Flashback for Kei's point of view from Chapter twelve.
[ Kei's POV ]
Suddenly, naglakad sya patungo sa main door ng guest room. Aalis na sya.
~I need to do something.~
Before nya pa mahawakan yung door knob at buksan ang pinto, I grab her hands again.
This time, I'm sure na hindi ako magsisisi sa gagawin ko. Magso-sorry ako sa kanya, kahit paulit-ulit ko pa 'tong sasabihin sa kanya, magso-sorry at magso-sorry ako sa mga nagawa ko.
"I'm sorry. I'm really sorry. Sorry na talaga. That's not what I mean to say. I'm really sorry. I'm sorry. That's not what you think. I'm sorry." - Kei.
Niyakap ko sya …
Niyakap ko sya ng mahigpit …
Sobrang higpit to the point na hindi ko alam kung nakakahinga pa nga ba sya.
But, one thing in my mind na gusto kong sabihin sa kanya, SORRY.
-----
Hindi ko sinasadyang sabihin lahat ng yun. Hindi ko alam na masasaktan sya sa mga sinabi ko. Hindi ko alam na ganun yung mangyayari kapag nawalan ako ng kontrol sa sarili ko.
~I don't know that but I'm really sorry.~
Ito na nga ba ang expected kong mangyayari kapag nakaharap ko na sya?
Kaya ba ayaw ko syang maka-usap dahil hindi ako handa sa mga sasabihin nya?
Gusto kong marinig ang boses nya ngunit hindi sa ganitong eksena.
Gusto ko syang protektahan pero ako pa rin pala ang makakasakit sa nararamdaman nya.
Ayoko syang makitang umiiyak pero …
Pero …
Pero AKO pa din ang dahilan kung bakit sya umiiyak ngayon.
-----
Yakap-yakap ko lang sya sa mga sandaling yun. Paulit-ulit lang akong nagso-sorry sa kanya. Kahit na hindi nya ako patawarin, 'wag lang syang aalis dito sa tabi ko.
She try to push me away from her. Tinutulak nya ako gamit ang kanyang mga kamay na nakahawak sa waist ko.
~Mukhang ayaw nyang yakapin ko sya, pero ito pa rin ako, yakap-yakap sya.~
Kahit itulak nya ako palayo sa kanya, binabalik ko lang ang yakap ko. Niyayakap ko sya ng mahigpit at paulit-ulit na nagso-sorry sa kanya.
-----
Mukhang nag-give up na sya kakatulak sa'kin. This time, hindi na sya gumalaw para itulak ulit ako. Hinayaan nya na lang akong yakapin sya at mag-sorry sa kanya.
Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa, yung labi ko na malapit sa mga tenga nya para ibulong o sabihin sa kanya na hindi ko sinasadya lahat ng yun.
-----
Two, three or five minutes na ata na ganun yung posisyon namin. Tsaka ko lang din namalayan na kanina pa pala ako umiiyak.
Umiiyak ako habang nagso-sorry sa kanya.
~Nakakabigla …
I never cry like this before.~
-----
Suddenly, narinig kong muli ang mga tinig nya.
"Ok …
It's ok …
Ok lang …
Ok lang ako …", this time, mukhang ayos na yung boses nya nang sabihin nya yun.
~Maayos na ba ang pakiramdam nya?~
Tinatanong pa rin ng utak ko kung totoong ok na ba talaga sya. Pero …
To my surprise, naramdaman ko yung mga kamay nya na nakahawak sa waist ko, na dahan-dahang pumapaikot sa likod ko.
Nakayakap na rin sya sa'kin. Ilang seconds lang din yun. Kasi yung mga kamay nya bigla na lang bumitaw sa pagkakayakap sa'kin.
"I'm ok." - Miss Allonza.
Then, naramdaman ko na parang bimibigat yung pagkakayakap ko sa kanya. Dahan-dahan kong niluwagan yung pagkakayakap ko sa kanya. Ngunit napaupo ako nang makita kong wala na syang malay.
-----
"Hey, Miss Allonza? Miss Allonza?" - Kei.
Nagulat ako sa nangyari, wala syang malay. Sinusubukan ko syang gisingin pero 'di sya magising.
Dahan-dahan ko syang nilagay sa bisig ko, binuhat at inihiga sa kama.
Inilapit ko ang tenga ko malapit sa dibdib nya para pakinggan ang heartbeat nya.
~Something wrong!~
Chineck ko din ang paghinga nya through her nose.
~Something wrong with me!~
Kinakabahan ako …
Pero bago pa man ako mag-panic, I grab my bag malapit sa kama. Kinuha ko ang health kit at nilabas dun ang injection. I prepare for the necessary first aid sa tuwing nagiging ganito ang eksena, ang mawalan sya ng malay.
After ko syang ma-injeksyonan, inilapit ko muli ang tenga ko malapit sa dibdib nya para pakinggan ang heartbeat nya. Chineck ko din ulit ang paghinga nya through her nose.
Now, I'm sure na normal na ang lahat, paghinga nya at ang heartbeat nya. Normal na yun lahat para sa isang taong natutulog na lang.
