Flashback for Kei's point of view from Chapter five to Chapter six.
[ Kei's POV ]
"That's not what I want to hear from you.", I was pertaining to Lenard.
Ito ang huling mga salitang binitawan ko bago kami pumunta sa KISS ROOM.
Nang makapasok na kami sa KISS ROOM,
"I saw that, ayii.", sinabi ni Nate habang may malaking ngiti sa labi nya.
"Hey, Mr. Takahara, that's not what I want to hear from you. Hindi sya tulad ng inaakala nyong babae. She's different. So please, all of you, stay away from her." - Kei.
"Ok, relax ka lang Kei. Sinabi ko lang naman yun para hindi na ibaling pa ng mga fans club mo kung sino yun." - Lenard.
"Oo nga. Masyadong kakaiba ang kinilos mo kanina. At yung sinabi lang ni Lenard ang posibleng magpatahimik sa mga usap-usapan. Mahirap na, baka kung ano pa mangyari dun." - Terrence.
Tama sila, at AKO, wrong moves talaga ang ginawa ko. I open the door for her. Hindi ko naisip ang posibleng mangyari.
Dito sa academy, tinitingala kaming anim. Popular at konting eksena lang ang mangyari in public …
BOOM!
Kumakalat na agad ito sa buong academy. At dahil sa technology, naikakalat 'to sa bawat estudyante pati na rin sa mga professor.
Walang sinuman ang nakakaalam kung anong relasyon ko kay Miss Allonza, kahit ang Prinz Küssen. At kung malaman man 'to sa buong academy, isang malaking kaguluhan ang mangyayari, or something na ikakagulat ng karamihan. Baka si Miss Allonza, mapahamak ng dahil sa'kin.
So, kahit ayaw ko man gawin 'to, I stay away from her. Kailangan ko syang iwasan sa ngayon at kung talagang kinakailangan.
"Sino ba si Aiden? Ano ba tingin mo sa kanya? Kung hindi mo sa'min sasabihin, hindi namin malalaman kung sino ba sya. And, if you don't mind, we can protect her." - Vince.
~ Protect her? ~
I don't think so, pero maaari yun.
Ako na leader nila, pinoprotektahan sya ng palihim, nang hindi nya alam. Posibleng mas maging ligtas sya kung anim kaming nagbabantay sa kanya. Pwede nilang magamit ang mga koneksyon nila for her sake.
Mahalaga sya pero …
Pero hindi ko pa alam kung bakit.
-----
"Nate, nakita ko rin yun. Sa wakas … ~hahaha~ Pero nakita mo rin ba kung paano nila tignan si Aiden? Tsk, delikado yun.", tanong ni Dave kay Nate, sabay upo sa big size sofa.
"Yung mga babaeng leader ng fans club natin, mag-ingat kayo dun. She's different also. Pero katulad ng iba, gustong-gusto nila ang bawat isa sa atin lalo kay Kei. I think they're insane, baliw sa pagmamahal sa'yo, Kei. hahaha" - Terrence.
"Balita ko, nagkaroon ng recruitment sessions after ng entrance examination. After lunch ata yun. Nagre-recruit sila ng bagong mga miyembro ng grupo nila.
Dumarami na sila. Halos ata lahat ng girls dito sa academy, member ng grupong yun. Kahit ayaw daw nilang sumali, napipilitan sila.
Dahil kung hindi … Naku! … Ano nga pala name ng fans club na yun?" - Lenard.
Alam kong nagkaroon ng recruitment sessions after ng entrance examination, pero I told my sister na umalis kaagad sila after nun exam. So, no one knows na hindi sya nakasama, except ME.
"KISS GIRLS, ang tawag nila sa sarili nila. KISS PRINCESSES naman dun sa may higher positions sa club na yun." - Nate.
"Objective nila, walang hindi member ng Kiss Girls ang makakalapit sa'tin.
At kung sinuman ang mahuli o may ebidensyang lumapit sya sa'tin, punishment ang balak nilang gawin." - Terrence.
"Buti na nga lang eh, first day ng school year ngayon at exempted ang mga baguhan for one week. Pero next week, hinay-hinay na ang mga nagbabalak lumapit." - Dave.
"hay, Kahit ganun man. Marami pa rin ang member ng Kiss Girls. Lahat sila may consent sa Kiss Princesses. They will give us gifts, flowers, chocolates, foods at kahit daw katawan ibibigay nila." - Vince.
"Kung sabagay, nakakapili naman ako ng best kisses sa kanila. Last year, maganda yun at this year mukhang exciting. hehehe" - Dave. (^_^)
"Umandar na naman ang pagka-pervert mo, Dave.
