Monday, December 10, 2012

Chapter 16: I don't know

Flashback for Kei's point of view from Chapter seven, Chapter eight, Chapter nine, and Chapter eleven.

[ Kei's POV ]

"I told you not to say anything to her." - Kei.

"Ha?

May sinabi ka ba?

Eh, bakit naman? …

Hindi mo rin naman sinabi sa'kin na gusto mo syang maging secretary mo.

Ano bang plano mo?" - Lenard.

Tinatanong ako ni Lenard, pero …

Hindi ko pa alam kung ano ang isasagot ko. Blanko pa rin talaga ang utak ko ngayon.

"Nasa paligid lang ang mga Kiss Girls. Mapapahamak sya kung wala kang gagawin. Balita ko sa Monday ang punishment day ng mga hindi sasali sa Kiss Girls.

Alam nya ba yun? May ideya ba sya sa mga mangyayari dito sa Shejina Academy?" - Lenard.

Sa ngayon, hindi ma-process sa utak ko ang mga sinasabi ni Lenard. Mga tanong na hindi ko pa rin alam ang kasagutan.

Nakatingin lang ako kay Miss Allonza, habang naglalakad sya palayo sa'kin.

-----

Tuesday afternoon, I hire Mr. Tony para maging driver ni Miss Allonza. Kailangan ng driver at sasakyan para ihatid at sunduin sya papuntang academy, sa Alyson's Bäckerladen, hanggang sa apartment nya.

-----

Wednesday morning, tinawagan ko sina Lenard, Vince, Terrence, Nate, at Dave, para sabihin sa kanila na 'wag munang magpakita or makipag-interact kay Miss Allonza.

Ang reason na sinabi ko, WALA. Pero ang totoo, reason na yung mga maaaring masabi ng ibang tao sa loob ng academy.

-----

Actually, hindi pa talaga ako pumapasok sa anumang klase na nasa schedule ko. Business Administration, Major in Management ang course ko, the same class of Miss Allonza.

Marami pa kasi akong inaasikaso bilang student-director ng academy. I fix everything, planado ang dapat mangyari. Starting Monday, makakasama ko na sya sa lahat ng regular class ko at simula na rin 'to na kailangan nyang malaman.

-----

Daily routine ko nang magtext kay Miss Allonza. Ipinapaalala ko lang palagi sa kanya yung pag-inom nya ng gamot ON TIME.

At kung magtatanong sya na ayaw kong sagutin, hindi ko na sya nire-replyan. Tinitext ko din sya ng mga bagay na dapat nyang gawin.

~Siguro nga naiisip nya din na nasa paligid lang ako palagi para subaybayan sya.

I would say, YES. I need to do that.~

-----

Friday, last day ng week na 'to. Tinapos ko na rin yung mga papeles na dapat kong tapusin. Ngayon, naglalakad ako sa hallway para, as my daily routine, puntahan ang huling klase kung saan ako kabilang. Ngunit hindi ko pa rin 'to pinasukan, sa kadahilanan na ayoko pa.

Nakita kong lumabas na si Miss Allonza sa may pinto ng room 7-D. Ngunit, may isang lalaki ang lumapit sa kanya. Hawak-hawak nung lalaki yung phone nya. I think gusto nyang makipag-exchange ng number kay Miss Allonza.

I want to interrupt that moment dahil mukhang ilalabas ni Miss Allonza yung phone nya.

~Tsk. Ano ba yan?~

Bumalik ako sa pwesto ko kung saan palagi akong nakatayo at nakasandal sa wall, suot-suot ang shades ko at nakatingin kay Miss Allonza habang pababa sya ng hagdanan.

Before pa man syang makadaan sa harapan ko, tinext ko na sya na,

(Create Message)
To:
Miss Allonza
12:44:19PM
June-27-2014
"Don't talk to strangers. Don't you ever give your number to anyone!"

Medyo natuwa ako nung lumingon-lingon sya para hanapin kung nasaan ako.

~I think she wants to see me now.~

-----

Dumaretso na ko sa parking lot kung nasaan yung jaguar car ko. Umuwi ako sa may bahay ni Miss Alyson para magpalit ng damit at umalis ulit. Ngunit this time, yung motorbike ko na ang gamit ko.

As usual do or my daily routine, nakapwesto ako sa parking lot ng Alyson's Bäckerladen. Nagmamasid sa palagid, tinatanaw ang mga tao sa loob ng bake shop, at umu-order ng pagkain.

Habang nag-iintay ng mga posibleng mangyari, nakita kong lumabas si Miss Allonza sa bake shop. Kaya't nag-prepare na rin ako sa akmang pag-alis ko sa parking lot ng bake shop.

-----

Saturday lang ako nag-i-stay sa isang lugar. Kung hindi sa kwarto ko dito sa bahay ni Miss Alyson, ay dun naman ako nagpupunta sa condominium ko. Pero sa ngayon, nandito ako sa bahay ni Miss Alyson.

Until I wake up in the Sunday morning, tsaka na lang ulit ako umalis ng bahay to do my daily routine, nakapwesto sa parking lot ng Alyson's Bäckerladen, nagmamasid sa palagid, tinatanaw ang mga tao sa loob ng bake shop, at umu-order ng pagkain.

Ngunit iba yung nangyari ngayon gabi.

-----

Medyo late na nakauwi si Miss Allonza sa apartment. Sa 'di kalayuan, natanaw kong may nagaganap na hindi maganda sa kinatatayuan ni Miss Allonza. Naglakad na lang kasi sya nung may mga taong nagdiriwang sa gitna ng daan.

Ang hindi maganda nito, may mga kalalakihan ang humarang sa dinaraanan nya. Mukhang babastusin ata sya ng mga 'to.

Suddenly, nag-automatic ata yung motorbike ko nung makita kong hinawakan nung isang lalaki yung balikat ni Miss Allonza. Masama 'to, kaya humarurot ang motorbike na gamit-gamit ko hanggang dun sa pwesto kung nasaan si Miss Allonza.

"Miss Allonza, get in.", sabi ko sa kanya.

"Sandali … sandali … sino ka ba?", sabi naman nya.

~Mamaya mo na malalaman. Handa na rin akong makilala mo.~

Hinila ko sya palapit sa motorbike, tsaka sya sumakay sa motorbike na nasa likuran ko.

-----

Hindi ko alam pero matulin na ang pagpapaandar ko sa motorbike na 'to.

Ngunit sa pag-aalala ko na baka mahulog sya sa likuran ko, inabot ko yung kaliwang kamay nya na nilagay ko sa waist ko habang yung kanang kamay ko naman ang nakahawak sa manibela. Isinunod ko yung kanang kamay nya, one hand per a time, ika nga.

Nang makakapit na sya sa'kin, mas lalo kong binilisan yung pagpapatakbo ng motorbike. Naramdaman kong mas humigpit yung kapit nya sa waist ko.

~Ewan ko ba, pero pakiramdam ko …

Ligtas sya sa tabi ko.~

-----

Nang makapasok na kami sa garahe ng bahay ni Miss Alyson, tinanggal ko na yung helmet na suot-suot ko.

~I hope na makilala nya ko.~

"Lenard?!" - Miss Allonza.

But unfortunately, hindi yun ang inaasahan kong sasabihin nya. She call me 'Lenard', but, that's not my name.

"Don't call me LENARD." - Kei.

Hindi ko alam kung bakit ganun yung nasabi ko sa kanya with my cold voice. I act na parang normal lang, yung tipong hindi ko sya kasama at dere-deretso lang ako sa loob ng bahay. Something na katotohanan na isa akong cold-hearted guy.

-----

I saw my sister na nakaupo sa carpet habang nakapatong naman sa glass table yung laptop nya plus nanonood pa sya ng tv.

"Aiden?!

Anong ginagawa mo dito?", my sister said towards Miss Allonza.

"Kei, what's happen?", then sinabi nya sa'kin.

"She's in danger. Delikado ang lugar na pinili mong apartment nya. From now on, she's living with us. Sa guest room muna sya matutulog ngayon gabi." - Kei.

"Aiden, anong nangyari?

Nasaktan ka ba?

May masakit ba sa'yo?

Oh my God!

Wait I call a police.

Sandali nasaan ba yung phone ko?" - Miss Alyson.

"No need to call a police, just prepare the food for the dinner. Ihahanda ko lang din ang guest room for her.", pagpigil ko sa sinabi nyang tatawag pa sya ng police.

Nag-aalala ang kapatid ko sa mga sinabi ko patungkol kay Miss Allonza. Ayoko naman ipaliwanag pa sa kanya kung ano yung nangyari. Imbes na ako pa 'tong magsabi, itanong nya na lamang kay Miss Allonza kung anuman yung nangyari kanina.

~Nakakainis, I'm not LENARD!~

-----

Umakyat ako sa second floor para pumunta sa guest room. Nang makapasok na ako, inayos ko yung bed na gagamitin nya for this night. Dito muna sya sa kwartong 'to para magpahinga. Alam kong pagod sya at she needs to rest.

~May iniisip ako, pero tsaka na nga muna yun. Nakakainis.~

After that, lumabas na ako sa guest room. But then, I see her. Kakaakyat nya lamang mula sa ibaba.

"Hey, here.", tinawag ko sya.

Nang makalapit na sya, I grab her hand papasok sa loob ng kwarto.

"Ano …

Lenard …

I mean Kei …

Ahmm …

Ano …" - Miss Allonza.

"I said, don't call me LENARD!", I said that with my cold voice pero this time, medyo napatakas yung pagsasabi ko nun sa kanya.

"Ah … Kasi naman akala ko talaga ikaw si Lenard at si Lenard, sya si Kei.

Nagpanggap lang pala si Lenard bilang ikaw.

Eh … ano … bakit hindi mo sinabi kaagad sa'kin?" - Miss Allonza.

"Please don’t say HIS NAME!", napapikit na ko nung pagsabi ko nito, nasigawan ko na ata sya.

"Ha?!

Akala ko kasi si Lenard ay ikaw. Kaya ang alam ko, ikaw si Lenard at sya si Kei.

Ah ewan basta … yung Lenard na yun, HU-- …" - Miss Allonza.

Bago pa man sya matapos magsalita, hinawakan ko yung dalawang nyang balikat at sinandal sa pader.

I lose my temper.

"I said, don't say HIS NAME!!!

Hindi mo ba narinig!

Hindi ako si LENARD!!!

I am JAMES KEITH!!!" - Kei.

I lose my temper.

Hindi ko na naririnig yung mga sinasabi nya. Sinisigawan ko na sya na hindi ako yung taong yun.

"Hindi ako si LENARD!!!

I am KEI!!!

Hindi ako sya!

I am KEI!!!

Ako si KEITH!!!

I am JAMES KEITH!!!

Ako si JAMES KEITH!!!



And you, stop flirting with LENARD because I am KEI!!!" - Kei.

I lose my temper.

~Hindi ko alam kung bakit ko nasasabi 'to sa kanya.~

I move my face sa harap ng mukha nya. Nakatingin ako sa mga mata nya. Gusto kong sabihin sa kanya na …

~Maniwala ka, hindi ako sya.~

I move my hands sa neck nya. Nakahawak ako sa leeg nya at akmang hahalikan sya.

I want to kiss her to stop talking about him.

~I don't know kung bakit ko 'to nagagawa. I really don't know.~

-----

But …

But to my surprise, tinulak nya ako palayo sa kanya, sabay tadyak sa binti ko. Napakapit ako sa parte ng binti ko kung saan napakasakit ng sipa nya sa'kin.

"AAAAAHHHHH!!!"

I look at her habang sumisigaw sya.

"HOY LALAKI!!!

Huwag mo akong sigawan. Naririnig ko lahat ng sinasabi mo. Baka ikaw ang hindi nakakarinig.

Ang sabi ko, akala ko ikaw si Lenard at ayun naman talaga ang sinabi nyo sa'kin di'ba.

Nung Monday nagkita na tayo.

Sinabi nya na sya si James Keith. Sya si Kei na kapatid ni Mam Alyson.

Sya yung taong pinasalamatan ko that time.

Pero ano …

ANONG GINAWA MO??", nakita kong may tumulong luha mula sa kanyang mga mata.

~I'm surprise!

I don't know what to do.

Umiiyak sya.

What should I do?

I don't know?~

-----

"Pero ano …

anong ginawa mo?

WALA!

Hindi ka nagsalita!

Hindi mo sinabi na ikaw si Kei. Ikaw si James Keith.

Parang …

Parang pumayag ka na rin nun na sya ang kilalanin kong si Kei simula pa lang.

My God, Kei, I mean, Mr. James Keith …

Simula pa lang pinagmumukha mo na akong TANGA.

Tanga at sobrang hina na palaging ipapaalala sa'kin na wala akong kwentang tao.

Isang tao na hindi kayang pangalagaan at protektahan ang sarili.

Mr. James Keith, how dare you?" - Miss Allonza.

~I don't know, hindi ko sinasadya.~

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko habang naririnig ang mga sinasabi nya.

Galit sya sa'kin.

-----

"How dare you to say that word to me!

FLIRT!!!

Do you think, nilalandi ko si Lenard?

Do you think kung ikaw sya, lalandiin ko pa rin yung kinikilala kong Kei?

HA?!!!

MISTER JAMES KEITH, you are such a BAD MAN.

Hindi mo pa ko kilala. Kaya wala kang karapatan para husgahan ako!!!" - Miss Allonza.

~Hindi ko na maintindihan.

Hindi ko sinasadyang sabihin yun.

Hindi ko talaga alam kung bakit ko nasabi ang bagay na yun.

I really don't know.~

Tulala at hindi pa rin makapaniwala na galit na galit syang sumisigaw sa'kin. AKO na hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan ko habang naririnig ang mga salitang sinasabi nya.

Umiiyak na sya.

-----

"You just said na FLIRT ako!

Na malandi ako!

Na lalandiin ko lang si Lenard kahit alam ko na ngayon na hindi sya si Kei.

Ang sama mo, Mr. James Keith.

Ang sama sama mo!!!", patuloy lang syang umiiyak habang patuloy lang syang nagsasalita.

AKO, ito naka-steady sa harapan nya …

Hindi pa rin makagalaw …

Hindi makapagsalita …

Walang magawa para patahanin sya.

-----

"Huhuhu. Mr. James Keith, kahit kailan wala akong nilanding lalaki.

Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na manlandi ng lalaki.

Wala akong dahilan para gawin yun. Ayoko nga sa mga lalaki eh.

FLIRT?!

Paano?!

Paano ko nagawa yun? Ha?!

Mali man ang impression ko sa salitang FLIRT, pero masama kasi ang dating nun sa'kin eh.

HINDI kasi AKO yun, Mr. James Keith.

Huwag mo akong husgahan dahil HINDI mo pa ako lubos na kilala.

I am not what you think.

Gumanda lang ang mukhang 'to, akala mo na kaya kong akitin lahat ng lalaki.

But how?!", umiiyak pa rin sya.

Ngunit AKO, nakatingin lang sa kanya. Tulala at walang magawa.

-----

"Tapos ano …

Ipamumukha mo sa'kin kung gaano ako katanga.

Kung gaano kami …" - Miss Allonza.

~How come she feel like that.

I need to do something.

Umiyak sya pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.~

"Tapos ano …

Ipamumukha mo sa'kin kung gaano ako katanga.

Kung gaano kami kahirap para ikaw lahat gumastos ng pangangailangan ko.

Huhuhu.

HINDI ko talaga MAINTINDIHAN, Mr. James Keith.

HINDI ko talaga MAINTINDIHAN.

Marami akong tanong na gusto kong malaman ang kasagutan.

Pero hinusgahan mo na ako sa isang bagay na hindi ko kailanman ginawa.

Paano pa kaya sa mga susunod na magkamali na talaga ako?

Anong gagawin ko?

Ayokong madisapoint kayo ni Mam Alyson sa'kin.

Tinutulungan nyo na nga ako. Tapos ano …" - Miss Allonza.

~Hindi ko na rin maintindihan kung bakit …

Kung bakit ganito ang nararamdaman ko …

Kung bakit nangyayari 'to sa'kin.

Nasasaktan akong makita kang umiiyak.~

-----

"I'm sorry, Mr. James Keith pero simula pa lang ayoko ng tanggapin pa ang tulong mula sa inyong dalawa ni Mam Alyson.

Si Mam Alyson na lang ang alagaan mo, ang intindihin mo. Para hindi nya na sisihin pa ang sarili nya dahil sa aksidente.

May kasalanan din naman ako.

Hindi rin mangyayari yun kung hindi sa katangahan ko.

Kasalanan ko yun, kasalanan ko ang lahat.

Tama na yung tinulungan nyo akong magpagaling, lahat ng yun, utang ko sa inyo.

Ang laki na ng utang ko sa inyo pati utang na loob dahil sa pagiging concern nyo para sa kalagayan ko. Hindi ko alam kung paano ko kayo mababayaran.

I'm sorry." - Miss Allonza.

Nagso-sorry na sya. Wala syang kasalanan sa mga nangyari noon.

~Hindi mo kailangan humingi ng sorry. Ako dapat 'tong …~

-----

Tumigil na sya sa pagsasalita.

SILENCE.

Then, suddenly, she moves her hands to wipe her tears.

"Thank you. Thank you very much, Mr. James Keith.

I hope you will do my request. Please take care of Mam Alyson's feelings. Ayokong isipin nya pa yung aksidente.

Pero don't worry, gagawa ako ng paraan para mabayaran ko kayo.

Gagawin ko ang lahat ng ipag-uutos nyo sa'kin. Because …

Because I see you like my AMO, like Mam Alyson. Boss ko kayo kaya dapat ko kayong sundin.

Again, thank you very much for everything, Mr. James Keith." - Miss Allonza.

She quite smile na parang ngumingiti sya pero pilit lang yung smile na pinakita nya sa'kin.

Nakatingin sya sa mga mata ko and I also look at her watery eyes.

Sa kakaiyak nya, wala akong nagawa para patigilin ang luhang bumabagsak sa mga mata nya.

~Para pasalamatan ako ...

You're not suppose to thank me.~

-----

Malabo ang tingin ko sa paligid ng kwartong 'to. Ngunit …

Ngunit ang mukha nya lang ang malinaw sa paningin ko …

Malinaw pa sa mga nakikita ko dito sa loob ng guest room …

Ang mukha nya na nakaguhit na sa utak ko.

Ang expression ng mukha nya sa mga nangyayari simula kanina hanggang ngayon …

Kung paano sya umiyak …

Kung paano sya nagalit …

At kung paano sya pilit na ngumingiti kahit ayaw naman talaga nyang ngumiti …

Lahat ng yun, nakikita ko pa rin sa mga alaala ko.

~Wala akong nagawa …

Hindi ko alam kung bakit ...

I really don't know …

I don't know.~

-----

Suddenly, naglakad sya patungo sa main door ng guest room. Aalis na sya.

Ngunit …

Hindi pa ako nakakapagpaliwanag sa kanya …

Marami pa akong gustong sabihin sa kanya …

Hindi ko pa sya napapatahan sa pag-iyak nya …

Wala pa rin akong nagawa para sa kanya.

~I need to do something.~

Before nya pa mahawakan yung door knob at buksan ang pinto, I grab her hands again.

No comments:

Post a Comment