[ Aiden's POV ]
Masaya akong makita si Mam Alyson ngayong gabi. Nag-aalala sya, at the same time, napangiti ko na rin sya.
Nabago na yung mode ko na malungkot at naiinis kanina. Ngayon masaya akong lumabas sa guestroom kasama si Mam Alyson from the first place, napakabait pa rin sa'kin.
"Aiden, eat well and good night." - Mam Alyson.
"Good night na rin po. Sweet dreams." - Aiden.
-----
Bumaba na ko mula second floor. Dumaretso ako sa kusina para ipaghanda ang sarili ko ng food na kakainin ko.
But …
When I enter the kitchen, I see HIM. Nakatalikod sya at nakapwesto malapit sa oven.
Nakita ko na may food na nakahanda sa dining table. Foods for two people.
"Sit down, just wait for a minute, matatapos na 'to" - Kei.
Si Mr. James Keith yung nagpi-prepare ng food for us. Tinatapos nya lang yung pag-iinit ng food sa oven.
~Hindi pa rin ba sya kumakain?~
-----
While we were eating the food na niluto ni Mam Alyson, kalansing lang ng kutsara't tinidor ang ingay na maririnig sa loob ng dinning area.
He is so quiet. He do not talk kahit single word.
Syempre ako din. Nahihiya pa din ako sa kanya dahil dun sa nangyari kanina lang.
~Ang awkward talaga ng eksena ngayon.~
-----
I about to finish eating my food, then suddenly nagsalita na sya.
"Around twelve midnight, uminom ka na ng gamot mo." - Kei.
"Hmmm." - Aiden.
Tsaka lang ako sumang-ayon sa sinabi nya. Daily routine ko kasi yun eh.
------
Nasa guest room na ulit ako. After kong matapos kumain kanina, pinaakyat nya na agad ako.
~Malapit na mag-twelve midnight, iinom pa pala ako nung gamot.~
Pero dahil natutuwa ako sa malaking kama, humiga muna ako para ma-relax.
-----
12:05 AM
Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa king size bed na yun. Kinuha ko yung bag ko para kunin yung gamot na iinumin ko.
~Tsk. Nasan na yun?!
Wait, isip-isip Aiden. Nailagay mo ba sa bag mo yung gamot?
Haist! Nasa table yun sa apartment mo!
Tsk. Hindi ka nagdadala ng 12 o' clock dosage mo!
Aggrr. Otoke? What should I do?~
Aligaga na ko kung paano at kung ano ang posibleng mangyayari sa'kin.
-----
12:29 AM
Tumatakbo ang oras, ngunit hindi ko pa rin alam kung paano ako makakainom ng gamot sa oras na 'to.
~Wala naman sigurong mangyayari sa'kin kahit 'di ako nakainom ng gamot eh. Pero kasi …~
Narinig kong bumakas yung pinto ng kwarto.
"Are you done drinking your medicine?" - Kei.
"Ha? Ano kasi …
Hindi ko dala yung gamot ko kaya 'di ako naka …", hindi ko pa man natatapos yung sinasabi ko, sinigawan nya na ako.
"WHAT?! Are you insane! Haist!", Mr. James Keith run towards the door.
Malinaw pa sa mata ko kung paano sya nagreact dun sa mga sinabi ko. Nagulat ata sya at mukhang nag-aalala pa ata dahil 'di ako nakainom ng gamot.
-----
But then …
Nahihilo na ko. Nagbi-blurted na din yung paningin ko.
~Itutulog ko na nga lang 'to.~
But suddenly, Mr. James Keith enter the room.
"Hoy! Don't sleep yet!
Here, inumin mo na 'to.
Ang sabi ko naman sa'yo na 'WAG NA 'WAG KANG MAGPAPALIPAS NG ORAS NA 'DI KA PA NAKAKAINOM NG GAMOT MO.
I told you na kahit magaling ka na, you should drink your medicine on time.
Haist! Ano ka ba?
Be careful naman sa sarili mo.
There's the bed, at hindi dito sa sahig. Bubuhatin na nga kita." - Kei.
~Ay oo nga pala.~
Nanghina pala ako nung dumating sya kanina lang.
Tumayo ako para lapitan sya nun, at the same time, para 'di na rin sya mag-alala.
Pero bago pa man ako makaalis sa kinatatayuan ko, nahihilo na ko, kaya mas minabuti ko na lamang na itulog 'to.
-----
6:00 AM
"Wake up, drink this."
Ginising ako ng isang tao. Pinainom nya ako nung 6 o' clock dosage ko.
Dahil inaantok pa ako, I better drink that medicine, then, sleep na ulit si ako.
-----
Around 7:30 in the morning na ko nagising. Nag-alarm na din yung phone ko. Time to go to the academy.
Naguguluhan pa ako nung una kung bakit wala ako sa apartment ko, tsaka lang nag-register sa utak ko na nasa bahay pala ako nila Mam Alyson.
-----
I went downstairs.
"Good morning, Aiden. How's your sleep?
Come on, let eat na for breakfast." - Mam Alyson.
I smile.
Then, I look around. Hinahanap ko sya. Pero mukhang hindi pa sya gising.
-----
After kong magbreakfast kasabay si Mam Alyson, may pinahiram sya sa'kin na damit na susuotin ko para pangpasok sa academy. Dahil magka-size lang naman kami ni Mam Alyson, sakto lang sa'kin yung damit na pinahiram nya.
May comfort room din pala yung guest room kaya may privacy pa rin ako para mag-ready for school.
Nang matapos ako, I went downstair again.
Now, nakita ko na sya. Malapit na rin syang matapos kumain at mukhang ready to go na rin sa academy. With his blue shirt outfit, ganun pa din sya, hindi nagsasalita.
"Aiden, sabay pala kayo ni Kei pagpasok sa academy.
And then, mamaya pala pag-uusapan natin yung paglipat mo ng apartment." - Mam Alyson.
"Ha?!
Wait po, anong paglipat ng apartment?
Mam Alyson, ok pa naman po yung apa …", bago ko pa man matapos ulit yung sasabihin ko, nagsalita sya with his cold voice.
"Let's go." - Kei.
"Eh?" - Aiden.
"Oh sige sige na, kaya nga sabi ko, mamaya na natin pag-usapan yun eh. Pumasok na kayo, baka mahuli pa kayo nyan." - Mam Alyson.
-----
He's driving the jaguar car, isang magarang kotse.
When we're about to enter the academy, as usual, madami pa din ang mga nagsisidatingan na iba't-ibang kotse.
Nang makapagpark na sya ng kotse, dali-dali kong tinanggal yung seatbelt na nakakabit sa'kin.
Katulad kanina, sa tabi ng driver's seat ako nakaupo. Dito, alam ko kung nasan yung seatbelt. Kaya 'di ko na inintay na sya na naman ang magkabit nun para sa'kin.
-----
I open the door beside me. Nang makalabas ako …
Ok, given na sa lahat na sa tuwing darating sya pati yung mga lalaking kasama nya nun sa van, marami talagang tao ang palaging nag-aantay sa kanila.
~Mga studyante rin ng academy yun, obsess siguro sa kanila.~
"Good morning, Aiden.
Tinixt kita na susunduin ka ngayon, pero nung nandun na ko kanina sa apartment mo, wala ka na daw.
So, meaning nun, si K … este si Lenard pala ang nagsundo sa'yo." - Lenard.
The real Lenard approaches me, umagang-umaga.
I don't know, pero mukhang bad trip ako sa kanya. So, I make said na,
"Mr. Lenard, alam ko na po na ikaw talaga si Lenard.
So, I stop pretending to be him. Ang hirap kasi, nagmukhang tanga pala ako lately." - Aiden.
"Ha? Ano? I can explain. Ganito kasi yun …" - Lenard.
"Come on, Miss Allonza. Mag-start na yung klase." - Kei.
Nagsalita muli si Kei, para na rin putulin yung usapan namin ni Lenard.
Ewan ko ba?
Something weird na naman.
-----
Nasa classroom na ko for our first class.
Humiwalay kanina si Mr. James Keith, may pupuntahan daw sya for a while.
~Bat ganun? He needs to tell ba yun sa'kin?~
Pumasok na rin sa wakas yung professor namin. But then, may kasama sya.
~Kailangan ko bang magulat o magbubulag-bulagan na lamang ako ulit.~
Katabi ko si Troy Nickhyun, one of my boy classmate. Hindi naman sobrang lapit ng upuan namin, pero cute nya kasi, kaya nag-eenjoy din akong kausap sya kapag may tinatanong sya about sa mga lessons. ~hehehe~
Pero something happen, mukhang hindi ko na sya makakatabi ngayon.
Nakapwesto ang upuan ko dito sa unahang parte ng classroom. Alphabetical arrangement kasi ang peg ng una naming professor.
Then, suddenly, lumapit si Mr. James Keith sa kinauupuan ko.
~Ang weird.~
"Get out. Change your seat. That's my seat." - Kei.
"Ha? Ok sir.", pagsang-ayon naman ni Troy.
"Wait!", pagpigil ko naman sa pag-alis nya.
Napakapit tuloy ako sa bag nya.
"Ano? Bakit ka lilipat?
Saan ka uupo? Sasama na …" - Aiden.
"SHUT UP!" - Kei.
Sumigaw si Mr. James Keith na halos lahat nagulat sa pagsigaw nya, pati si ako.
Hinawakan nya yung kamay ko na hawak-hawak yung bag ni Troy. Kasabay nun, tinanggal nya yung pagkakahawak ko dun sa bag.
Then, umupo na sya sa upuan na katabi ng upuan ko.
-----
I'm speechless.
Para syang boss kung umasta.
Lumapit ang professor samin, then she said,
"Sir Maurier, pasensya na po kayo sa kanya. Bago lang po sya dito.
Gusto nyo po, ipalipat ko na rin sya ng upuan.
Ok, let see, Miss Allonza, dun ka na lang sa bandang …" - Professor Rica.
"NO! Dito lang sya. Just do your job." - Kei.
~Eh?
Sir Maurier?
Bakit pati si Professor Rica, ginagalang sya?
Anong meron?
Who's this man?~
No comments:
Post a Comment