[ Reminiscence of Aiden ]
Isa sa mga katangian ko ay ang matalas kong memorya.
Bata pa lang ako, naaalala ko pa yung mga bagay na madalas kong ginagawa.
Pero kung minsan, yung mga eksena sa buhay ko na hindi naman importante, nakakalimutan ko na.
~Hindi naman importante yun eh. hehehe~ (^_^)
Even the single things that happened to me, I freshly remember.
-----
Isa sa mga naaalala ko ay yung eksena kung saan una kong napagtanto na may sarili na pala akong paninindigan. I called this as MY WORDS.
Hindi ko makakalimutan yung mga salitang lumabas sa mga bibig ko. I said to myself that,
"huwag na huwag kong kakalimutan ang lahat ng bagay na nangyari na noon."
~I just rephrase it pero parang ganito na rin yun.
Oh di'ba, sabi ko MY WORDS. Inuutusan ko na pala dati pa yung sarili ko. hahaha~ (^_^)
Ang most interesting na dahilan kung bakit ko 'to naaalala,
Its because that time, I was four years old only. Apat na taong gulang na may malawak ng pag-iisip.
~Ang korny, pero totoo.~ (^_-)
At kung bakit alam kong four years old ako nun, BIRTHDAY ko kasi yun eh.
-----
Nakakatuwa nga lalo na kapag naaalala ko yung mga masasayang eksena nung nakaraan.
Naalala ko noon, nang tanungin ko yung kababata kong babae, si Bibi - Josephine Lee, na kung ilang taon na sya?
Sagot nya, four years old din sya, pareho kami.
Kaya nag-conclude ako na lahat ng tao ay apat na taong gulang din.
~Hahaha. Naisip ko pala ang mga ganun dati.~ (^_^)
-----
Malawak din yung imagination ko, lalo na kapag nag-iisip ako.
Pati yung REINCARNATION naisip ko din.
Four years old din ako nun, nang maisip ko na,
"Kung mamamatay ako ngayon, sino kaya ako sa susunod na buhay ko? …" (?_?)
O kaya, "… dati kaya prinsesa ako na pinagsisilbihan ng maraming kawal?" (?_?)
-----
Ang mga nakakaimpluwensya sa'kin sa malawak kong imagination nung bata pa ako ay yung mga napapanood ko tulad ng cartoons sa tv.
I like the most, yung CINDERELLA and PETERPAN.
Sa story ni Peterpan, nangarap akong sunduin din ako ni Peterpan sa bintana namin. Isasama nya ko sa paglipad hanggang dun sa Neverland.
~Ang gwapo kaya ni Peterpan kaya hindi ko pinalalampas yun panoorin tuwing hapon.~
That's it. First crush/love ko talaga ang mga cartoons/anime characters, lalo na kung mala-prinsipe ang role nila.
-----
One prince that caught my attention, si Prinsipe Lenard ng Cinderella.
~Bata pa lang ako nun, four year old exactly.~
Crush na crush ko si Prinsipe Lenard, lalo na yung pinakaunang eksenang ginawa nya nang magkita sila ni Cinderella.
He pretend like an ordinary person. Isa syang prinsipe sa lugar nila pero lumalabas sya ng palasyo bilang isang ordinaryong tao.
Pumunta si Cinderella dun sa bayan kasi gusto nyang mapanood ang karnibal na magtatanghal sa plaza. Ngunit hindi sya pinayagan ng kanyang step-mother. Kaya tumakas na lang sya, umalis din kasi yung step-mother at step-sisters nya.
Sa kasamaang palad, nandun din pala sa plaza yung step-mother at step-sisters nya. Tumakbo sya palayo nang hindi tinitignan yung dinadaanan nya. Babalik na sya sa bahay nila para mauna syang umuwi sa kanyang step-mother at step-sisters, kaya lang …
~boom!~, nakabangga nya yung isang lalaki may hawak na mansanas. (>_<)
Kakagatin na sana ni Prinsipe Lenard yung pulang-pulang mansanas, kaso nabangga sya ng isang girl kaya nahulog sa lupa yung mansanas.
And that was the start of the story of Cinderella and her Prince Lenard.
Simula nun, sinubaybayan ko na talaga ang love story nilang dalawa.
Aso't pusa ang awayan nila palagi, pero, in the end, sila pa rin yung nagkatuluyan.
~hay, Also that time, lumawak na rin ang paghanga ko sa mga lalaking characters sa tv lalo na yung may dating talaga, as in, crush-type guy, ika nga.~
-----
One of memories that I cannot forget is, ang unang taong nagkagusto sa'kin.
As in, my crush sya sa'kin.
~hehehe. Cute kasi ako nung bata pa kaya dami rin nagkakagusto sa'kin.~ (^_-)
May gusto daw sya sa'kin. Hindi ko alam name nya hanggang ngayon.
Pero sa totoo lang, sya ang unang lalaking nagpalabas ng kakaiba kong ugali pagdating sa CRUSH.