Anyway, Kei, member na ba si Aiden ng Kiss Girls? So, meaning makakalapit sya sa'tin?" - Lenard.
------
As usual, nag-uusap-usap sila at AKO ito …
BLANKO ang expression, parang walang nangyayari sa paligid ko at ito ang pinapakita ko sa kanila.
COLD, madalas ganyan nila ako i-describe. I will not talk if it is not important.
Pero not now, they saw my other side.
~Sa tingin ko, nag-aalala ata ako kay Miss Allonza.~
"No, she will not join that club." - Kei.
~I'm sure of that.~
They want more explanation, ngayon pa na ibang AKO ang kaharap nila.
"What?! But why? Eh bakit mo sya isinakay sa kotse ni Lenard. Pati si Ate Alyson, she told us na maging nice kami sa kanya." - Nate.
They know something because of my sister.
~Mahirap i-explain, guys, lalo na kung sya ang involve sa usapan ito.~
"Kei, kahit hindi ka palaging nagsasalita, naiintindihan ka namin. Yung moment na nagpapasalamat si Aiden kay Lenard na akala nya si Lenard ay ikaw, I saw the smile that form in your lips." - Dave.
"Ha?", nagulat ako sa sinabi ni Dave.
~I told you, ibang AKO ang kaharap nyo ngayon.~
"To tell you honestly, masayang-masaya kami sa nakita namin. Ngayon ko lang talaga nakita ang ngiti mo lalo na babae ang dahilan kaya ka nag-smile." - Nate.
"Sa oras na 'to, I can draw your expression, also kanina sa van. Yung pag-smile mo, ang cold face turn to nagwo-worry face, pati na rin ayan, your cute face that captures all the hearts of girls." - Vince.
"Wala ka pang ginagawa, nahihimatay na sila kapag nakita ka. Pero nagigising dahil ayaw nilang mawala ka sa paningin nila. Eh ako, kailangan ko munang magpasikat sa kanila. Tulad ng basketball exhibition pati pagtugtog ng drums." - Terrence.
"Eh, ano pa kaya kung makita ka nilang ngumiti. Naku baka sa hospital na nila Lenard ang bagsak nilang lahat." - Dave.
"Ok, but how will they re-act kapag nalaman nila na babae ang dahilan ng pag-smile ni Kei?" - Lenard.
Sa oras na 'to, may ideya na sila kung bakit ganito ang kinikilos ko.
Yung SMILE …
Alam ko yun, sya talaga dahilan nun at masaya ako about dun.
But, kapag sumasagi sa isip ko na sa wrong moves ko lang, magiging hindi ok ang lahat …
------
But suddenly, ininterupt ni Nate ang pag-iisip ko, nang sabihin nya na …
"Don't think too much, Kei. Walang mangyayaring masama sa kanya. Kahit wala kaming ideya kung sino sya, we will protect her." - Nate.
~Tama sya, that’s the only way they can do for her by now.~
"Nagtext na sa'kin yung organizer ng ceremony, magsisimula na daw, kailangan na nating pumunta dun." - Nate.
Hindi ko pa dapat iniisip ang masamang mangyayari.
I know na hindi sya masasaktan ng mga yun.
I'll protect her as much as I can. Tutulungan din ako ng Prinz Küssen.
Magiging masayang memories din ang gugugulin namin kasama sya.
~Miss Allonza, wait first, I tell you everything.~
-----
Nagsimula na yung opening ceremony.
"And that's the last rule of the academy. Thank you." - Kei.
Natapos na din yung i-speech ko for this ceremony at tsaka namin winelcome ang mga bagong estudyante dito sa academy.
After ni Nate magsalita ng speech nya, si Lenard na yung susunod na mag-i-speech. Bago sya tumayo, tinanong nya muna ko.
"Kei, nandito ba si Aiden sa loob ng auditorium?" - Lenard.
"No, she's somewhere else." - Kei.
~Sigurado ako dun.~
Because, hindi ko muna hahayaan makilala nya ako habang nandito ako sa stage.
My plan is ongoing pa. I tell the Registrar na patagalin ng konti yung pagfi-fill up ni Miss Allonza sa mga papeles nya. So, magiging late syang makakapunta sa auditorium.
And yung last part nun, tinext ko sya na lumabas sya ng auditorium at pumunta sa Registrar para kunin yung schedule nya. Dahilan din nito para 'di nya makita na si Lenard na akalang nyang AKO ay magsasalita sa harap ng lahat ng bagong mga estudyante. Kaya nung makabalik sya sa auditorium ay tapos na yung opening ceremony.
-----
Kinabukasan.
(Create Message)
To:
Miss Allonza
6:15:55AM
June-24-2014
"I'll fetch you today. Maghintay ka sa harap ng apartment mo."
I send her a message para malaman nya na susunduin ko sya ngayon.
Not actually AKO yung susundo sa kanya, yung fake na Kei yung kasama ko para sunduin sya pagpasok sa academy.
-----
Around five o' clock in the morning, nung tawagan ko si Lenard.
"Get ready your car.
Pumunta ka dito sa house.
Susunduin natin si Miss Allonza.
Exactly 6:00AM nandito ka na. Bye." - Kei.
Tsaka ko binaba yung phone, baka kasi magreklamo pa yun at magdahilan ng kung ano-ano. Kailangan nyang pumunta kung hindi, ALAM na.
------
Nasa harapan na kami ng apartment ni Aiden. After I send the message, lumabas na rin sya ng apartment nya.
"Good morning, Aiden. Sabay na tayo sa pagpasok sa academy. Get inside." - Lenard.
Nagulat ako sa ginawa ni Lenard.
Nasa likurang bahagi ako ng kotse nya, my plan is dun si Miss Allonza uupo sa tabi ng driver's seat. Pero hindi ganun yung nangyari.
Binuksan ni Lenard yung pinto dito sa tabi ng inuupuan ko.
"Good morning.", sabi ni Miss Allonza.
I don't know kung anong iniisip ni Lenard, pero I guess yung plan nya ang nasunod.
Katabi ko sya, ang taong ayoko pang makausap sa ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
But then, I act normal. I do not talk.
SILENCE.
-----
"Ahmm, Mr. James Keith …" - Aiden.
"Mister?, don't call me mister, magka-age naman tayo eh, right?! Twenty-one years old pa lang din ako. 'Kei' na lang itawag mo sa'kin." - Lenard.
"Ah, ok po. Kei, alam mo po ba yung Kiss Girls?
Tsaka Kiss Princesses?
May kumausap kasi sa'kin kahapon. Kailangan ko daw maging member nun. Ewan, ang dami nilang sinabi eh." - Aiden.
"Ha?, yun ba.
Fasten your seatbelt muna bago ko sabihin sa'yo kung anong mga yun.", sabi ni Lenard kay Miss Allonza.
I think something wrong. Hindi nya siguro alam kung saan yung seatbelt dito sa backseat. So, I rather stretch my arm para maabot yung seatbelt sa right side ng kotse.
After ko matapos ikabit yung seatbelt for her, tsaka ulit nagsalita si Lenard.
"Ehem … KISS GIRLS ang tawag sa mga fans namin. Karamihan kasi babae, so Kiss Girls, at yung KISS PRINCESSES naman, sila yung leader ng grupong yun." - Lenard.
"Ganun ba yun. Pwede bang hindi sumali sa kanila?" - Aiden.
"Ha? Bakit? Halos lahat ng girls sa academy kasali dun. Bakit ayaw mo? Ayaw mo bang maging fans namin?" - Lenard.
"Hindi naman sa ganun. Kaya lang …
Kailangan ko pa daw mag-report sa kanila kong lalapit daw ako sa inyo. So, meaning sasabihin ko sa kanila lahat pati itong pag-sundo nyo sa'kin?" - Aiden.
"Hindi mo sasabihin sa kanila? Bakit?" - Lenard.
"Ha?, ah oo, kasi 'di ko naman sila kilala eh. Baka kung ano pa isipin nila.
Tsaka, baka kung ano-ano pang ipagawa nila sa'kin dun. Ayoko nga." - Aiden.
"Ah ok, yan desisyon mo. Pero may rules pa rin na kailangan sundin.
Bawat estudyante sa academy, may club na sasalihan." - Lenard.
"So, club pala yung Kiss Girls. Hmmm, maghahanap na lang ako ng ibang club." - Aiden.
I know the reason kung bakit ayaw ni Miss Allonza ang sumali sa kahit anong club. Sinabihan ko sya through text messages na 'wag na 'wag syang sasali sa mga club sa academy lalo na yung walang kabuluhan.
"Tsaka 'di ba sabi mo sa'kin, mag-aapply ako bilang secretary ng student-director. Next week yun, right?" - Aiden.
"Student-director, kamo? Sinabi ko?" - Lenard.
I also tell her na mag-apply syang secretary ng student-director, which is, AKO yun.
Ang hirap i-explain kung bakit ganun na lamang ang desisyong nagawa ko.
~Minsan talaga nakakapag-desisyon ako ng hindi ko iniisip ang maaaring mangyari. Matalino naman ako pero hindi ko pa rin maintindihan at lalong hindi ko maipaliwanag kung ano ba 'to, itong nararamdaman ko para sa kanya.~
Siguro paraan na rin 'to para maprotektahan ko sya bilang student-director sa academy. Isang way na rin 'to para tignan din sya ng bawat estudyante na mataas ang posisyon nya dahil secretary sya ng student-director.
I know na COMMONER lamang ang magiging tingin nila sa kanya sa umpisa, lalo na't kung malaman nilang hindi sya galing sa kahit anong mayayamang pamilya na kilalang-kilala sa buong mundo.
But then, my plan is …
~She will be staying beside me, FOREVER.~
------
"Ah, oo. Next week, be ready, dapat magustuhan ka ng director ng academy. Ang alam ko, hindi nagtatagal ang mga naging secretary nya. Lalo na babae. Ayaw nya daw kasi sa babae." - Lenard.
"Ha?, eh, paano yun? Magugustuhan nya kaya ako? Magta-trabaho naman ako ng mahusay sa kanya eh. Sino ba sya?" - Aiden.
"Basta next week makikilala mo din yun." - Lenard.
I don't know kung ano iniisip ni Lenard sa ngayon. Kung bakit na-conclude na next week pa malalaman ni Miss Allonza yung mga bagay na yun.
~Nakakasiguro ba sya na magagawa kong makilala nya that time?~
Ay ewan!
Mas lalong hindi ko maintindihan kung ano 'tong nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung …
MAGIGING MASAYA ba ko na makasama sya palagi …
MATATAKOT ba ko na makilala nya na ko bilang si Kei …
MAIINIS ba ko kung bakit ganito yung nararamdaman ko, o …
MAGAGALIT sa hindi malamang dahilan.
~AAAAHHHH~
Parang gusto kong sumigaw pero nasa isip ko lang lahat ng 'to. Hindi ko magawa kasi …
Nakatingin ako sa kanya mula dito sa bintana na nagre-reflect yung mukha nya.
Yung mukha nyang gusto kong makitang palaging nakangiti.
~May naisip lang ako …
Dahil ba katabi ko sya ngayon, ibang AKO pa rin ang nasa isip ko?
Dahil ba katabi ko sya ngayon, hindi ko na mabasa o malaman man lang kung anong posibilidad na iniisip ni Lenard towards her?
Dahil ba katabi ko sya ngayon, kung ano-ano na ang nararamdaman ko ngayon?
Dahil ba sa kanya, nagdi-desisyon akong maprotektahan sya as much as I can?
Why?
I don't know but I'm sure of these …
I like her voice kahit nung una palang kaming magkita. At ayokong hindi ko naman ulit 'to maririnig.
She will be staying beside me, FOREVER.
I'll protect her as much as I can.~
-----
Nakapasok na kami sa loob ng Shejina Academy. Nai-park na rin ni Lenard yung kotse nya.
Bago ako bumaba, tinanggal ko muna kung seatbelt ni Miss Allonza. Tsaka ko inabot yung handle ng pinto sa right side para buksan 'to para sa kanya.
"Bye bye, guys" - Aiden.
---------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Hi, everyone. Kamusta ulit po kayo?
Konti lang ino-note ko ngayon, kasi matagal ding hindi ako nakapag-update sa mga chapters dito sa story ko. Onting pasensya na rin po kung bakit ganito yung mga sumunod na chapters. Medyo malayo-layo pa yung pinakatakbo nung story. Basta, I will sure you that this will be interesting story I ever make.
Na-publish ko na rin po pala yung two short stories na nagawa ko na po. Read nyo na lang po yun ha.
Sana magustuhan nyo din po yun, tsaka comment-comment na lang din po kayo dyan. Para maramdaman ko na din po yung presence nyo. ~hehehe~ (^_^)
-----
Thank you po pala dun sa mga interesadong makakuha ng soft copies nitong myHB2myPM, kaso chapters 1 - 10 lang po yung nagawa ko.
So, meaning, the rest chapters, sa wattpad or blog ko na lang po nyo mababasa.
See you soon, este, see your comments here.
Thank you thank you so much.
-----
Suggest na lang po kayo kung anong happenings ang gusto nyong mabasa, para kung sakali man, yun din pala ang nasa isip ko. ~hehehe~ (^_^)
I hope na ma-enjoy nyo ang pagbabasa ng fiction story na 'to. I lend my time to do this story.
Pag-usapan din po natin yung mga eksena sa story ito. And don't forget the meaning of myHB2myPM, stands for "my HEART belongs to my perfectMan" - perfectgirL
Just keep on reading it. Enjoy.
Silent readers, paramdaman kayo ha. Thank you very much.
Critics, hmmm, KARMA strikes more than THREE times, you know.
~THIS IS A FREE COUNTRY. YOU CAN DO WHAT YOU WANT.~
SMILEY (^_^)
~^o^~ --- *\O/*
---------------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment