Friday, July 13, 2012

Chapter 9: The Motorcycle Guy

[ Aiden's POV ]

Dumaretso lang ako sa parking lot kung nasaan yung academy taxi.

Nagpahatid ako kay Mr. Tony, the academy taxi's driver, dun sa Alyson's Bäckerladen. Nagpupunta ako dito pagkatapos ng klase tuwing hapon.

Actually, pinagbabawalan ako ni Kei na huwag na kong magtrabaho sa bake shop.

~Dahil matigas ang ulo ko.~

Ito pa rin ako, nagpupunta dito sa bake shop.

Hindi na ko nagta-trabaho, tumutulong na lang ako sa pagse-serve ng food, kahit walang sweldo.

Libre naman miryenda ko tuwing hapon. Chocolate cake with hot chocolate drinks.

~Oh di'ba puro chocolate, yummy.~

Iba-iba man everyday ang miryenda ko, pero ito talaga ang pinaka-favorite ko sa lahat. ~hehehe~ (^_^)

-----

One guy that caught my attention everyday, ay itong lalaking madalas kong makita.

Ang misteryosong lalaki na naka-motorbike. Lagi nyang suot ang helmet nyang may desinyong kakaiba. Madalas ko syang makita sa may bake shop. Dun sa parking lot ng bake shop.

Hindi ko sya kilala, at the same time, as in, madalas ko talaga syang makita kung nasaan man ako.

~Ang weird.~

-----

 Ang sabi ng security guard sa bake shop, regular customer daw sya.

Umu-order sya ng foods sa bake shop, at si Mam Alyson daw palagi ang nagdadala nung foods sa may parking lot.

-----

Hindi ko alam kung totoo ang nasa isipan ko, kasi minsan ASSUMING lang talaga ako.

Hindi lang naman kasi sa parking lot ng bake shop ko sya nakikita, kundi minsan sa tapat ng apartment ko.

Napapansin ko sya, na sya din yung nasa bake shop dahil dun sa suot nyang helmet.

-----

Minsan iniisip ko kung STALKER ko ba sya o SECRET ADMIRER ko?

Literally speaking AKO -- STALKER ko,

~Assuming talaga noh.~

Well, kasi naman,

~Hindi naman sa pagmamayabang~

Madalas ko kasing makita syang nakatingin sa direksyon ko.

~Ang haba talaga ng hair ko 'te. hehehe~ (^_^)

-----

Sa tingin ko lang, nagsimula ko syang mapansin nung makalabas ako sa hospital.

May isang Kawasaki Ninja Black Motorcycle sa labas ng hospital.

Nakasakay dito ang isang katangkarang lalaki, 5'10 / 5'11 ata. Hindi ko nakikita ang mukha nya kasi sa suot nyang helmet na may kakaibang design.

Nung araw na yun, inisip ko na lang na nagkataon lang yun. Pero sa mga sumunod na araw,

~Nagkataon din ba 'to?~

-----

Nagkataon naman na sinamahan ko si Mama na pumunta sa pamilihan,

~What a coincident!~ Nakita ko na naman sya.

-----

Kung tutuusin, at i-analyze ko ang mga nangyayari,

Sa tuwing makakalabas ako ng bahay, yung oras na yun ko sya nakikita.

Minsan nga inisip ko rin kung anong hitsura nya. Kung pangit ba sya, STALKER ang tawag ko sa kanya.

~Nakakatakot yun.~

Pero kung  may hitsura at may dating naman, SECRET ADMIRER ko sya. ~hehehe~ (^_^)

~Maganda kasi kung SECRET ADMIRER ang tawag sa mga magagandang nilalang.~

At isa sa mga hindi ko maipaliwanag talaga ay ang hindi ko lubos maunawaan kung bakit sa tuwing nakikita ko sya, may nararamdaman akong kakaiba.

~Parang kilala ko sya.~

Minsan, bumibilis ang heartbeat ko sa tuwing maiisip kong makikita ko sya sa oras na yun.

~dugudug-dugudug~

-----

Dahil madalas ko nang makita sya sa bake shop, inaasahan kong nandun na sya, once na pumunta ako sa Alyson's Bäckerladen.

~Ewan ko, naramdaman ko lang.~

Nang lumabas ako sa bake shop, nandun na nga sya. Inutusan kasi ako ni Mam Alyson na bumili sa labas.

-----

I remember nung nasa bahay pa ako nakatira, kapag may araw na hindi ko sya nakikita, iba yung feelings.

~Dahil sa ARAW lang naman na hindi ko sya nakikita, nandun pa rin ang GABI para masilayan sya.~

Kaya minsan, sa gabi ako lumalabas, mga nine o' clock in the evening.

Bumibili ako ng kahit anong bagay sa grocery, kahit hindi importante o hindi ko talaga kailangan, gusto ko lang talaga lumabas. Minsan hindi ako nagpapaalam sa kanila na lalabas ako.

I just do this, para kung totoong STALKER ko sya, hindi nya alam kung anong mga gagawin ko.

But then, hindi iyon yung nangyari. Nauuna pa yung motorbike nya sa tapat ng grocery.

~Kinabahan ako, nagkataon din ba 'to?~ (#^.^#)

 At kahit sa loob ng grocery, naka-helmet pa rin sya.

~What a! ALIEN ba sya?~

That moment, hindi ko pa rin nakikita yung face nya.

-----

Pero, nung unang beses na nilakasan ko ang aking loob na lapitan sya.

~Fighting SPIRIT lang 'to 'te. hehehe~ (^_^)

Lumapit ako sa pwesto nya kung saan mag-isa lang sya.

Hinintay ko yung pagkakataon na kung sakaling kausapin nya ko, magkakakilala kami. ~Ayii.~

Ang kaso, hindi nangyari yun.

Parang ang nangyari,

Nagmukha akong tanga na katabi nya,

Naghihintay na i-approach nya ko,

At ang napala ko, WALA!

Then, maya-maya, umalis na rin sya kasama yung motorbike nya.

-----

~hay~

At kung tutuusin, ako lang pala talaga ang nag-iisip na STALKER ko yung lalaking yun. And, at the same time, ASSUMING lang talaga ako kung minsan. ~hay~

~Makilala ko lang sya, kakausapin ko sya ng masinsinan. Prangkahan na kung prangkahan. hehehe~ (^_^)

-----

At kung tatanstahin ko kung gaano sya palagi kalayo sa'kin, about ten to twenty meters away.

~Nasusukat ko yun, kasi araw-araw ko ba naman syang nakikita.~

-----

Simula nung makapag-trabaho ako sa bake shop, lumipat na rin ako sa sarili kong apartment, isang sakay mula sa bake shop.

Si Mam Alyson ang pumili ng apartment ko. Sya din nagbabayad ng expenses ko sa apartment.

Kaya sabi ko, pagta-trabahuan ko na lang ang lahat.

But then, hindi pumayag si Kei na magtrabaho na ko. Magulo pa yun kausap, iba't ibang mga dahilan na hindi ko maintindihan.

~Ang alam ko, health ko lang sya concern.

At sa tingin ko naman, hindi na malala ang nararamdaman ko, magaling na kaya ako.~

-----

Minsan iniisip ko rin kung yung lalaking nasa motorbike, baka si Kei na yun.

~Kaya siguro lagi syang naka-helmet, malaki at makapal ang labi nya. Mukha syang sugpo. Wahahaha~

-----

At ngayon, nandun na naman si motorcycle guy. Kung si Kei nga sya, dapat kanina pa nya ako nilapitan.

Ang kaso, parang si Kei na parang hindi.

Naka-helmet pa rin sya plus yung motorcycle racing suit nya, color black nga lang. Black din yung motorbike.

Nung Monday kasi color blue ang outfit nya at blue rin ang Kawasaki Ninja Motorbike nya.

~Mukhang hindi nga sya yun.~

-----

At eight-thirty in the evening, umaalis na ko sa bake shop at pauwi ng apartment ko.

Gabi-gabi yun, nagsasarado ang bake shop  tuwing eight o' clock in the evening, then, thirty minutes na pag-aasikaso sa mga liligpitin.

As usual, gabi-gabi ko rin natatagpuan sa kalsada si motorcycle guy.

Kung STALKER ko nga sya, malamang hinihintay nya ko makauwi ng ligtas sa apartment.

~Sana nga. Assuming. hehehe~ (^_^)

-----

Natapos ang Friday evening ko nang magtext si Kei, at twelve o' clock in the evening, inumin ko na daw yung gamot ko.

~How sweet my SUGPO. hahaha~ (^_^)

-----

Day off ko naman kapag araw ng Sabado.

Nasa apartment lang ako, naglilinis, naglalaba, at minsan nag-eenjoy sa panonood ng mga movies at series sa dvd.

Madalas kong pinapanood yung mga korean movies and series, pati na rin yung mga japanese, thai, american/hollywood, at syempre na ang mga filipino movies and series.

-----

Sunday morning.

Naka-schedule ang buong araw ng Linggo ko sa bake shop para tumulong. Mas marami kasi ang customer tuwing Linggo, mga lovers na nagde-date, pati na rin yung mga families galing sa church.

Pero ang naghihikayat sa'kin na pumunta dito sa bake shop ay yung mga kids.

Tuwing Sunday afternoon kasi, nagpupunta ang mga bata kasama ang kanilang magulang sa bake shop. Special day kasi ang Sunday afternoon for kids. Mga cakes na pambata ang naka-display for sale, kaya tuwang-tuwa ang mga magulang nila na dalhin sila dito sa bake shop.

-----

Natapos ang Sunday  afternoon ko, nang pagod na pagod.

~It's so tired, you know.~

Pero ok lang, masaya naman ako, ang cu-cute naman kasi ng mga kids.

-----

Sa araw na 'to, mga nine in the evening na ko nakaalis sa bake shop.

Sumakay ako ng tricycle para umuwi na sa apartment. Nang malapit na ko sa apartment, tumigil na yung tricycle sa 'di kalayuan. May mga nakaharang kasi sa daanan papuntang harap ng apartment ko.

Wala masyadong tao sa kalye pero ang tumpok ng mga tao ay dun sa isang bahay malapit sa apartment. May party-party kasi, kaya siguro pinasara yung daanan.

Nasa labas lahat ng mga tao kasama yung mga nag-iinuman.

~Syempre, hindi naman maiiwasan na walang inumang magaganap sa oras ng party-party. Di'ba?~

Dahil no choice ako kung saan ako dadaan, minabuti ko ng bumaba ng tricycle at maglakad dun banda sa may gilid.

-----

Kung mamalasin naman talaga ako, napagtripan pa ako nung isang lalaki.

Humarang sya sa harapan ko.

"Excuse me, padaan po." - Aiden.

Tinawanan lang ako nung isang lalaki.

~Kaasar naman oh.~

Kasama pa yung tatlo lalaking papalapit sa'kin.

~Tsk! Naiinis na ko! Kung ayaw nyong masaktan, paraanin nyo ko!~

"Sinabi nang padaanin nyo ko." - Aiden.

Ang kaso, may problema ata sa tainga ang lalaki 'to. Then, yung isang lalaki naman hinawakan yung balikat ko.

~Syempre, ayokong hinahawakan ako ng lalaki.~

Tinabing o inalis ko yung kamay nya sa balikat ko.

Ang kaso, babastusin nga talaga ako ng mga lalaking 'to.

~Nagagalit na ko! Uupakan ko na talaga ang mga 'to!~

But then, bago ko pa magawa ang moves ko, may spot light na sa direksyon namin.

Liwanag na mula sa isang motorbike ang naka-focus samin. Tapos, narinig ko yung tunog ng engine ng motorbike na papalapit samin.

~Si motorcycle guy, to the rescue for me.~

"Miss Allonza, get in.", sabay kapit nya sa'king kamay at hinila palapit sa motorbike.

~Hindi man lang nya muna tinanggal yung helmet nya para magpakilala.~

Unfortunately for me, wala akong nagawa kundi sumakay sa motorbike, hinila din nya kasi ako.

"Sandali … sandali … sino ka ba?" - Aiden.

Nang makasakay ako, nakita ko yung mga barangay tanod na papalapit sa direksyon ng mga lalaking bastos.

~Ligtas na ko, pero may problema pa.~

Hindi ko kilala ang lalaking 'to.

Wala akong ideya, kung sino sya.

~Bakit nya ko niligtas sa mga yun?

Sino ba sya?~

-----

Napapabilis na yung takbo ng motorbike, mawawalan ako ng balance sa kinauupuan ko.

Nang …

Yung kamay ni motorcycle guy, hinawakan yung kamay ko. Inilagay nya yung kaliwang kamay ko sa waist nya.

Gusto kong tanggalin ang pagkakahawak ko sa kanya, ang kaso, yung isa ko pang kamay iniabot nya at inilagay din sa waist nya.

~Partida, umaandar yung motorbike, one hand per a time nya inaabot yung kamay ko. Na-balance nya yung pagpapatakbo ng motorbike.~

Then, ayun, wala akong nagawa kundi gawin kung anong posisyon ko ngayon. Mas napapahigpit ang hawak ko sa kanya. Kasi naman, mas binilisan nya pa yung pagpapatakbo ng motorbike.

~Haist! Ano 'to?~

I feel na lang na ang sarili ko, nakayakap na sa waist ng taong 'to.

~Sa taong hindi ko lubos makilala kung sino ba syang talaga.~

No comments:

Post a Comment