----
That time, I was four or five years old, may batang lalaki ang madalas na pumunta sa compound namin. Member kasi yung kuya at mga pinsan ko sa catechesis noon at ang father o tito nya ata yung nagtuturo sa kanila.
Isang beses nga nun, naglalaro kami ng mga pinsan kong babae sa kwarto ng bahay nila. Princess-prinsesan yung laro namin. Nakatali yung kumot sa ulo, like a belo ng bride, pero para samin, gown na yung mga suot namin.
Naglabas ng camera yung tita ko. Kaya picture-picturan kami. Pose dito, pose dun. Hanggang sa dumating yung batang lalaking may gusto sa'kin.
Lumabas yung kakaibang ugali ko.
~My shyness.~
Nahiya ako.
Napaupo ako at nagtago sa corner ng kwarto.
Samantalang, sya daw ay sumisilip dun sa pintuan ng kwarto.
~Is this love? Hindi! Puppy love lang ang tawag dito.
But I will call this as PUPPY CRUSH.~
Pero nakakahiya naman talaga. Nahihiya ako sa taong may gusto sa'kin.
-----
~Nasundan pa talaga ang kahihiyan na nararamdaman ko sa tuwing nandyan sya.~
Pumunta ulit sya sa compound namin.
Nasa loob ako ng bahay namin, dun sa may sala. Pumasok yung pinsan ko at sinabi nya na nasa labas daw yung may gusto sa'kin.
~Ewan, hindi ko alam kung bakit ganito yung ginawa ko.~
Lumusot kasi ako sa ilalim ng lamesa namin na nakaharap sa may pintuan. Dun ako nagtago sa may desk-type table, nasa ibabaw yung tv at may drawer na sira o butas yung lalagyanan. Dun ako mismo sa may drawer nagtago kasi maliit lang naman ako.
~Kasya kaya ako dun, half-body ko nga lang ang nakatago pero yung mga paa ko nakikita pa rin.~
May butas dun para makasilip ako sa nangyayari sa labas.
Nagtatawa nga yung mga pinsan ko kung bakit daw ako nagtatago.
~Ewan ko ba, nahihiya talaga ako.~
Sumisilip din sya, yung taong may gusto sa'kin, nasa tapat lang din sya ng pintuan namin.
Nakatingin sa direksyon kung nasaan ako.
~hay~ Nakakahiya talaga ang mga pinaggagawa ko nun lalo na kapag nasa paligid lang sya.
~Bakit ako yung mahihiya?
SYA naman yung may gusto sa'kin at hindi AKO ang may gusto sa'kin?
Ewan. Nakakahiya.~
-----
Binyag ng baby cousin ko noon, may party-party sa compound namin.
Maraming tao sa labas pati na rin sa loob ng bahay namin. Dito kasi naka-display lahat ng foods.
Nasa kwarto ako, kasama yung pinsan kong babae. Tinanong nya ko kung sino daw ang crush ko.
~Grabe ha, five years old lang ako nun at seven years old lang sya pero topic namin si CRUSH.~
Sobra akong nahihiya kasi ayoko talagang sabihin kung sino yung crush ko that time. Nakakahiya, to the part na pinipilit nya na akong paaminin kung sino talaga ang crush ko.
Hinding-hindi nya daw sasabihin kahit kanino kung sino ang crush ko.
Nakumbinsi nya kong sabihin ko yun sa kanya.
Syempre, alam kong hindi totoong tao si Prinsipe Lenard, pero sya talaga ang first crush ko at alam kong hindi rin sya maniniwala kasi hindi totoong tao si Prinsipe Lenard.
But then, mukhang bingi at may topak sa utak pa ata itong pinsan ko.
Sinabi nya sa lahat, lalo na sa maraming tao, na yung batang lalaking may gusto sa'kin ay ang crush ko, which is NOT TRUE.
Pinipigilan ko syang hindi sabihin yun dahil hindi naman yun totoo. Si Prinsipe Lenard lang talaga ang crush ko.
Kaso, sinabi nya yun sa mga pinsan ko at mas lalo akong nahiya kasi nandun din yung batang lalaking may gusto sa'kin.
Hindi ko sya gusto, sa kadahilanang, si Prinsipe Lenard lang talaga ang gusto ko.
That time, I told to myself that, maghahanap ako ng taong magtatago ng mga sikreto ko lalo na kung tungkol sa mga crush ko.
~Ayoko namang kumalat o malaman pa ng crush ko na gusto ko sya. Nakakahiya nga kasi yun.~
-----
And then, mahigit sixteen/seventeen years na rin pala simula nun.
And I found many friends now, specially those best and real friends of mine.
Mga friendship ko na madalas kong makasundo sa lahat ng bagay, lalo na sa kilig at sikreto ng crush-life ko.
~Kaya siguro wala pa rin akong boyfriend hanggang ngayon, its because, I am bless with so many real friends.~ (^_^)
-----
[ Aiden's POV ]
Napapabilis na yung takbo ng motorbike, mawawalan ako ng balance sa kinauupuan ko.
Nang…
Yung isang kamay ni motorcycle guy, hinawakan yung kamay ko. Inilagay nya yung kaliwang kamay ko sa waist nya.
Gusto kong tanggalin ang pagkakahawak ko sa kanya, ang kaso, yung isa ko pang kamay iniabot nya at inilagay din sa waist nya.
~Partida, umaandar yung motorbike, one hand per a time nya inaabot yung kamay ko. Na-balance nya yung pagpapatakbo ng motorbike.~
Then, ayun, wala akong nagawa kundi gawin kung anong posisyon ko ngayon. Mas napapahigpit ang hawak ko sa kanya. Kasi naman, mas binilisan nya pa yung pagpapatakbo ng motorbike.
Nakayakap ako nang mahigpit sa waist ni motorcycle guy. Gusto kong bumitaw sa kanya pero ang bilis-bilis nang pagpapatakbo nya sa motorbike nya.
~Gusto kong malaman kung sino sya pero kanina pa sya hindi nagsasalita.~
Dahil wala akong suot na helmet, mas pinili ko na lang na kumapit nang mahigpit sa kanya at ipikit ang aking mga mata.
Bigla na lang sumagi sa isipan ko si Prinsipe Lenard, ang first crush ko.
"Please, stop.", bulong ko.
~Malamang hindi nya yung narinig. Binulong ko lang kasi natatakot ako.~
-----
Naramdaman kong lumiko na yung motorbike at dahan-dahan na rin bumabagal ang andar ng motorbike.
I open my eyes, nakita kong pamilyar ang lugar na pinuntahan namin.
Pamilyar masyado ang lugar na 'to dahil nakapunta na ko dito.
This is the house of Mam Alyson.
~Sandali, sino ba 'tong kasama ko?
Bakit nya ko dinala dito?
Bakit nya ko tinulungan sa mga lalaking bastos na yun?~
Hindi ko maintindihan pero iba na ang kabog ng dibdib ko.
Kinakabahan ako.
Ang bilis-bilis ng heartbeat ko. (#^.^#)
~dugudug-dugudug~
Anong dahilan nang pagsagi sa isipan ko ng nilalang na si Prinsipe Lenard?
---------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Hi, everyone. Kamusta ulit po kayo?
Do you like my fiction story?
Maganda ba?
Natutuwa po ba kayo sa ten chapters?
Na-excite na po ba kayo kung ano pa ang mangyayari? \(~o~)/
Sana "OPO", dahil natutuwa din po akong nababasa nyo ang aking nagawa. Kasi hanggang dito, nabasa nyo po ang notes ko. Hehehe (^_^)
-----
Dun po pala sa mga nakabasa na ng first five chapters nito, may some revision po akong ginawa, read nyo na lang po yun. Thank you. (^_^)
-----
Until now, konti pa lang readers ko, kasi hindi ko masyado ipino-promote eh. (^_-)
Dahil mabait ako,
~Ano daw? hahaha~ (^_^)
Nagbigay po ako ng soft copy ng fiction story ko mula chapter one hanggang chapter ten. Yun pa lang po kasi ang tapos ko nang nagawa.
Para po dun sa mga gustong mabasa offline yung story ko, may pdf. files, txt - ebook reader sa cellphone, at html - sa walang ebook reader.
Magbibigay po ako nito kasi nag-request yung mga friends ko na gawin ko. At dahil na rin, dedicated ang story ko sa mga FRIENDSHIP ko.
~nakanaks, pumi-friendship na ko. hahaha~ (^_^)
-----
Kung gusto nyo pa pong mabasa ang mga ongoing chapters ng myHB2myPM, mare-read nyo po ito sa wattpad: edz923 -- http://www.wattpad.com/story/1498794-my-heart-belongs-to-my-perfectman-perfectgirl
At sa blog ko: www.edz923.blogspot.com
Kapag natapos ko na po ito, sooner, iipo-post ko rin po ito sa other website.
Update-update na lang po. Thank you. (^_-)
~Sooner - means matagal pa yun kasi busy-busy mode ako palagi, hindi masyado nakakapag-update kaagad. hehehe~ (^_^)
-----
Suggest na lang po kayo kung anong happenings ang gusto nyong mabasa, para kung sakali man, yun din pala ang nasa isip ko. ~hehehe~ (^_^)
I hope na ma-enjoy nyo ang pagbabasa ng fiction story na 'to. I lend my time to do this story.
Pag-usapan din po natin yung mga eksena sa story ito. And don't forget the meaning of myHB2myPM, stands for "my HEART belongs to my perfectMan" - perfectgirL
Just keep on reading it. Enjoy.
Silent readers, paramdaman kayo ha. Thank you very much.
Critics, hmmm, KARMA strikes more than THREE times, you know.
~THIS IS A FREE COUNTRY. YOU CAN DO WHAT YOU WANT.~
SMILEY (^_^)
~^o^~ --- *\O/*
---------------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment