging malas kapag kasama nyo ko.
Chaperon nyo nga lang pala ako palagi." - Aiden.
"Ahh … nagdrama na si Miss Allonza.
Sige na nga, ano bang help ang gusto mo?
Hmmm … gusto mo bang pagulpi natin yun para wala ng pupunta sa inyo mamaya?
O kaya? …" - Margaret.
"O kaya … humingi ka na lang ng signs na palagi mo naman ginagawa para ma-solve yan problema mo." - Chelsea.
"Yah. Tama tama!
Give me SIGN na pwede makonek dito sa problema ko." - Aiden.
"What if, hayaan na lang natin ang BOSES mo ang kusang magsabi ng dapat mong gawin." - Margaret.
"Ha? Sign ba yun Margaret?" - Aiden.
"Yup, sign nya na yun.
It's my turn.
HELP o tulong mula sa ibang tao. And speaking of other people …" - Chelsea.
"Ha?!
Anong HELP nga?
Ano …?
Speaking of an angel …??
Ha?!
HELP nga kasi!" - Aiden.
-----
"Good morning, Miss Allonza. Ito na nga pala yung notebook mo."
"Hala?!
Paanong napunta 'to sa'yo?" - Aiden.
"Ah, binigay sa'kin ni Mam Zamora itong notebook mo kahapon.
Actually, hindi kasi ako nakakapasok sa klase nya, kaya nag-request ako sa kanya na ihiram nya ako ng notebook sa'yo. Ikaw lang kasi ang madalas kong makitang kompleto ang mga notes eh.
Kaya ito na, isinasauli ko na."
Sya si Joshron Peter Hebron. Varsity ng Shejina Academy.
Genius ng campus. Lagi kasing nasa rank one yung name nya kapag may exam plus genius pa sya kasi hindi na nga sya pumapasok sa klase, dahil sa dami-dami ng activities na sinasalihan nya sa loob ng campus, pero nagagawa nya pa rin na maging rank one sa lahat ng estudyante sa academy.
Well, tinatawag din syang GENIUS-HEART-THROB ng academy. Heart-throb kasi gwapo na nga sya, MAPUTI at MATANGKAD pa. Ideal boyfriend kung idi-describe ko sya. ~naman~ :^_-:
"Ah … sabi kasi ni Mam Zamora, che-chekan nya lang daw yung notes ko. Sige, akin na nga." - Aiden.
"Maraming salamat ha.
Narinig ko lang, kailangan mo ng tulong, kung may maitutulong ako, sige tutulungan kita, para na rin makabawi ako sa'yo dahil sa paghiram ko ng mga notes mo." - Mr. Hebron.
"Oo, kailangan ko ng tulong.
Kailangan ko ng INSTANT BOYFRIEND.
Teka, nakikinig ka sa usapan namin?!
Tsismoso ka ba?" - Aiden.
"Ha?! ~hahaha~ :^_^:
Narinig ko lang yung huli mong sinabi na need mo ng help, pero hindi lahat ng pinag-uusapan nyo." - Mr. Hebron.
"Ganun. Sige, ok lang, salamat sa help.
Dun ka na nga, may pag-uusapan pa kami. Girl talk 'to.
Bakla ka ba?" - Aiden.
"Ok po.
Nasa music room lang ako hanggang mamaya break time. May practice kasi kami para sa program sa Friday eh." - Mr. Hebron.
Isa sa mga club na sinalihan nya ay ang music club. Pop, rock, ballad ang tema ng club na yun. Magaling din sya sa pagkanta pati sa pagsasayaw. Hobby nya yun. Madalas sa mga program ko sya nakikita.
"Anong kinalaman ko sa music room?" - Aiden.
"Wala naman, di'ba sabi ko, tutulungan kita …
Ako na lang INSTANT BOYFRIEND mo simula ngayon.
Kaya lahat ng gagawin ko, sasabihin ko na sa'yo.
Sige, bye bye muna." - Mr. Hebron.
-----
Naiwan akong tulala sa mga salitang binitawan ng lalaking yun.
Habang papalayo sya, nagtatawanan na yung dalawang kaibigan ko.
"STRIKE ONE!
Nangyari na yung SIGN ni Chelsea.
-- HELP o tulong mula sa ibang tao --
si Josh-Pete na mismo ang nagsabi na tutulungan ka nya." - Margaret. :^_^:
"STRIKE TWO!
Sign naman ni Margaret.
-- hayaan na lang natin ang BOSES mo ang kusang magsabi ng dapat mong gawin --
Sa bibig mo mismo nanggaling ang salitang INSTANT BOYFRIEND." - Chelsea. :^_^:
"WHAT?!!!
AKO!!
Sinabi ko yun!!
Pero paanong …?!" - Aiden.
"CONGRATULATION!
You have your own boyfie na!
YIPEE! Kailangan natin ng celebration." - Chelsea. ~^o^~
"Chelsea, we are so happy and proud for her.
Biruin mo yun, yung campus GENIUS-HEART-THROB pa yung naging boyfriend nya.
Which is, her CURRENTLY CRUSH! ~hahaha~ :^_^:
Ang saya saya naman talaga.
Si Destiny talaga binibigla tayo madalas. ~hahaha~ :^_^:
I'm happy for you, Amanda Divine Nicole Suarez Allonza." - Margaret.
"Natulungan ka na po namin.
Ngayon, ikaw naman ang gumawa ng paraan para makagawa ka ng the moves kay Josh-Pete.
~hahaha~ :^_^:
Goodluck girl. Happy IN-relationship!" - Chelsea.
~Grabe, ang gulo na!
Mas lalo pa atang gumulo dahil sa sinabi ni Mr. Hebron.
What should I dooooooooooo …?~
-----
Lunch break na.
Kaharap ko ngayon si Mr. Hebron sa table na 'to.
Nasa cafeteria kami …
At nasa iisang table na maliit!
Tsk! Kasi yung kabilang table na dapat kadugtong nito ay nandun sa kabilang side namin, inurong nila Margaret at Chelsea para daw may privacy kaming dalawa.
~Naman, talaga 'tong dalawang 'to. Di pa rin natatapos ang pang-aasar.~
Nung break time kasi, around nine o'clock in the morning, hindi magkamayaw ang pang-aasar nung dalawa. Kaya hindi ko na lang muna pinuntahan si Mr. Hebron sa music room, may gusto lang talaga akong linawin sa kanya.
Kaya lang, unfortunately, disastrous event …
Nakisabay pa talaga si Mr. Hebron mag-lunch samin.
Not really kaming tatlo, AKO lang pala kasabay nya.
Bigla-bigla na lang kasi syang sumusulpot kung saan.
[ Flashback ]
"Bakit hindi mo sya pinuntahan sa music room kanina?" - Margaret.
"Ayoko! Wag na maraming tanong!
Kain na tayo. Gutom na ko uber.
Bilis! Ili-LIBRE pa tayo ni Chelsea." - Aiden.
Treat kasi ngayon ni Chelsea ang lunch namin, birthday nya kasi tuwing last Friday of the month, este, allowance day nya yun, kaya gastos-gastos din. ~hehehe~ :^_^:
-----
"Hello, Miss Allonza. Lunch na tayo, Libre na kita today. Tara?"
Lumingon ako kung sino yung nagsabi na LIBRE nya ako ngayon.
~BOOM!~
Si Mr. Hebron.
Sya na naman at iba ang suot na damit, hindi na kasi sya naka-uniform.
With his casual outfit, lumalabas tuloy yung kaputian ng balat nya. Plus fitted pa yung shirt nya.
~Mabushi! Nakakasilaw!~
"Mabuti naman at dumating ka na.
May lilinawin lang ako sa'yo, yung kanina na sinabi ko, hindi ibig sabihin nun ay …", naudlot yung pagkakasabi ko kasi hinawakan na nya yung kamay ko.
Then, we are W-W-H-H. Walking While Holding Hands.
"Anong gusto mo?
Hmmm … masarap dun sa isang store ng mga ulam, may menudo, giniling, apritada, adobo …
Hmmm … basta madami dun na pagpipilian.
Anong gusto mong drinks?
Royal Juice or Mountain Dew?
Ayaw mo kasi ng Cola eh. Bibili din kita ng mineral water.
Yung menthol candy na binibili mo palagi, 'wag na tayong bumili nun, marami akong stock sa bag ko, bibigyan na lang kita.
So, what yours?" - Mr. Hebron.
"SIRA-ULO KA BA!!!", sabay hampas ng kabila kong kamay sa braso nya.
"Bitawan mo nga ako!
Kaya kong maglakad mag-isa!" - Aiden.
Then, binitawan nya na ko.
"LIBRE mo ko di'ba?! Bilis! Nagugutom na ko.
Huwag mo akong sasabayan sa paglalakad.
Mauuna ako sa paglalakad, dyan ka lang sa likod ko." - Aiden.
"Ok po.", yan lang nasabi ni Mr. Hebron.
Tapos, ngumiti na naman sya.
[ End of Flashback ]
"Hoy, Mr. Hebron, INSTANT BOYFRIEND meaning, magpapanggap ka lang bilang boyfriend ko sa harap ng parents ko.
Not really pati dito sa academy, sasamantalahin mo ang pagtulong mo sa'kin.
Lilinawin ko lang sa'yo na hindi ko gusto ang mga asta mo simula kanina.
Ayokong hinahawakan ang kamay ko ninuman.
Ayokong may kumakausap sa'kin na guy para sa walang kwentang bagay.
Baka naman gusto mo ng KUTOS, HAMPAS, SAPOK, SUNTOK, BUGBOG, SIPA, TADYAK sa parteng mamimilipit ka sa sakit?!!!
Beware OK!" - Aiden.
"Ok po, I know naman yun lahat eh. ~hehehe~" - Mr. Hebron. :^_^:
~Baliw talaga 'tong lalaking 'to, alam nya naman pala pero ginagawa nya pa rin. Haist!~
"Tomorrow evening, pumunta ka na sa bahay, magpakilala ka ng maayos.
Di'ba magaling ka naman sa pag-arte?
Prepare mo na yung mga dapat sabihin mo, yung mga dialog na mapapaniwala mo ang parents ko na boyfriend nga kita.
Basta the truth is, your NOT my boyfriend. Always remember that ok?!" - Aiden.
"Ok po." - Mr. Hebron. :^_^:
-----
Natapos na yung last subject namin for this day.
Dumaretso ako sa part-time job ko sa Alyson's Bäckerladen. After ng shift ko, umuwi agad ako.
Malamang nandun na naman yung manong na mukhang sugpo.
Hindi nga ako nagkamali, nandun na nga sya. Naririnig ko kasi yung boses nya pagpasok ko sa gate ng bahay.
Pero …
Pero …
I hear something familiar voice.
"Ok po."
Pagpasok ko, nakita ko si Mr. Hebron na kausap ng parents ko.
~Ang sabi ko sa kanya, bukas pa sya dapat pumunta pero bakit nandito na sya.
Naman, Mr. Hebron, what's happen to you. SIRA-ULO ka ba talaga?!~
-----
"Good evening po, Mrs. Allonza and Mr. Allonza.
Ako po si Joshron Peter Hebron.
Boyfriend na po ako ng anak nyong si Amanda Divine Nicole Suarez Allonza.
Naparito po ako dahil sa nabalitaan kong may ibang lalaki po ang umaakyat ng ligaw sa kanya. Pasensya na po kayo kung ganito ang asta ko, pero sa totoo lang po, ayoko po talagang may ibang lalaki ang umaalig sa girlfriend ko." - Mr. Hebron.
Nagsasalita sya habang nakatingin sa'kin.
~Wow, best actor talaga 'tong si Mr. Hebron.
Feeling ko tuloy totoo lahat ng sinasabi nya.~ :^_^:
"Tinanong ko na 'to dati, gusto ko lang malaman ulit kung kelan ba kayo unang nagkita ni Aiden?", pag-uusisa ng papa ko.
"Four years ago, nilakasan ko na po yung loob ko para sa kauna-unahang pagkakataon, kakausapin ko na po sya.
Nung araw na may kausap sya sa may labas ng academy, first day ng school year nung first year kami, sabi nya pa nga nun sa lalaking kausap nya,
-- Pare, HINDI tayo TALO!
Tsaka gusto mo ba ng KUTOS, HAMPAS, SAPOK, SUNTOK, BUGBOG, SIPA, TADYAK sa parteng mamimilipit ka sa sakit?!!! --
Natuwa po ako sa kanya nun, kasi ganun pa rin yung mga sinasabi nya kapag may kumakausap sa kanya na ibang guy para lang tanungin sya kung pwede ba syang ligawan.
Halos lahat kasi ng lalaking magtatanong lang sa kanya about sa panliligaw, lahat sila basted agad plus kasama pa yung HAMPAS, SAPOK, SUNTOK, BUGBOG, SIPA, TADYAK nya kapag pinilit pa sya nung guy." - Mr. Hebron.
Lumapit ako sa kanya, nakaupo sya sa sofa namin. Tinabihan ko sya para na rin siguro masenyasan ko sya sa mga sinasabi nya. Best Actor kasi eh.
"Before that four year ago, three years ko na syang sinisilayan.
Yup, crush ko po talaga ang anak nyo, high school pa lang kami, kaso hindi kami pinagtatagpo ng tadhana para magkausap kami.
Siguro kagustuhan ko na rin na ilihim muna ang nararamdaman ko para sa kanya." - Mr. Hebron.
"Hoy, Mr. Hebron, below na belt na yang pinagsasabi mo, baka 'di na sila maniwala nyan.", bulong ko sa kanya.
Masyado na kasing obvious at O.A. yung mga sinasabi nya.
Kasi noon pa man, wala na talagang ganun na nangyayari.
-----
Actually, seven years ago, high school pa lang ako.
The truth is, seven years akong umaasa na mapansin nya ko, which is, hindi naman talaga nangyari.
Crush ko sya, nung una ko syang makita sa academy. High school pa lang kami nun, nasa higher section sya, klasmate ko pero madalas hindi sya pumapasok dahil sa mga club activities na sinasalihan nya.
~Hanggang ngayon pa naman kasi ganun pa rin sya.~
Kaya hindi rin nag-work out yung feelings ko para sa kanya.
~Kapag hindi ko sya nakikita, hindi ko sya CRUSH.
Pero kapag nandyan sya, CRUSH ko sya.~
May moment na sobra akong napatitig sa kanya nung nagsasagot sya ng math problem sa board.
Ang galing-galing nya kasi, all most perfect lahat ng sagot nya, as in, lahat nung five questions for board work activity.
Nakakapanghanga lang kasi, two weeks na syang hindi pumapasok ng regular sa klase na yun pero ayun nasagutan nya pa rin yun.
Napaka-genius nya talaga at hindi ko makakailang gusto ko sya dahil dun.
Idagdag mo pa ang kutis nyang kay puti, ang tangkad na babagay lang sa mga matatangkad din na babae.
Plus yung mukha nya, bihira na lang ang may mukhang ganun.
Napaka-gwapo nya.
Heart-throb nga sya ng academy eh. So meaning, madami talaga ang nagkakagusto sa kanya. Hindi lang ako.
Kaya in the end, kinalimutan ko na lang yung pagkakagusto ko sa kanya. I look for another guy na crush-material talaga. Yung tipong makikita ko yun araw-araw.
Kaso, nahalata ata ako nung dalawa kong kaibigan, makatitig daw kasi ako kay Mr. Hebron, WAGAS.
Pero nawala din yung pang-aasar nila sa'kin, kasi kung sino-sino yung mga lalaking tinuturo ko sa kanila na crush ko.
-----
Then, college na kami.
Oo, naalala ko yung eksena na yun, yung first guy na nag-approach sa'kin sa college, at siniga ko kasi tinanong nya ko kung pwede ba daw mangligaw.
Nabwusit ako dun sa guy na yun, kasi, yung eksena yun …
Hindi ko yun makakalimutan, unang beses kasi akong kinausap ni Mr. Hebron, bago ako kausapin nung isang mokong na yun.
-----
Nakangiti si Mr. Hebron na lumalapit sa'kin, yung ngiti nya na parang nakakaloko, as in, nakakaloka na SIRA-ULO na lang hindi makakagusto sa kanya.
He was wearing the uniform of Shejina Academy, pareho kami.
Pero ang nakakatuwa nun, nakangiti sya at tinanong nya ko ng …
"May boyfriend ka na ba?"
Dapat sasagutin ko yung tanong nya that time, ang kaso, may isang guy ang sumulpot sa harapan ko, schoolmate ko daw sya dati sa ibang school, liligawan nya daw ako, pero in the end, siniga ko pa rin yun.
Bad trip, moment dapat namin yun kaso nga panira yung isang 'to.
-----
Ang malupit nun, tumawa ng malakas yung lalaking kasabay kong maglakad papasok sa academy, si Mr. Hebron. Natatawa daw sya dun sa mga sinabi ko.
Hanggang sa mapansin ko na lang sa sarili ko na nakikitawa na lang din ako sa pangyayaring yun.
Sobrang saya nung pakiramdam ko kahit na bwusit ako dun sa isang mokong, eh, sabay naman kaming tumatawa ni Mr. Hebron.
Ang saya nga nya tumawa, nakatingin lang ako sa kanya, pero I think lalamunin na ko ng mga tingin nya sa'kin.
Kaya iniiwas ko yung tingin ko at tumatawa na lang habang sinasabi sa kanya na naiinis talaga ako sa mga taong ganun umasta sa'kin.
Yung tipong hinaharang pa talaga ako sa daanan para lang tanungin ng ganun.
~Ewan ko ba?~
Ang sarap lang ng feelings ng ganun.
Sinasabi kong naiinis ako sa ganun, pero ang totoo, gusto ko lang talaga sagutin yung tanong nya sa'kin, pero 'di ko na lang sinagot kasi baka nakalimutan nya na yung tinanong nya sa'kin.
Plus, baka magmukha lang akong tanga at ipaalam lang sa kanya na wala pa akong boyfriend.
-----
Another interuption, dumating na yung dalawa kong kaibigan, tapos, nagpaalam na si Mr. Hebron na may dadaanan pa daw sya sa locker room nya.
Haist! Pero sulit naman yung eh, first time never last kasi hanggang ngayon nafifi-feel ko pa rin yung kilig kapag kaharap sya.
Yun nga lang hindi nya yun napapansin, dahil dakilang PRETENDER kasi ako.
~I can make people believe that I'm angry but the truth is, I'm so happy with this feelings.~ :^_^:
-----
"Pero sa katagalan, I resist myself, gumawa po ako ng paraan para ligawan sya. Yung confidence ko lang naman po ang tanging paraan para mapasagot ko sya kaagad." - Mr. Hebron.
Nagsasalita pa rin sya habang nakatingin sa'kin.
Nasa right side nya yung parents ko pero nakalingon sya sa left side nya, which is, nandun ako. Katabi ko sya.
Kitang-kita ko kung paano nya sabihin lahat ng yun. Yung mga salitang hindi ko lubos maisip na masasabi nya yun.
~Gusto kong maniwala pero I know best actor sya. Paano na 'to?~
-----
"Ang hindi nya alam, at ngayon nya palang malalaman, mahigit seven years ko na syang nililigawan.
One day, pumunta ako dito sa house nila para personal na sabihin sa kanya na gusto ko sya at balak ko syang ligawan.
Pero wala pa sya nung mga oras na yun. May activities sa academy na dinaluhan nya. Kaya yung parents nya na lang yung nakausap ko.
Dahil mga bata pa lang kami nung first year high school, hindi agad pumayag ang parents nya.
Alam kong bata pa kami pero that moment, I know na sa kanya ko pa lang nagagawa 'to at sa kanya lang ako sasaya.
Nagmakaawa ako sa parents nya para ligawan sya.
Kapag pumayag lang sila nun, magiging masaya na ko.
Dahil nga bata pa lang kami nun, binigyan nila ako ng consequences na dapat kung gawin.
First things is, dapat walang makakaalam na ginagawa ko ang lahat para ligawan sya, lalong-lalo na ang anak nila.
Kailangan hindi mahahalata o malalaman ni Miss Allonza na gusto ko sya.
Kailangan gawin ko lahat ng paraan para maipaalala sa kanya kung gaano ko sya kamahal.
Nung una, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, lalo na kung saan ako magsisimula.
Naisip ko din dati na parang ang mangyayari ay liligawan ko muna ang parents ng babaeng mahal ko bago nya malaman yung nararamdaman ko para sa kanya.
Mahirap, pero in the end, nagawa ko naman ng maayos.
I know, for almost seven years, gustong-gusto na ko ng parents nya para magpasaya sa kanya.
Gusto ko sanang sabihin na sa kanya 'to pero nauunahan kasi ako ng takot na baka i-reject nya ako tulad ng mga lalaking kumakausap sa kanya." - Mr. Hebron.
Pause.
"Miss Allonza, gustong-gusto kita, pero natatakot akong i-reject mo ko agad.
Siguro ayoko lang masayang lahat ng paghihirap kong ilihim sa'yo itong nararamdaman ko.
Sana maunawaan mo ako.
Pasensya ka na rin kung minsan nagiging stalker mo ako kahit hindi mo alam.
I know everything on you.
Lahat-lahat ng tungkol sa'yo, sa lahat ng ginagawa mo …
Yung mga paborito mong pagkain …
Yung mga palagi mong pinapanood …
Yung mga post mo sa facebook …
Yung mga ginagawa mo kapag busy ka, pati kapag hindi ka busy.
Kaya I guess, girlfriend na kita noon pa, ngunit 'di mo nga lang alam yun.
Hinihintay ko lang yung pagkakataon para masabi ko ang lahat ng yun …
Ang lahat ng effort ko para lang sa'yo." - Mr. Hebron.
-----
~Shock ako! Totoo ba 'to?!~
"Mr. Hebron, pitikin mo nga ako?!
Baka nananaginip lang ako na gusto mo ko." - Aiden.
Pause.
"Sandali, alam nyo na ba 'tong lahat, Ma, Pa?!", tumingin ako sa parents ko para makakuha ng sagot.
"Eh, nililigawan pa ako ng lalaking 'to, sino ka nga ba?", tumingin naman ulit ako sa taong katabi ni Mr. Hebron.
"Good evening po, Miss Allonza.
Ako po pala si Mr. Tony Miranda. Driver po ako ni Sir Josh-Pete. Napag-utusan lang po akong magpanggap na manliligaw nyo.
Ang totoo po nyan, may asawa't anak na po ako. Tulong na rin po ang ginawa kong pagpapanggap para sa butihin kong amo." - Mr. Tony.
"Ha?!
What the …!!!
Ma, Pa, alam nyo rin 'to?!", tumango lang sila na parang wala lang sa kanila na naguguluhan na ko sa mga revelation na nangyayari sa mga oras na 'to.
-----
"Sandali, kung seven years ka na palang nanliligaw sa'kin, paano at sa anong paraan mo naman yun pinapakita?" - Aiden.
I just remember something.
"Huwag mong sabihin sa'kin na, every three days, nagpapadala ka ng sampaguita sa kwarto ko. Yung altar na punong-puno ng mababagong bulaklak ng sampaguita.
Sabi ni Mama, pinadadala lang yun nung kung sino." - Aiden.
"Yes, Miss Allonza, ako nga yun." - Mr. Hebron.
"Yung araw-araw na chocolate sa refrigerator, tuwing umaga may mga suplay ako nun at gustong-gusto ko yun.
Sabi ni Papa, galing daw yun sa kaibigan nya.
Ikaw ba yung tinutukoy nya?" - Aiden.
"Yes, Miss Allonza, ako nga yun." - Mr. Hebron.
"Yung stalker ko every morning, ikaw din ba yun?" - Aiden.
"Yes, Miss Allonza, ako nga yun." - Mr. Hebron.
Haist!
Ba't ganun, alam ko naman na may isang tao talagang sumusubaybay sa mga kilos ko, kasi minsan nasabi yun sa'kin ni Mama.
~Kailangan ko lang daw buksan ang mga mata ko at hanapin ng puso ko kung sino yun.~
Pero ang hindi lang kapani-paniwala na si Mr. Hebron pa talaga yung taong yun.
-----
That moment, napasalampak ako sa sahig dahil sa rebelasyon na naririnig ko ngayon. Nakaupo ako sa sahig para isiping mabuti kung anong ginawa ko sa mga bagay na yun.
~Gusto ko lahat ng yun, dahil akala ko nagkakataon lang lahat na yun at pati mga paborito kong bagay nabibigay sa'kin. Kahit na napakasimple lang nun …
Nagpapasaya na yun sa'kin.~
Tumayo ako, hinarap ko sya. Matangkad ako sa kanya dahil nakaupo sya.
Tiningnan ko sya ng mabuti kung kahit anong bakas ng pagsisinungaling hindi ko nakita sa kanya.
Seryoso sya sa lahat ng sinabi nya.
-----
Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya. Tahimik lang ako kasi shock pa talaga ako.
Then …
Then, hinawakan nya yung kamay ko.
"Miss Allonza, sandali …" - Mr. Hebron.
"Bitawan mo ko!", hinampas ko yung kamay nya kaya napabitaw sya sa'kin.
"Ikaw rin ba yung nagpadala nung dress na susuotin ko dapat sa J.S. nung high school pero hindi ko nagamit dahil hindi ako umatend nun?" - Aiden.
"Oo, ako din yun." - Mr. Hebron.
"Ang sabi nila Mama, pinahiram lang yun sa'kin pero hanggang ngayon nasa kabinet ko pa rin yun.
So, sa'yo rin ba galing yung dress na nasa kwarto ko ngayon?
Nandun na yun, last week pa. May invitation dun para sa birthday party ni Mr. He.
Ha?! Which means, Mr. He is MR. HEBRON?!" - Aiden.
"Yes, anak, sa kanya lahat yun galing.
Lahat ng kilig moment mo kapag nandito ka sa bahay, dahil yun sa kanya.
Kaya dapat magpasalamat ka pa nga sa kanya, dahil ginawa nya yun para lang ipakita sa'yo kung gaano ka nya kamahal.
Saksi kami ng Papa mo kung paano at hanggang sukdulan ang pagmamahal nya sa'yo.", sabi sa'kin ni Mama.
Kanina pa dapat sya nagsalita, gusto ko na kasing umiyak.
All this time, may isang tao pala ang umaasa sa'kin para mapansin sya.
-----
Dumaretso ako sa second floor ng bahay namin.
Once na naiapak ko na yung paa ko sa first step ng hagdanan, tumakbo na ako paitaas.
Aabutin ko na dapat yung doorknob ng kwarto ko, kaso, may humawak pa ulit sa kamay ko.
Parang si flash pala sya.
Si Mr. Hebron, nandito na kaagad sa tabi ko.
Mas nagulat ako sa sunod na ginawa nya.
He grab my hands, at inilapit ang katawan ko sa katawan nya.
His two hands are in my back.
Nakapulupot yun, dahil that moment, yakap-yakap nya ako ng mahigpit.
Then, he said …
"Sorry kung hindi ko agad sinabi sa'yo.
Sorry kung naguguluhan ka ngayon.
Sorry kung nagawa ko yung mga bagay na ayaw mo.
Sorry kung natakot akong sabihin ang nararamdaman ko.
Sorry kung wala man lang akong pasabi sa mga ginagawa ko.
Sorry kung gusto kita at ayaw mo na sa'kin.
Sorry kung mahal na mahal kita.
I'm sorry.
I'm really really sorry." - Mr. Hebron.
Binitawan nya yung paghawak at pagyakap nya sa'kin.
-----
"Kung mababasa mo kung anong nasa isip ko ngayon, baka mapatawad kita." - Aiden.
"Lahat ng tao kaya kong basahin kung anong nasa isip nila, lalo na kung kaharap ko sila.
Pero ikaw …
Ikaw Miss Allonza.
Sa'yo ko lang hindi nagagawa ang bagay na yun.
Hindi ko gustong basahin kung anuman ang nasa isip mo. Lalo na kapag tinitignan kita sa mga mata mo. Baka magkamali ako." - Mr. Hebron.
"Subukan mo lang. Basahin mo ang nasa isip ko ngayon." - Aiden.
Gusto kong gawin nya 'to sa'kin dahil madalas ko syang makitang ginawa nya 'to sa mga kaibigan nya.
Gusto kong maranasan kung anong pakiramdam na may nakakabasa sa isipan ko.
Kahit na alam kong dakilang pretender ako, may mga bagay-bagay talaga na hindi matatago ng mga mata ko.
"Ha? Ahmm …
Ayaw mong hinahawakan kita.
Sorry kung niyakap kita ng walang pasabi." - Mr. Hebron.
"Tama nang SORRY!" - Aiden.
-----
Pumasok ako sa loob ng kwarto ko.
Sumunod sya sa'kin sa loob, kaya dumaretso ako dun sa altar na punong-puno ng mababagong bulaklak ng sampaguita.
May kinuha ako sa may ilalim ng altar. Isang sulat na may sticker na heart sa gitna.
"Oh, ito yung love letter na gusto kong ibigay sa'yo nung high school tayo.
Nakalagay dyan na sana man lang kausapin mo na ako. Magka-klasemate naman tayo pero ako lang 'tong hindi mo kinakausap.
Akala ko tuloy ayaw mo sa katulad ko.
Umiiyak ako nung ginagawa ko yan.
Then, after that night, naghanap na ko ng mga bagong crush para malimutan ko yung feelings ko sa'yo.
Kaya lang, sa tuwing maiisipan kong basahin yan, napapaluha ulit ako.
Kaya nung unang araw na kausapin mo ako, which is, college na tayo, gumawa ulit ako ng mga sulat." - Aiden.
May kinuha naman ako ulit dun sa ilalim ng unan ko.
Isang notebook na may design na star sa gitna.
"Ayan na, sa'yo na yan.
Nakasulat lahat dyan yung gusto kong sabihin sa'yo.
Dahil hindi mo naman sinubukan basahin kung ano talaga ang nasa isip ko, dyan mo na lang mababasa yun." - Aiden.
Ilang segundo din yung kamay kong nakaabot sa kanya, hawak-hawak yun notebook.
Hindi nya kasi kinukuha, bagkus, nakatitig lang sya dun sa hawak nyang letter at sa notebook na hawak ko.
"Miss Allonza …" - Mr. Hebron.
"Hoy, Mr. Hebron, kunin mo na 'to baka magbago pa ang is …" - Aiden.
-----
Bigla nya na lang inabot yung notebook sa kamay ko.
Then, hinawakan nya ulit yung kamay ko, palapit ulit sa kanya.
My body is near in his body.
Tumingala ako sa kanya.
"Aabutin mo lang naman yung notebook, bakit yayakapin mo pa ako?" - Aiden.
Dahan-dahan nyang nilalapit yung face nya sa face ko.
Pero, dahil awkward moment yun, humarap na lang ako sa chest nya.
I put my face on his chest, then, lumingon ako sa right side.
I move my hands around his back portion of his waist.
This moment, yakap-yakap ko na rin sya.
Ayoko syang bitawan baka kung anong gawin nya.
Naramdaman kong he is giggling.
Tumatawa sya. Masaya sya. :^_^:
Niyakap nya ako ng mahigpit kaya hinigpitan ko din yung yakap nya. Pero alam kong yung higpit na yun ay tama lang para makahinga pa rin kaming pareho.
-----
Sobrang tagal na ata namin magkayakap.
Tsaka sya nagsalita ulit.
"Miss Allonza, pwede na ba kitang tawagin sa pangalan mo?" - Mr. Hebron.
"Sure, ako din ha, Joshron Peter." - Aiden.
"Aiden, crush mo ba talaga ako dati?" - Joshron Peter.
"Joshron Peter, I love you. Kaya wag mo nang alamin pa kung crush kita o hindi kasi INSTANT BOYFRIEND na kita, remember?!" - Aiden.
"Ha? Paki-ulit nga?", binitawan nya ko sa pagkakayakap nya sa'kin.
"Hindi ko inuulit yung mga nasabi ko na!" - Aiden.
"Ows, talaga, paano na yung best line mo yung, KUTOS, HAMPAS, SAPOK, SUNTOK, BUGBOG, SIPA, TADYAK sa parteng mamimilipit ka sa sakit?!!!" - Joshron Peter. :^_^:
"Tsk, talaga 'to. Ulit, Joshron Peter I lo …" - Aiden.
-----
He grab me again.
This time, his hands crawl in my neck.
He is hugging me again.
Our lips meet.
…
His lips touch my lips.
…
He is kissing me passionately.
…
Then, me …
…
Well …
I am kissing him back passionately.
…
Then he said …
"I LOVE YOU TOO, MISS AMANDA DIVINE NICOLE SUAREZ ALLONZA" - Joshron Peter.
"SARANGHE my I.bF.
I love you so much my INSTANT BOYFRIEND." - Aiden.
-----
Gusto ko talaga ang taong 'to noon pa.
Siguro, mahal ko na din sya ngayon dahil sa mga nalaman ko.
Marami pa kaming mararanasan sa relasyong 'to.
Mga masasayang posibleng mangyari at mga masasakit na dadarating talaga sa isang relasyon.
Basta sa ngayon, gusto kong maramdaman kung gaano nya ako kamahal at maramdaman nya din kung gaano ako magmahal ng isang tao.
For seven years na umasa akong mapansin nya ako, nangyari na pala.
Ako na lang pala talaga ang hinihintay nyang mapansin sya at maging INSTANT BOYFRIEND ko.
-----
"Aiden, ako din pala ang nagdadala ng mainit na tubig para sa pampaligo mo, tuwing umaga.
Giniginaw ka kasi pagpasok mo sa academy, kaya gumawa ako ng paraan para madala ko palagi yung mainit na tubig sa c.r. nyo.
Plus, delivery boy nga pala ako ng fresh milk, kasabay nung mainit na tubig, pinaaabot ko sa parents mo tuwing umaga." - Joshron Peter.
Pause.
"Aiden, I love you." - Joshron Peter.
"Joshron Peter, magaling ka talagang magpakilig ng mga babae noh.
Igaya mo nga ako sa kanila, ok.
I love you too, Joshron Peter." - Aiden.
[ Joshron Peter's POV ]
"I'm happy to be your INSTANT BOYFRIEND / your LOVING REAL BOYFRIEND.
I LOVE YOU SO MUCH" - Joshron Peter.
~Buti na lang talaga ako yung unang mong nakausap kaninang umaga bago mo nasabi na kailangan mo ng INSTANT BOYFRIEND.
Kung iba yun, naku, baka na-KUTOS, HAMPAS, SAPOK, SUNTOK, BUGBOG, SIPA, TADYAK sa parteng mamimilipit sila sa sakit?!!!
At sasabihin kong, GIRLFRIEND KO NA SYA.~
Ang girlfriend kong si Aiden, sya yung babaeng mapapalingon talaga ang lahat ng boys kapag dumadaan sya.
Maganda talaga sya kahit maliit lang sya, 5'0 ang taas nya. Matalino na at masipag pa.
Kaya hindi na nakakapagtaka kung madami talagang nangangahas na ligawan sya.
Ang kaso, kilos lalaki kasi kung umasta. Daig pa ang mga lalaki na makipaghamunan ng away o gulo.
At ayaw na ayaw nyang may lalapit na guy sa kanya.
Pero not me, at sorry na lang ang iba, bagay lang talaga ang tulad nya sa isang tulad ko.
~hehehe~ :^_^:
Nagawa ko na rin pala palagi na kapag may lumalapit sa kanyang na ibang lalaki para magtanong kung pwedeng manligaw, tapos babastedin nya lang din naman, nilalapitan ko yung guy na yun para ipaalam sa kanya na …
"Matagal nang TAKEN si Aiden.
Mahal na mahal sya ng lalaking yun kaya wala ka nang magagawa kundi ibaling na lang sa iba yan feelings mo.", sinasabi ko 'to madalas sa kanila.
At kung magpumilit pa man sila, eh, KUTOS, HAMPAS, SAPOK, SUNTOK, BUGBOG, SIPA, TADYAK sa parteng mamimilipit sila sa sakit na yung gagawin ko sa kanila. ~hahaha~ :^_^:
Mamahalin ko sya at magmamahalan kaming dalawa hanggang sa dulo ng walang hanggan.
-----
Huwag kayong maingay ha.
Sa birthday party ko, magpro-propose na ko sa kanya na pakasalan nya ako after the graduation.
Her parents know that, ENGAGEMENT PARTY din kasi namin yun and everyone will know that soon.
"I love you", we both said in chorus.
---------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Thank you po sa pag-read nyo sa kauna-unahang short story na ginawa ko. ~hehehe~ :^_^:
Maganda po ba?
Ok lang po ba ang wordings?
Kinilig po ba kayo?
Comments for any reactions and suggestions na lang po.
Thank you thank you.
-----
Kinikilig din po kasi ako kapag binabasa ko 'to. Kahit ako na itong nagsulat, eh ang lakas pa rin ng kilig impact sa'kin.
Tsaka po pala, nakapag-brain-storming na rin po kami ni another AKO about sa next short story ko.
~hehehe~ :^_^:
I.gF naman po yung title nun second short story ko. Need ko lang po ng time para sa pagta-type ng mga wordings nung story ko. ~hehehe~ :^_^:
"INSTANT GIRLFRIEND" (completed)
-----
Hindi po tuloy ako nakaka-pag-update ng chapters ng series story ko entitled, myHB2myPM. Kasi busy busy pa po sa madaming bagay, plus, short story muna ko for now.
Don't worry po, I make sure na makakapag-update din ako, plus, madami pang short story ang gagawin ko.
For my life, I don't waste it for NOTHING.
Instead, I make myself busy for EVERYTHING.
We are what we are because we decided to be what we are.
-----
Again, thank you thank you so much for reading my writings.
I hope to see your comments on here or maybe not, basta kaway-kaway lang dyan ha.
~hehehe~ :^_^:
Thank you thank you.
SMILEY :^_^:
~^o^~ --- *\O/*
-----
Promote ko lang po yung list and fiction story na sinusulat ko, entitled:
"25 - STAGES of being in-CRUSH down to HEARTACHE / HEARTHBREAK" (completed)
edz923 -- http://www.wattpad.com/story/1901818-25-stages-of-being-in-crush-down-to-heartache
At yung series story (ongoing) …
(crush&lovestory)
"my Heart belongs to my perfectMan" - perfectgirL
{myHB2myPM}
-----
Kung gusto nyo pa pong mabasa ang mga ongoing chapters ng myHB2myPM, mare-read nyo po ito sa wattpad: edz923 -- http://www.wattpad.com/story/1498794-my-heart-belongs-to-my-perfectman-perfectgirl
At sa blog ko: www.edz923.blogspot.com
For more updates ng mga pictures ng myHB2myPM, like the page of author-edz923: www.facebook.com/edz923
Thank you thank you again.
-----
HAPPY READING :^_-:
Critics, hmmm … KARMA strikes more than THREE times, you know.
~THIS IS A FREE COUNTRY. YOU CAN DO WHAT YOU WANT.~
SMILEY :^_^:
~^o^~ --- *\O/*
---------------------------------------------------------------------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment