Sunday, June 30, 2013

Chapter 27: Video

[ Lenard's POV ]

Saglit lang si Kei sa loob ng apartment ni Aiden.

Then, maya-maya, sumakay na rin sya sa loob ng kotse, sabay utos na …

"Daretso tayo sa condo ko." - Kei.

And, as usual, ako naman ay sunod sa utos nya.

~hay~

Pagkatapos kong ihatid si Kei sa condo, dali-dali naman akong umalis din sa lugar na yun.

Nakatanggap kasi ako ng tawag kanina mula kay Nate habang nasa loob pa ng apartment ni Aiden si Kei.

[ Flashback ]

"Sige, sabi mo eh. Ahmm, dito na lang ako sa loob ng kotse.

Kei, ikaw na bahala sa kanya. I'll wait for you in a minute, ok?!", sabi ko at sabay naman na lumabas ng kotse si Aiden at Kei.

I look for my cellphone, nagba-vibrate kasi kanina 'to.

And speaking of vibration, ito may tumatawag na naman.

"Lenard, ang tagal mo naman sagutin yung phone.

Anyway, nasaan ka?

Pumunta ka ngayon dito sa studio.

Bilisan mo, nakuha na namin yung video.", bungad sa'kin ni Nate.

"Anong video?

Ah, ok, papunta na ko." - Lenard.

Sabay baba ng phone, nandyan na kasi si Kei.

[ End of Flashback ]

Pagkahatid ko kay Kei, sumakay agad ako ng taxi.

Pagbaba ko ng taxi, nasa harapan na ko ng studio kung nasaan sila Dave, Nate, Terrence, at si Vince.

"Tsk! Ganito pala yung nangyari."

"Wala silang awa! Kahit babae pinapatulan nila."

"Hindi ko sila mapapatawad!"

Commotion mula sa loob ng studio ang naririnig ko habang papasok ako.

"Hey, anong video yung sinasabi nyo?" - Lenard.

"Buti at dumating ka na. Look at this video." - Terence.

"Nakuha namin 'to dun sa isang journalist student na nasa loob din ng covered court kanina." - Nate.

"Pahirapan pa nga makuha yan eh. Buti na lang, charismatic ako." - Dave.

"Haist! Let me see that. Nakuhaan ba lahat simula nung una?" - Lenard.

"Yes, makikita mo lahat ng highlight na nangyari kanina." - Terrence.

Habang inuulit nila yung video simula nung umpisa, nakaramdam ako ng ibang aura mula sa apat na kalalakihan na katabi ko.

Pare-parehong aura na sa tingin ko ay alam ko na kung anong nilalaman ng video na nasa harapan ko ngayon.

-----

[ Female's voice from the video ]

"I'm just an ordinary journalist na secretly doing this video.

Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ko. Ang alam ko, mahuhuli din naman ako. Pero, hanggang 'di pa ako nahuhuli, gagawin ko muna 'to.

That was a journalist must do. Ang ipakita kung anong katotohanang nangyayari ngayon.

-----

Start na ng pagre-recruit ng Kiss Girl. Kahit na Kiss Girl ako, ayoko talaga ng mga gawain nila.

Wait?! Ano yun? …

Look at that girl, yun na siguro ang bagong target nila for this year.

Sandali, familiar yung girl …

Ah, sya yung girl nung last week, yung kasama sa kotse ng Prinz Küssen.

May on-going commotion banda dun …

Tsk, yung cellphone nya!

Binagsak sa sahig yung cellphone nya nung isang officer ng Kiss Girl. Mukhang nagkakasigawan na sila, at tumataas na rin yung boses nung girl.

Pero dumating na rin yung mga nagli-liderang miyembro ng Kiss Girl.

-----

Hmmm … papasok na kami ng covered court. Dun ako uupo malapit sa bench.

Tsk!

Yung babae!

Haist!

Yung camera 'di na focus dun.

Sandali … sandali …

ZOOOOOM …

Ibang girl yung binababoy nung mga boys na yun, at naka-uniform sila tulad nung uniform ng mga kalalakihan dito.

Pero sa tingin ko, hindi naman mga estudyante ng academy yun mga yun.

-----

Find HER …

Ayun … FOCUS … FOCUS …

Oh, sh*t!

Yung matabang lalaki papunta sa kanya.

Kitang-kita at rinig na rinig naman dito ang hiyawan ng lahat ng kababaihan. Nagsisitilian sila sa mga nangyayari na parang gustong-gusto nila yung mga nakikita nila.

Hala! Paanong …!

Anong nangyari?

Hindi man nakita ng dalawang kong mata kung paano pinabagsak ng babaeng yun ang matabang lalaki …

Pero ayos lang, nakuhaan naman lahat ng video ko yung mga pangyayari, panonoorin ko na lang mamaya.

Wait!

Mukhang nagwa-wild na yung mga ibang kalalakihang nasa baba.

Tsk!

Sumusugod sa kanya! Ah …"

-----

Natigilan na yung babaeng nagsasalita sa video.

Naka-focus na lang yung video sa mga nangyayari.

Hiyawan at sigawan na lang yung naririnig ko mula sa video.

Naka-focus sa kanya.

Naka-focus kay Aiden yung camera.

-----

Nagkamali ako kanina.

Akala ko, isang bihasa sa pakikipaglaban si Aiden.

Pero sa mga nakikita kong movements nya, halatang-halata at kitang-kita ko kung paano nya lang ipinagtatanggol ang sarili nya sa mga kalalakihan na nanakit sa kanya.

