Monday, December 10, 2012

Chapter 14: ME is Lenard

Flashback for Kei's point of view from Chapter one to Chapter two.

[ Kei's POV ]

Monday morning, time to go to Shejina Academy.

Unang araw ng pasukan ngunit para sa'kin, isang ordinaryong araw lang 'to …

~Yun ang akala ko.~

-----

Nakaharap ako sa salamin para ayusin ang damit ko, white shirt and skinny jeans for men, at yung new fashion white blazer nandun nakalagay sa big size bed na parang nakahiga dahil hindi pwedeng i-fold, magugusot lamang 'to at hindi yun kaakit-akit kung mangyayari.

Natapos ko na rin isuot ang shoes na babagay sa outfit ko ngayon. I have done also fixing my hair, some moisturizer in my face, and the perfume for men.

Nasa second floor ang kwarto kaya kailangan ko nang bumaba dahil kanina pa sila nag-aantay.

Hawak ko ang white blazer sa kaliwang kamay ko at bag naman sa kanan.

Going downstairs, dumaretso na ako sa dining area. I hang first the white blazer there kung saan madali kong makuha bago kami umalis.

-----

Kumpleto na sila, ang Prinz Küssen. Kumakain ng breakfast dito  sa house ng sister ko.

Kung bakit?

My sister invited them here sa house para mag-breakfast. Plus, napag-usapan nila na sabay-sabay na daw kaming pumasok sa academy.

"Kapag nakilala nyo na sya, please, treat her nice, ok boys?", the last sentence na sinabi ng sister ko.

 ~Sino naman kaya yun tinutukoy nya?~

-----

Anyway, lumapit na ko sa dining table to eat my food.

Napansin kong mas ready pa talaga sila kaysa sa'kin. Oo, as in reading-ready sila.

Six o' clock in the morning nandito na sila sa bahay, which is, nine o' clock pa simula ang ceremony. Opening ceremony yun na taon-taon ginaganap sa academy kapag first day ng school year. At kaming anim ang inatasang mag-welcome sa mga estudyante, specially to those freshmen and transferee.

"Masyado ba syang mahalaga para i-treat namin sya in a nice way?", tanong ni Lenard.

"Malalaman nyo rin kung bakit, soon, makikilala nyo sya." - Miss Alyson.

Nagtataka ako kung sino ang pinag-uusapan nila. Pero, as I always do, wala akong pakialam kung sino man yun. I'm not interested anymore. Madalas, hindi ako nagsasalita ng mga bagay na hindi importante.

~And to know why? That's the big secret.~

-----

Nang matapos na kaming kumain, si Lenard ni-ready na yung car. Dala nya yung kotse nya, yung van. Doon daw kaming anim sasakay.

At kung sino ang mastermind ng ideyang yun, ang kapatid ko. Kasama sa ideya nya ay ang 'Grand Entrance' namin sa academy with our different suits. Sa totoo lang, nagre-represent lang yun kung anong course ang kinukuha namin.

May nakasuot ng racing suit, si Lenard. Naka-basketball jersey naman si Terrence. Si Dave nakasuot ng pang-chef uniform. At yung dalawa, casual wear lang, pero yun isa, binunggahan ang damit, para daw mapansin ang maganda nyang katawan. Naka-white polo shirt with black necktie and black sleeveless blazer si Vince. Si Nate naman, black fitted-polo shirt na naka-unbuttoned ang suot nya.

-----

On the way na kami sa academy. Nakadaan na kami sa first gate/first entrance, then, dito sa main gate.

Suddenly, nakita ko sya.

Hindi ko inaasahang makikita ko sya agad ngayon.

Kahit malayo pa lang sya …

Kahit likod pa lang nya ang nakita ko, alam kong sya yun.

"Stop the car!", nakatingin ako kay Lenard para utusan sya.

"Isakay mo ang babaeng yun.", itinuro ko sa labas ng van ang isang girl na naglalakad sa roadway ng academy.

Something weird siguro ang iniisip nila. But then, wala akong pakialam kung anuman yun. Alam kong alam nila ang gusto kong mangyari.

Masyadong makahulugan lahat ng mga salitang binibitiwan ko. Hindi sa, hindi ako madalas magsalita, its because, what I say is a command. Ang utos na nagmula sa labi ko at hindi nila yun pwedeng suwayin.

Reasons?

Because I am their LEADER. They said, ako ang ituturing nilang pinuno ng grupo dahil sa KAKAIBA ako.

KAKAIBA ako, in the matters that, hindi ako tulad nila. Our group is what they called as Prinz Küssen.

-----

Actually, three years ago, si Lenard ang original na leader ng grupo. Popular sya sa buong campus, lalo na sa kababaihan. He is famous because he can do a lot BETTER.

Pero, nang dumating ako sa academy, three years ago, nagbago lahat.

There was an incident noon na galit na galit si Lenard. Lumapit sya at sinuntok nya ko. I gave it back that punch. Suntok dito, sipa dun. It was a terrible fight na nangyari sa loob ng academy.

"I can do a lot BETTER but …

I think you can do a lot BEST." - Lenard.

Parang mga bata lang kaming nag-aaway at hindi ko alam kung bakit nga kami nagsusuntukan nung araw na yun.

After the fight, hindi ko na sya nakita.

After a month, lumapit sila sa'kin, yung limang guy, Lenard, Vince, Terrence, Nate at Dave. At ayun, nag-start na ang pagiging leader ko sa kanila.

Masyadong maraming nangyari in the past, pero sa tingin ko, kailangan ko munang harapin sya ngayon.

-----

Tumigil ang van sa harapan nya. Lumabas ako para, for the first time, I'll talk to her in person.

" Are you Aiden? Please get inside. I know Ate Alyson. " - Lenard.

Nagulat ako sa sinabi ni Lenard.

~Paano nya nalaman ang name nya?

Ibig sabihin ba nun, na sya pala yung pinag-uusapan nila kanina sa bahay.~

Tumingin ako kay Lenard para basahin kung ano ang inisip nya.

~Tsaka nga pala, isa sa katangian ko ang alamin ang tinatakbo ng utak ng mga 'to.

For the past three years, kilalang-kilala ko na sila. Babae si Miss Allonza at ayokong mapasama sya sa mga babae ng mga 'to.~

-----

Binuksan ko nang malaki ang pinto ng van. Tinignan ko si Lenard at tumingin sa upuan na inupuan ko kanina. It's a SIGN na alam nya na dapat ang gusto kong mangyari.

Sa kabilang upuan ng driver's seat uupo si Miss Allonza. Meaning I lend my seat to her.

Tapos binuksan ko ang katabing pintuan para pumasok sa loob ng van. Si Terrence at Vince ang nakaupo sa middle side ng van, plus si AKO. Si Nate at Dave naman ang nasa likuran.

They all seem quiet habang nakatingin sa'kin. Ibang-iba kasi ang kinikilos ko kaysa sa usual kong ginagawa. I have nothing to say, hindi ako makakapagpaliwanag sa kanila dahil nandito sya.

And this is my chance para kausapin sya, kaya lang ...

"Kapatid mo ba si Mam Alyson? Salamat ha, nagkita na rin tayo ngayon."

Pause.

"I mean, gusto ko lang magpasalamat dahil sa'yo … basta maraming maraming salamat talaga."

Kaya lang, nang sabihin nya yun, hindi sya sa'kin nakatingin. Kay Lenard, sa lalaking nasa driver's seat sya nakatingin.

~Wala akong nagawa para sabihing AKO yun.~

Pinagmamasdan ko lamang sya. Bago ako bumababa ng van kanina, inayos ko muna ang rare-view mirror para makikita ko sa pwesto ko ngayon ang ginagawa nya sa unahan ng van. Nakapwesto kasi ako sa likuran ng upuan nya, kaya hindi ko sya nakikita ng kabuuan.

~Nalungkot ako, she thought that I was HIM.~

-----

The moment she speak, napapangiti ako sa sarili ko. Sa wakas kasi, naririnig ko syang muli na magsalita nang malapit sa'kin. I like her voice kahit nung una palang kaming magkita. At ayokong hindi ko naman ulit 'to maririnig.

Pinakikilala nya ang sarili nya kay Lenard.

~As she knows that ME is Lenard.~

Too bad for Lenard, hindi inabot ang kamay nya for shake-hands.

~Good for me, para sa'kin lang ang mga kamay nya.~

I smile.

------

Tinext ko sya kaninang umaga para sabihing sumakay sya sa isang special black taxi. Hindi nya siguro naintindihan yun kaya ito naglakad sya ng ilang kilometro. I hope she's fine.

That moment, nagpre-pretend na si Lenard bilang ako.

~Too bad for him, humanda sya sa'kin mamaya.~

Bigla naman sumulpot sa harapan si Nate.

Nakaupo sya sa likod kaya tumayo sya at inilapit ang mukha nya kay Miss Allonza.

Nagulat ako sa ginawa nya. He wants to flirt with her.

~Too bad, humanda ka rin mamaya.~

Hinila ko ang damit nya para bigyan sya ng babala. Babala sa ginawa nyang paglapit ng face nya sa face ni Miss Allonza. At the same time, para na rin ayusin ang pagkakaupo nya.

Napansin ata ni Dave na ayoko sa kinikilos ni Nate, kaya hinila nya ito pabalik sa upuan nya.

-----

Talkative talaga si Nate, magalaw at magulo, pero sa tingin ko lang, may importante atang syang nalaman kaya sya nagkakaganyan.

He talks a lot. Siya mismo ang nagpapakilala sa mga kasama namin.

Nakatingin at ngumingiti lang si Miss Allonza sa bawat isa, na parang gusto nyang sabihin na …

~Nice to meet you all.~

At ako, nakatingin sa kanya, pinagmamasdan sya.

For almost two months or exactly 75 days ko na syang hindi nilalapitan, yung malapit na malapit.

-----

Malapit na kami sa Administration Building.

"Hey Aiden, how about you? Tell something to us." - Lenard.

"Naku … ako … nasabi ko na name ko kaya Aiden na lang ang tawag nyo sa'kin. Business Administration, Major in Management, yung course ko dito. At yung ibang info about sa'kin, to be continue na lang next time. Nandito na tayo eh.", pagpapakilala ni Miss Allonza naman sa sarili nya. Hindi pa lahat ng information about sa kanya and also kung ano ang pagkakakilala ko sa kanya.

-----

~Here we are, sa parking lot sa harap ng Administration Building.~

Ako yung unang lumabas ng van para pagbuksan sya ng pintuan.

As my usual expression, BLANKO. I have no emotions in my face to tell her that …

~Here we are, pwede ka nang bumaba. Mag-ingat ka sa kanila. You don't know them.~

Eh, ang kaso, she didn't also know who I am. Sinabi lang nila na ako si Lenard, which is, I don't want it to be like that, ang malaman nyang ibang tao ang KEI na kilala nya.

-----

Tinignan ko sya deretso sa mata.

There's something caught my attention.

Sa palagay ko, gusto nyang umiyak. I see in her eyes that she wants to cry.

But then, I refuse to look at her again.

Ayokong malaman kung bakit dahil it will hurt me lang again, and alam kong iiyak lang sya because of me.

------

At this moment, ako lang ang nakakaalam ng mga posibleng mangyari sa kanya dito sa loob ng academy. Ngayon pa nga lang, sa buong paligid ay nag-aantay na ang maraming tao para sa pagdating namin.

Saksi ang lahat ng ginawa ko, I open the door for her. At sa ilan pang maling moves ang gawin ko, paulit-ulit lang syang masasaktan.

~I'm sorry.~

-----

Nang makalabas na ang lahat sa van, nagpaalam na sya at pupunta na sya dun sa Administration Building. Ito yung araw at oras para mag-report sya sa Office of the Registrar. She has a big role in this academy kahit na estudyante lang ipinasok nya dito.

-----

As she walks away from us, lahat ng naghihintay sa pagdating namin ay biglang natahimik. Lahat sila nagtataka kung sinong girl yun.

~Why? Who? How? Mga tanong na naririnig ko sa kanila, mahahalata talagang nagtataka sila.~

"She's just one of our girls. I mean one of the new girls that we have.", sinabi ni Lenard para matigil lang ang ongoing commotion sa paligid.

"That's not what I want to hear from you.", I said.

Ayoko sa sinabi ni Lenard. Ayokong maniwala sila sa sinabi nya. Pero …

Wala pa akong magagawa sa ngayon, dahil …

~She knows that ME is Lenard.~

No comments:

Post a Comment