Maya-maya bigla syang gumalaw at tumagilid sa pagkakahiga na ang mukha nya ay nakaharap sa'kin.
-----
Napakahimbing ng tulog nya, parang walang nangyari kanina. Napaka-amo pa rin ng mukha nya kahit natutulog lang sya.
Hinawi ko ang piraso ng buhok na tumatakip sa mukha nya. Pinagmamasdan ko sya.
~Napakalapit nya sa'kin pero malayo pa din ang loob nya sa'kin. Siguro dahil kakakilala nya pa lamang sa'kin.~
As my thought saying that
~Gusto ko lang syang tignan~, dun ko muling nakita ang mga ngiti nya.
~Ang cute …
Ang ganda …
Kahit natutulog na sya, nagagawa nya pa ring ngumiti. Siguro nakakapanaginip sya ng maganda.~
-----
Tumayo ako para kunin yung bag nya na malapit sa may pintuan. Kinuha ko sa loob ng bag nya yung cellphone nya. Nakakabit na sa cellphone nya yung earphone, at nagpi-play pa din yung playlist nya.
Nang makalapit na ako sa tabi nya, inilagay ko sa right ear nya yung isang pares ng earphone, then, yung isang pares naman, nilagay ko sa left ear ko.
Pareho namin pinakikinggan ang mga songs na nasa playlist nya.
♪♫♪
Maari bang dinggin ang natatangi kong hiling
Sana ay makapiling kang
♪♫♪
~Sorry kung nasabi ko yung sa'yo. Hindi ko alam na masasaktan ka dun, alam ko naman na dapat hindi ko ginawa yun. Ang kaso …
Ayoko lang kasing ibang pangalan ang binabanggit mo kahit na AKO ang nasa harapan mo.~
♪♫♪
Muli kang masilayan at muli kang mahagkan
Sana'y di na iwan pang muli
♪♫♪
~Tsaka dapat hindi ko naman 'to nararamdaman …
Hindi ko naman alam kung ano ba 'to …
Dapat hindi ako nagagalit o naiinis kay Lenard pero …
Pero nung pangalan nya ang binabanggit mo, may iba akong naramdaman, parang …
Parang masakit.~
-----
♪♫♪
'Di ko sinasadya na ikaw ay masaktan
Kaya sana naman ay iyong maintindihan
♪♫♪
~The first time na nasigawan kita and telling you na 'wag mong sabihin ang pangalan nya …
Hindi ko na napigilan yung sarili ko.
Paulit-ulit sa utak ko na 'wag mong sabihin ang pangalan nya …
Na ako ang kilala mong si Kei …
Ako yung nagti-text sa'yo …
Ako yung kasama mo ngayon …
AKO yun … AKO yun.~
♪♫♪
Na ako ay nagsisisi at nangangako sa'yo
Na hindi ka na luluha pang muli sa piling ko
♪♫♪
~But then, nasigawan pa din kita …
At ang masama nito, lumabas pa sa bibig ko yung harsh word na FLIRT.~
-----
~Alam ko naman kung bakit ganun na lang yung naging reaksyon mo sa salitang yun.
Alam ko din na hindi lang yun yung dahilan kung bakit ka …
Sumigaw, nagalit at umiyak sa harapan ko.~
♪♫♪
Maari bang dinggin ang natatangi kong hiling
Sana ay patawarin mo
Ako ay nagsisisi at nangangako sa'yo
'Di ka na luluha pang muli …
♪♫♪
-----
~I did a wrong move.
Nakakainis, nagagalit ako sa sarili ko. Para akong siraulo sa ginawa ko.
I just did that I want to kiss you forcedly but in the first place you don't want me to do that.
Napakasiraulo ko at parang hindi lang din ako naging iba sa mga pervert na gumagawa nun.
I didn't mean to do that.
Siguro, I just lose my temper at yun yung nag-udyok na gawin ko yun.
But that's not right, I know.~
♪♫♪
Suiran wo hen ai ni
Wo mei fenfa gaosu ni
Wo xin zhong yi you oh qin ai
Danshi shi wo de ai
♪♫♪
~Ang tanga tanga ko rin …
Kung bakit hindi ko na lang pinansin yung mga paliwanag na sinasabi mo.
Mas binigyan ko pa ng pansin yung pangalan na binabanggit mo, ang pangalan ni Lenard na umalingawngaw sa tenga ko.
Sorry …
Ako nga 'tong bingi, hindi nakakarinig at hindi marunong umintindi.~
♪♫♪
At kahit mahal kita (da ai ni)
Wala akong magagawa (wo zhen de mei fanfa)
♪♫♪
~Tama ka …
Wala akong ginawa para tumutol sa pag-aakala mong si Lenard ay AKO …
Wala akong ginawa nun kundi pagmasdan ka habang ngumiti sa harapan nila.~
♪♫♪
Tanggap ko 'to aking sinta
Pangrap lang kita
Pangarap lang kita …
Pangarap lang kita …
Pangarap lang …
♪♫♪
~At sa pananahimik kong yun …
Totoo ngang parang pumayag na nga akong kilalanin mo sya bilang si Kei.~
-----
♪♫♪
This time, This place
Misused, Mistakes
Too long, Too late
Who was I to make you wait?
♪♫♪
~You're right …
I'm a bad person at mapanghusga pa.
I don't talk too much but when I talk, kung hindi harsh words ang sinabihin ko …
Yung mga salita pang ayaw nilang marinig mula sa'kin.~
♪♫♪
Just one chance
Just one breath
Just in case there's just one left
'Cause you know, you know, you know
♪♫♪
~I know that you're not a flirt.
Ayoko lang kasing ibang pangalan ang binabanggit mo kahit na AKO ang nasa harapan mo.~
♪♫♪
I love you
I have loved you all along
And I miss you
Been far away for far too long
I keep dreaming you'll be with me and you'll never go
Stop breathing if I don't see you anymore
♪♫♪
~I think …
I just miss you a lot, kaya nagawa ko yun.~
-----
♪♫♪
I wanna be blown away
I wanna be swept off my feet
I wanna meet the one who makes it hard for me to breathe
I wanna be lost in love
I wanna be your dream come true
I wanna be scared of how strong I feel for you
Just call me beautiful, Call me beautiful
Call me beautiful, Call me b-e-a-utiful
♪♫♪
~Please don't say na hindi ka maganda.
You're beautiful kahit nung hindi pa nangyayari yung aksidente.
And please 'wag mong sisihin ang sarili mo dahil walang may gustong mangyari yun.
Hinding-hindi kami madi-disappoint sa'yo …
You're doing your best sa lahat ng ginagawa mo.
Kaya't wala kaming karapatan para ma-disappoint sa'yo.~
♪♫♪
My heart is waiting for your love
My hand is waiting for your touch
My lips just wanna be kissed by you
♪♫♪
-----
Patuloy lang ang pagtugtog ng mga songs sa playlist ng cellphone nya.
~Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, nalulungkot ka sa pagtulong namin sa'yo.
Sa tingin ko, pareho natin naiisip na baka maging sanhi lang 'to ng gulo kung may maraming taong makakaalam sa mga ginawa namin sa'yo.
I'm sorry pero hindi ko naman hahayaan mangyari yun.~
-----
Hawak-hawak ko ang kanyang kamay habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha.
~Para pasalamatan ako …
Hindi, you're not suppose to thank me for what I did for you.
Masyado na nga kitang nasasaktan, pinaiyak pa kita at hindi ko nagawang patahanin ka.
I'm such a bad person.~
-----
Natutulog sya ng mahimbing, yung parang walang nangyari. Her face is so calm.
May konting luha ang nasa gilid ng mga mata nya. Dahan-dahan ko 'tong pinunasan gamit ang kanang kamay ko.
~I don't know, but that's me.
Ang hindi ko alam, nakakasakit na pala ako ng damdamin sa mga salitang binibitawan ko.
I need to change that attitude for the sake of this girl.~
-----
♪♫♪
Ngayo'y aking inuunawang pilit
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit
Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang
Ang aking iniintindi
♪♫♪
~Unang pagkikita pa lang natin, ganito na agad ang nangyari.
Pinaiyak kita …
Hindi ko nagawang patahanin ka …
Naging tanga ako at hindi makagalaw habang umiiyak ka sa harapan ko …
Wala akong nagawa kundi saktan lang yang damdamin mo, patawad.
I'm sorry, I'm really sorry.~
-----
Patuloy lang ang pagtugtog ng music sa playlist ng cellphone nya. Tinanggal ko na ang earphone na nakakabit sa tenga ko. Then, I put it sa left ear nya.
I check for the time, eleven o' clock na pala. More than one hour na rin akong nandito muli sa tabi nya para bantayan syang matulog.
Napangiti ako sa mga naalala ko.
Noon, binabantayan ko sya ngunit iba, yung pakiramdam na parang gusto mo na syang magising.
Ngunit ngayon, alam ko na magigising na din sya any minute. Gumalaw sya sa pagkakahiga nya, she turn her position sa kabilang side.
~Parang gusto nyang namnamin ang laki at lambot ng bed.~
She's so cute, bigla na naman syang ngumiti na parang may napapanaginipan syang magandang pangyayari.
♪♫♪
Nakatanim pa sa'king ala-ala
Pangako mong mananatili ka
Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito
Na ngayo'y bitin na bitin
♪♫♪
The last thing that I did, I move my head near in her face, then, touch her lips using my lips.
-----
Before pa man syang magising ng tuluyan, lumabas na ko ng guest room.
A little more minutes, I call my sister para sabihin sa kanya na …
"Puntahan mo sya sa guest room. Hindi pa sya kumakain hanggang ngayon, nakatulog kasi sya kanina."
-----
When you are happy, you enjoy the music.
But, when you are sad, you understand the lyrics.
~Pero sa mga sandaling 'to, may mga kanta talagang hindi naaayon sa feelings ko.~
No comments:
Post a Comment