Isang lalaki ang sumuntok sa kanya, pero nailagan nya yun.

Ngunit …

Ngunit hindi yung sumunod na suntok mula sa isa pang lalaki.

Tinamaan sya sa balikat.

Sipa at tadyak naman ang inabot ng mga lalaking yun.

Pero …

Pero sipa at tadyak din mismo ang nakikita ko sa video na 'to na ginagawa ng mga kalalakihang yun sa kanya.

Tinatamaan din sya sa magkabilang binti nya.

Sa tingin ko, malakas syang sumipa. Kaya siguro, yung paa nya yung pinupuntirya ng mga lalaking yun.

Yung paanan ng lamesa na hawak nya lang kanina …

Hawak-hawak na nung isang lalaki.

Sabay …

Sabay hampas sa binti nya.

Yun siguro ang dahilan kung bakit may malaking pasa sya sa parteng yun.

-----

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

~I wish this is not true.~

[ Female's voice from the video ]

"Hindi ko alam kung paano ko na ipapaliwanag yung mga nangyayari.

Naaawa ako dun sa babae pero …

They called her as a monster.

Pero …

Wala naman akong kakayahang tulungan sya.

Mapapahamak din ako kung sakaling makigulo pa ako sa ibaba.

Natatakot ako sa posibleng gawin ng Kiss Girls sa mga taong tulad nya.

Walang tumutulong sa kanya para labanan ang mga siraulong lalaking yun.

Matapang sya …

Malakas din sya …

Kahit na sa tingin ng nakakarami na sya ay isang monster na gumugulpi sa walong kalalakihang yun …

Hindi ko din ipagkakait na isa lang din syang babae tulad ko.

Nasasaktan din sya ng sobra.

-----

Teka-teka anong eksena yun? …

Tsk!

Isang lalaki ang nagtatago sa likod ng isang babae, mukhang takot na takot na syang makipagbugbugan sa babaeng monster.

Palapit yung babaeng monster dun sa lalaki, at nang makalapit na sya, hinawakan nya yung kamay nung lalaki, mukhang pinipilipit nya 'to.

At sa eksenang yun, nakatakas na rin yung girl, but …

But, hinawakan nung girl yung braso nya.

Something weird …

Wala man syang awang bumubugbog sa mga lalaking yun …

Para sa'kin, ibang klase syang babae.

Nagawa nya pa ding ngitian yung girl na humawak sa braso nya.

Sa tingin ko, sinabi nung girl, tama na.

-----

Patuloy pa rin ang pagsasalita at pagsisigaw nung babaeng may hawak na microphone.

Hanggang sa nilapitan sya nung babaeng monster, kaya naman nalaglag sa sahig yung microphone.

Kinuha naman nya yung microphone na nasa sahig. Dun na sya nagsimulang magsalita.

Ibang klase sya.

Sigaw na sya ng sigaw.

Mukhang sa pagsigaw nya na lang nilalabas yung gusto nyang gawin sa mga babaeng nasa stage na yun, ang mga Kiss Princesses.

Teka-teka, what's that noise?! …"

After that, dun na yung entrance naming anim sa loob ng covered court.

-----

"What do you think, Lenard?" - Terence.

"I don't know.

She's so precious.

Hindi na dapat mangyari 'to kahit kailan." - Lenard.

"Hindi na talaga!

By the way, we got those info ng mga lalaking yun.

Terence and I will take responsible for them." - Vince.

"Hey Vince, bakit 'di mo agad sinabi samin.

Nasaan sila? Humanda sila sa'kin!" - Dave.

"Shut up, Dave.

Ok na yun, nakuha na nila yung dapat na mangyari sa kanila." - Terence.

"Ok, sabi mo eh.

So, what's our role?

Hindi naman pwede na uupo na lang kami dito habang naturuan nyo na ng leksyon ang mga yun." - Dave.

"Dave, hayaan na lang natin yung bagay na yun kila Vince at Terence.

Meron pa naman tayong magagawa para kay Aiden." - Nate.

Sila Nate at Dave pala ang nakakuha ng kopya ng video na pinanonood namin ngayon mula sa isang babaeng journalist.

At sila Vince at Terence ang take charge sa mga lalaking naging sanhi ng mga sugat at pasa na natamo ni Aiden.

Ako …

Hmmm … safety muna ni Aiden ang iisipin ko, bago ang ibang bagay.

Something weird din yung kinikilos ni Kei towards Aiden.

-----

"Skeptical pa rin ako sa mga nangyayari.

We know na kilala din sya ni Ate Alyson, but …

What was her relationship with Kei?" - Terence.

"Sa tingin ko, mas malalim pa yung ugnayan nila Kei at Aiden sa isa't-isa.

Basta, we just wait here kung kelan sasabihin sa atin ni Kei ang lahat." - Lenard.

"Ok, you said it na eh.

Sa hospital kayo nagpunta kanina di'ba?

Eh, sumunod kaya kami agad sa inyo pero wala na kayo dun.

Saan na kayo nagpunta?" - Nate.

"Ah, yun ba, basta." - Lenard.

Nauwi na lang yung pag-uusap namin sa mga bagay-bagay na maaari namin gawin para kay Aiden.

Ilang araw pa lang namin syang nakakasama, pero parang malaking parte na agad sya ng grupong Prinz Küssen.

Oo nga pala, sya na pala ang Official Princess namin.

I mean, for correction …

KEI's PRINCESS AIDEN only.

No comments:

Post a Comment