Tuesday, December 11, 2012

MATCH MAKER


Author-edz923, third short story … ~kawaii~ :^_^:

MATCH MAKER

Every once in a while,
In the middle of an ordinary life,
LOVE gives us a FAIRYTALE.

I'm not saying that I'm IN-LOVE,
I'm just saying that lately …
He's all I've been THINKING about.

TRUE LOVE don’t come when you’re searching for it,
TRUE LOVE just come only to a PATIENT HEART.


---------------------------------------------------------------------------------


Copyright © 2012, edz923. All right reserved.
Nothing may be reprinted in whole or part without written permission from the Author-edz923. This may not be sold  or distributed with any part of its cover or markings removed, not in a mutilated condition, nor affixed to or as a part of any advertising, literary or pictorial matter whatsoever. No actual person is named or delineated in this fiction story. And any similarities to real people and places in this fiction story are surely coincidental.


---------------------------------------------------------------------------------



"Wow, ang sweet nila, bagay na bagay talaga silang dalawa.

Hmmm … kailan kaya ako magkakaroon ng boyfriend na ganyan?"

"Psst! Magpatulong ka kaya kay Miss M.M.

Alam mo, Restie Mae, magaling yun, makakahanap ka talaga ng ka-match mo, as in, your love of your life."

-----

"Habol sige!

Bilisan mo naman!

Ay ang bagal mo. ~hahaha~ :^_^:

Dali … BILIS … Hey!"

May isang babae ang tumatakbo sa corridor ng academy. Mula sa first floor ng science and art building ng Shejina Academy, nagsimula ang takbuhan nila Erol Sanchez at ng isang babae na kung tawagin ay Miss M.M.

"Hey! Miss M.M., ibigay mo na yan sa'kin.

May pagbibigyan na ko nyan.

Hoy! Akin na kasi!"

"NO way!

Hindi mo pwedeng ibigay 'tong roses at chocolate sa taong nililigawan mo ngayon.

She's not deserve your LOVE.

At tsaka, HELLO!

May boyfriend yung taong yun pero pumapayag pa din syang magpaligaw sa'yo.

Magising ka nga!"

"Paano …

Paano mo nalaman?"

Napatigil si Erol sa pagtakbo, gayundin si Miss M.M.

"Are you investigating me?

Sino na naman yang kliyente mo para gawin 'to sa'kin?"

"Well, here SHE is.

Come on, Restie Mae."

[ Flashback ]

"Miss M.M., please help me.

In-love po ako ngayon sa taong hindi naman ako pinapansin."

"Talaga?! Who's the lucky guy?"

"Si …

Si Erol Sanchez po.

I don't know kung totoo po yung nalaman ko, pero kasi …"

Nung nakaraang linggo, lumapit si Restie Mae kay Miss M.M. para humingi ng tulong tungkol sa kanyang nararamdaman para kay Erol.

[ End of Flashback ]

Siguro nagtataka kayo kung sino ba talaga itong si Miss M. M.

Sya lang naman si Amanda Divine Nicole Suarez Allonza.

Nickname - Aiden.

Codename - Miss Match Maker, in short Miss M.M.

Sa academy, kilala sya ng lahat ng estudyante bilang match maker ng mga LOVERS, as in, lovers for long relationship.

Halos lahat kasi ng mga estudyanteng humingi ng tulong sa kanya, nagagawan nya ng paraan para mahanap ang taong karapat-dapat sa kani-kanilang pag-ibig.

-----

Dahil sa masusing pag-iimbestiga sa mga nangyayari kay Erol, napag-alaman nya ang tungkol sa panliligaw nito sa isang babae na may boyfriend na.

Kung tutuusin, masama ang ginagawa nya dahil nakakasira lamang yun ng isang relasyon.

Kung tinamaan talaga si Erol dun sa girl, eh 'di sana binasted na lang din nung girl si Erol dahil may boyfriend syang nagmamahal sa kanya.

Ngunit hindi ganun yung nangyari.

-----

Ang unang hakbang na dapat gawin ni Miss M.M. ay kung yung tao bang mahal ni Restie Mae ay may patingin din sa kanya.

Kung meron, she will make a WAY para makalapit silang dalawa.

But, ONE WAY lang yung katotohanan na si Restie Mae lang naman ang may gusto kay Erol.

Maaari sanang gawin ni Miss M.M. na hanapan na lang ng isang lalaking papansinin si Restie Mae, then tsaka na lang sila magkaka-developan.

Pero dahil malakas talaga ang tama ni Restie Mae kay Erol, at gusto rin naman ni Miss M.M. na baguhin yung ginagawa ni Erol …

So, she make a WAY para magkakilala sila plus ipaalam kay Erol na he is in the wrong WAY.

-----

Umaga nung Thursday, nakita ni Miss M.M. si Erol na on the way sa panliligaw.

Dahil sa hawak nyang roses at chocolate, si Miss M.M. nakaisip ng diskarte para mapigil nya 'to.

"Good morning, Erol.

Wow, roses and chocolate, para kay Restie Mae ba yan?"

"Sino si Restie Mae? Ah no, kay …"

Bago pa man matapos ni Erol yung sasabihin nya, hinablot kaagad ni Miss M.M. yung roses at chocolate kay Erol.

"Oh, these?

Pwedeng ako na lang magbibigay kay Restie Mae?

Sige na, please …

Bye.", dali-daling tumakbo palayo si Miss M.M.

Ito naman si Erol, tumakbo na rin at hinabol si Miss M.M.

-----

"Habol sige!

Bilisan mo naman!

Ay ang bagal mo. ~hahaha~ :^_^:

Dali … BILIS … Hey!"

"Hey! Miss M.M., ibigay mo na yan sa'kin.

May pagbibigyan na ko nyan.

Hoy! Akin na kasi!"

"NO way!

Hindi mo pwedeng ibigay 'tong roses at chocolate sa taong nililigawan mo ngayon.

She's not deserve your LOVE.

At tsaka, HELLO!

May boyfriend yung taong yun pero pumapayag pa din syang magpaligaw sa'yo.

Magising ka nga!"

"Paano …

Paano mo nalaman?"

Napatigil si Erol sa pagtakbo, gayundin si Miss M.M.

"Are you investigating me?

Sino na naman yang kliyente mo para gawin 'to sa'kin?"

"Well, here SHE is.

Come on, Restie Mae."

Lumabas kung saan si Restie Mae para i-reveal kung sino ba talaga yung bagong client ni Miss M.M. for long relationship.

"RT, ano 'to?"

RT means Restie, friends sila Restie Mae at Erol.

They have common friends pero not so close friends kaya 'di napapansin ni Erol yung feelings ni Restie Mae for him.

"Wait, bago kayo magbunyagan ng inyong nararamdaman, let me finish my job.

Ikaw Erol Sanchez, if you don't ligaw-ligaw Restie Mae …

I'll find a man that will deserve her feelings and …

I'll make sure that your love life will SUFFER FOREVER.

And Restie Mae, here's the lucky chain.

Kapag hindi nagwork out yung feelings nya for you, just give each other another time para mapag-isipan nyo yung mga bagay-bagay na dapat ay kayo lang makakasagot.

Time and space lang yan, and also, acceptance of the truth.

Ok, so now, bye bye na muna.

I make talon-talon na muna here."

-----

Nasa hallway o corridor naman sila ng academy kaya maraming estudyante ang nakakita sa ginawa ni Miss M.M.

Everybody was shocked pagkatapos nyang bigyan ng advise yung dalawa.

Nasa 3rd floor sila nung maganap yung pangyayari.

Mula sa bintana ng isang classroom, dali-daling binuksan ni Miss M.M. yung bintana at tsaka tumalon pababa.

Bago pa man sya makatalon, ngumiti muna sya sa iisang tao sa loob ng classroom.

-----

Pagtalon nya, kasabay nun ay ang pagkapit nya sa isang sanga ng puno.

Pagkatapos ay nagpalambitin-lambitin pa sya sa mga katabing sanga ng punong yun.

Then …

TEN-TE-NEN-TEN-TEN!

Ang ganda ng landing nya sa lupa.

Una ang dalawang paa sa lupa na parang napakadali lang sa kanya yung ginawa nya.

Syempre, napakahusay ng ginawa nya, dahil na rin isa syang athletic ng academy.

Oh, see, sikat sya bilang match maker ng mga lovers for long relationship plus sa dami pa naman ng mga trophies and medals nya dahil sa husay nya sa pagiging atleta.

Pagkatapos nyang makababa, tumingala sya sa itaas at kumaway pa sya na parang isang sikat na artista na akala mo'y may harnes syang suot sa kanyang pagbaba mula 3rd floor hanggang sa ground floor ng academy.

-----

Sa kabilang banda, si Jay Shin ay nag-iisa sa isang classroom para gumawa ng assignment for tomorrow. Mas minabuti nyang gawin 'to ngayon para the whole day ay nakalaan na lamang sa pagpa-practice ng basketball.

Yes, varsity ng basketball team si Jay Shin, at hindi gaya ng iba, hindi kailanman nya napapabayaan ang kanyang pag-aaral.

He's not in the honor list pero tama lang na hangaan talaga sya ng karamihan dahil masipag syang estudyante slash varsity pa.

Last year pa nga, naging MVP sya sa district tournament. And because of that, madami na din ang nakakakilala sa kanya, especially those girls na may crush sa kanya.

-----

While he is staying inside the room, may ongoing commotion ang nangyayari sa labas ng kwartong yun.

"Ano ka yun?

Mamaya ko na titignan yun, tatapusin ko na lang 'to.

Saglit na lang 'to.

Onti na lang.

Ayan, one item na lang.

Ano bang basa dito?

One hydrogen plus two oxygen is what we called as …"

Suddenly, bigla na lang bumukas yung pinto.

May pumasok na isang babae na may hawak na roses at chocolate.

Dumaretso sya sa may bintana at akmang tatalon na.

Pero bago pa man tumalon yung babae, hinagis nya kay Jay Shin yung mga roses na hawak nya at saktong lang na nasalo ni Jay Shin ang mga yun.

"Sa'yo na yang roses, akin na 'tong chocolate.

Favorite ko 'to eh.

Bye.", sabay talon sa bintana.

Nabigla si Jay Shin sa nangyari.

Tumalon yung babae na wala man lang syang nagawa para pigilan 'to.

After that happen, pumasok ang ilang estudyante para tignan kung ano ang nangyari sa pagtalon nung babae.

-----

Si Jay Shin ay naiwan pa rin na nakaupo sa upuan na yun kahit halos lahat busy sa panonood nung eksena na nangyayari sa labas ng bintana.

Nakatingin lang sya sa hawak nyang mga roses at dun sa papel na sinasagutan nya.

"H2O meaning WATER, sa tagalog TUBIG.

So, kailangan ko ba ng tubig …

Hindi kasi ako makagalaw sa nangyari.

Is she dead?

Oxygen …

Oxygen …

Hindi ako makahinga.

WOW!

Ang sweet ng smile nya.

AAAAAHHHHH!!!

Erase … erase!"

"Hey, Jay Shin, ok ka lang.

Di ka na dyan makagalaw.", pagputol sa moment ni Jay Shin habang nagmumuni-muni sa nangyayari.

"Ha?

Ah, sino ba yun?

Tsaka anong nangyayari?"

"Ah yun ba.

Si Miss M.M. yun, may eksena kasi …", parang hindi pa rin bumabalik sa katinuan si Jay Shin dahil parang 'di nya na rin naririnig yung sinasabi ni Viero.

"Hik, Miss M.M.

So, hik, that’s the girl na tinutukoy nila, hik."

Dahil sa sikat si Miss M.M. sa academy, naku-curious na si Jay Shin kung sino yun, hindi nya pa kasi nakikita ng harapan si Miss M.M.

But then, 'di rin nya alam na madalas nyang nakakasalubong itong si Miss M.M.

-----

Lumipas ang mga araw, kumalat na din sa buong academy ang balita na tagumpay na naman si Miss M.M sa hangarin nyang magkatuluyan ang kliyente nya na si Restie Mae at Erol.

So, another client na naman ang kinabi-busy-han ni Miss M.M.

May client sya na ang tipong lalaki naman ay isang varsity player ng academy.

To do further investigation kung sinong nilalang ang target nya ngayon, pumunta sya sa basketball court para magmasid.

-----

May practice ang mga players ng basketball team. Sa loob ng court, mga member lang ng team ang pwedeng mag-stay dun.

Ngunit sa hindi malamang dahilan, bigla na lang nagbukas yung pinto ng court, yung pinto ng entrance sa bandang kanan ng court.

Sa lakas ng pagbukas at yung impact ng tunog ng pinto, halos lahat ng players ay napatigil sa kanilang pagpa-practice.

"Sorry. ~hehehe~ :^_^:

I have a letter para mag-observe ng practice ng mga players, Coach Taoka.

So, ok lang na nandito ako.", pagkasabi ni Miss M.M. sa coach ng team.

Agad naman pumayag si Coach Taoka, dahil dun sa letter na nakapirma ay ang director ng academy.

-----

"Let me see the hand of Mr. Jovi Ricks.

Itaas mo yung right hand mo para makilala naman kita."

As they expected, kasabay ng pagbisita nya sa court ay ang job nya na imbestigahan yung guy named Mr. Jovi Ricks.

Lahat ng tao sa court ay parang nagulat at nagtawanan dahil na rin siguro na isa na naman sa kanila ang mapapabilang sa job ni Miss M.M.

"Akala ko si Jay Shin na yung next client nya.", pagbulong ni Viero kay Jay Shin.

"Ako? Hik.

Hindi ha. Hik."

"Hahaha, yan ka na naman, sinok-sinok, nagbibiro lang ako."

-----

Natapos na yung practice at umalis na rin si Miss M.M.

Halos buong practice hours, sinok ng sinok si Jay Shin.

Its because, kapag may babae kasing nakapaligid sa kanya, madalas sinisinok sya at sakit nya na ata 'to.

His friends called it as SINOK SYNDROME.

----

Days pass by, nagaganap na yung madalas na habulan factor ni Miss M.M.

One day, sa kakatakbo nya, napunta sya sa isang floor sa science and arts building, 14th floor for exact.

"Sa kakatakbo ko, wala na palang nakasunod sa'kin.

Hmmm … let me see, nasa 14th floor ako, so I need a place na 'di nila ako makikita.

That's it, sa fire exit ang gora ko."

Dumaretso si Miss M.M. sa fire exit para magtago, ngunit …

To her surprise, may tao na palang nandun.

-----

"I need to calm myself.

What's this feeling?

Masyado na syang nag-i-invade sa utak ko.

AAAAAHHHHH!!!

Erase … erase … eri …", suddenly bumukas yung pinto at sakto naman na si Miss M.M. yung pumasok.

"Oh, you're here, dito muna ko ha.

Would you like some flowers?"

-----

Nagulat si Jay Shin sa pagpasok ni Miss M.M.

Hindi sya nagsasalita nang kinakausap sya nito.

Pinipigilan nya yung paghinga nya.

Nakatulala na sya.

"Oh, bakit 'di ka nagsasalita?

Baka naman gusto mo ng chocolate.

I told you na favorite ko nga ang chocolate, so akin 'to.

If you want some, konti lang ha."

"Hik, naalala mo ko? Hik."

"Sinisinok ka?

Hmmm … let me hold your hands."

"Ha?!", hinawakan ni Miss M.M. yung kamay ni Jay Shin.

"Wait! Hik.

Anong gagawin mo?

Hik, sandali.

Hiiii … AAAAAHHHHH!!!"

"Or …

KISS na lang kita.", sabay nguso kay Jay Shin na akmang hahalikan nya si Jay Shin.

"Hoy!

Ano ka ba?

Don't dare to do that!

Nasisiraan ka ba ng bait.

Bakit mo ako kinagat?

How dare you.

Parang mapuputol na 'tong daliri ko sa ginawa mo.

Haist!", pasigaw na sabi ni Jay Shin.

-----

~hahaha~ :^_^:

"Ayan deretso na yang pagsasalita mo.

Well, that's the medicine.

Ginawa ko lang yun para mawala yang sinok mo.

First, kinagat ko yung daliri mo para masaktan ka at hindi mag-register dyan sa utak mo yung sinok.

Second medicine ay yung sinabi ko na I will kiss you, nagulat ka nun noh.

Kailangan daw magulat yung taong sininok para no pakels na yung brain nya na may sinok pala syang napi-feel.

So, effective ba yung ginawa ko?

Mukhang oo, right?!

~hahaha~" :^_^:

-----

"Masaya ka pa nyang ako na 'tong nasaktan.

Haist!

Naalala mo ko?

I mean, kilala mo ko?"

"Oo naman, sino bang hindi makakakilala sa'yo.

Ako?!

HELER!

Simpleng estudyante nga kilala ko, ikaw pa 'tong MVP ng basketball.

Tsaka, binigyan na kita ng roses, right?"

"Naalala mo din pala yun.

 Tapos flowers ulit ibibigay mo sa'kin at hindi yung chocolate, kasi nga favorite mo.

Tsaka kilala mo nga ko, hindi naman kita kilala."

-----

"Ha?

Hindi mo ko kilala?

Sikat kaya ako.

Miss M.M. nga tawag nila sa'kin."

"Yah, I know.

They call you Miss M.M. pero hindi naman yun yung real name mo, right?"

Pause a second, may ibang tingin kasi si Miss M.M. kay Jay Shin.

"I mean, hindi sa gusto kong malaman yung name mo, naku-curious lang ako sa'yo.

Ibang klase ka kasi eh."

-----

"No, I mean, natutuwa kasi ako sa'yo, kaya ganito ako makatingin.

Hindi mo kasi ako kilala."

Pause.

"Ah, my real name is Amanda Divine Nicole Suarez Allonza, but you can call me Aiden for short.

Alam mo, sa dami-dami ng nakakakilala sa'kin, ikaw pa lang 'tong naglakas ng loob para tanungin ako sa totoo kong pangalan.

I'm glad that I met you.

Ayan, from now on, close na tayo ha." :^_^:

"Ha?!

Ako pa lang ba talaga?

Nakakatuwa nga. :^_^:

Wait, anong close?

Ay hindi tayo pwedeng maging close friends, may sakit kasi ako."

Pause.

"Actually yung sakit ko, tawag nila dun is SINOK SYNDROME.

Sa tuwing may girl sa paligid ko or may nakaka-interact akong babae, hindi ko mapigilan ang hindi masinok sa harapan nila.

Nakakahiya pero that's true."

-----

"So, yan ba yun reason kaya wala ka pa rin girlfriend."

Pause.

"Actually, alam mo, mapapasama ka na sana sa mga target ko.

Madami kasing lumalapit na girl sa'kin para humingi ng tulong for their love sa'yo.

Pero kapag nag-start na kong mag-investigate sa'yo eh, wala naman akong makitang possibility na maging kayo nung girl.

Masyado ka kasing malihim at tahimik pa.

Eh, kung iminatch pala kita sa isang girl at may girlfriend ka na pala, eh 'di ang sama-sama ko dahil maninira lang ako ng isang relasyon.

But then, dapat pala noon palang nagkaroon ka na ng girlfriend.

Hmmm … let me see.

Do you like me to help you?

I can find your match.

Ano bang tipo mo sa isang girl?"

"Tipo kong babae?

Do you like me …", mga salitang naintindihan lang ni Jay Shin sa huling sinabi ni Miss M.M.

-----

Suddenly, nag-ring yung phone ni Miss M.M.

"Hello , ok, sige sige pupunta na ko.

Ay, Jay Shin aalis na pala ako, may klase pa kami eh. They need me na kasi.

~hehehe~ :^_^:

Oh, itong notebook, isulat mo na lang dyan yung type mong babae.

Then, ibigay mo sa'kin after ng klase ko ngayon.

Around 11:30 AM, nasa science and art building lang ako, room 7-D.

So, wait mo lang ako dun, ok.

Sige sige una na ko."

Bigla na lang umalis si Miss M.M.

Hindi man lang nakapagpaalam muna si Jay Shin kahit saglit sa kanya.

"Notebook?

Type kong girl? Hik!"

-----

11:35 AM

Natapos na ang klase ni Miss M.M. kaya't dali-dali syang lumabas ng room dahil baka naghihintay na dun si Jay Shin.

Sakto naman na nasa tapat na ng pinto si Jay Shin habang naghihintay sa kanya.

"Uy, ano, naisulat mo na ba?"

"Hindi pa eh, wala kasi akong maisip kung ano ang isusulat ko.

Pwede bang pag-usapan na lang natin yun.

Tsaka, bigyan mo ko ng idea for that kind of girl na bagay sa'kin."

"Wow ha!

Akala ko ba ayaw mo kong maging close. ~hahaha~ :^_^:

Anyway, sige sige, let's talk about that.

Pero …"

"Pero what?"

"Pero, you need to pay me.

Actually, madalas na bayad sa'kin ng mga kliyente ko ay ilibre nila ako ng lunch.

So, kung 'di naman masama sa'yo, eh you’re my client na kasi so …"

"Fine, I'll treat you.

No problem with that."

"Yes, I got a job! ~hahaha~" :^_^:

-----

Sa cafeteria ng academy, halos lahat ng tao ay nagtataka kung bakit magkasama ang sikat na sikat na si Miss M.M. pati ang MVP na si Jay Shin.

Then, may isang babae ang lumapit sa kanila.

"Kamusta, Miss M.M.

Thank you po pala sa nagawa nyo for us ni Erol. Malaking tulong po talaga yun."

"Uy, Restie Mae, its ok. You deserve that.

So, ingat-ingat lang din ha. ~hehehe~" :^_^:

"Opo, ok na ok.

Wait, tanong ko lang po.

Kliyente mo po ba si Jay Shin ngayon?

Nagtataka kasi kami dahil kasama mo sya.

Or maybe there's something else?"

"NO more else pa muna yan.

And YES, he's my client now.

We're looking for HIS girl.

Mahirap i-match sya sa iba, hindi nya din alam kung sino eh. ~hahaha~" :^_^:

"Ay ganun ba.

Goodluck po.

Sana makilala mo na sya agad.", pertaining to Jay Shin.

"Ha? Ah …

Hmmm … ok. Hik."

-----

Umalis na si Restie Mae sa lamesa kung saan nakapwesto sila Miss M.M. at Jay Shin.

Bigla na lang tumawa si Miss M.M dahil sa pagsinok muli ni Jay Shin.

"Wag ka ngang tumawa dyan, hik.

Inaatake na naman nga ako eh. Hik."

"Here's uminom ka muna.

Or maybe, gusto mo ng kiss from me?"

"Luma na yan. Di effective. Hik."

"Hug na lang kita, kahit madaming tao gagawin ko yun.

Yayakapin kita para mawala yan sinok mo."

"Ha? Wag mong gawin yun.

Baka kung ano pang isipin nila.

Tsaka kumain ka na nga lang muna dyan.

Wag mo muna ko pansinin kung sinisinok ako.

After nito, let's talk about you …

I mean yung type kong girl."

"Oh, see, effective.

Another medicine from me. ~hahaha~ :^_^:

Ang epic ko talaga. ~hahaha~" :^_^:

Ganun na lamang ang kinalabasan ng pag-uusap nila.

-----

Araw-araw nang nagkikita sina Miss M.M. at Jay Shin.

Pinag-uusapan nila kung ano-ano ang maaaring magustuhan ni Jay Shin sa isang babae.

Mahirap para kay Miss M.M. ang job nya ngayon na hulaan kung sinong nilalang ang ka-match nitong si Jay Shin.

Dahil siguro, isang lalaki si Jay Shin at first time nyang magkaroon ng kliyenteng lalaki.

Ilang linggo na ang nakakalipas, mas naging mag-close silang dalawa.

Minsan kung ano-ano na lang ang kanilang pinag-uusapan at nalilihis sa dapat ay nahanap na ni Miss M.M. ang ka-match nyang babae.

-----

One day, habang nagpa-practice sila si Jay Shin sa basketball court, nandun din naman si Miss M.M. para mag-interview ng mga basketball players about kay Jay Shin.

Alam ni Jay Shin yung gagawin ni Miss M.M. pero dedma na lang sya.

Nasanay na syang kasama palagi si Miss M.M.

"Hi, friend ka ni Jay Shin, right?

I have some questions for you."

"Nope, not anymore.

Nasabi na lahat ng mga kasama ko kung sino talaga si Jay Shin.

Ganito na lang, let's talk about yung ATIN."

"Anong ATIN?"

"Well, curious lang ako kung may boyfriend ka na.

Kasi sikat na sikat kang match maker, but then, you don't announce kung may boyfriend ka na ba o wala.

Or maybe you just have one?

Or I guess hindi mo pa din mahanap ang ka-match mo.

Matagal na, right?

Kaya siguro nag-eenjoy kang ka-bonding si Jay Shin.

Pareho kayong hindi pa makita ang love sa isa't-isa."

-----

"Hindi kita maintindihan.

But I think I know you.

Ikaw ba yung nangungulit sa'kin na gusto mo akong ligawan?"

"Oh, buti naalala mo ko.

Yes, I am your knight in shinning armor, my name is Viero Collins.

So, papayagan mo na ba akong …?"

"Hmmm … let me think.

Palagi kang nang-iiwan ng mga best lines sa love letter na iniiwan mo sa locker box ko, right.

Alam mo bang nagagamit ko yung mga payo mo para ma-solve yung problem sa love life ng mga kliyente ko.

And now, you see.

Ngayon ka lang magpapakita sa'kin at ire-reveal na ikaw yun."

"So, its me nga.

Can I get your answer?"

"Let me think over that."

-----

Makalipas ang ilang araw na pangungulit ni Viero para formal nang ligawan si Miss M.M., napapayag din nya itong ligawan si Miss M.M.

Halos araw-araw din na magkasama silang dalawa.

Napag-uusapan ang maraming bagay tungkol sa isa't-isa.

Tungkol din sa isang bagay na hindi masabi ni Miss M.M. sa close friend nya na si Jay Shin.

-----

Nagtext si Jay Shin kay Miss M.M.

(Create Message)
To:
Aiden
11:46:58PM
Oct-2-2014
"Busy ka ba?

Punta ka dito, may food akong dala, kainin natin."

One text message received.

(Text Message)
Sent:
Aiden
11:48:38PM
Oct-2-2014
"Sorry Jay Shin, kumakain na ko ngayon eh, next time na lang. Sige."

Nagtataka si Jay Shin dahil lately hindi nya na nakakasama si Miss M.M. para pag-usapan ang tungkol sa type nitong girl.

-----

Then one day, sa cafeteria, nakita ni Jay Shin si Miss M.M. nakasama si Viero na nagla-lunch.

"Hey."

"Uy, ikaw pala Jay Shin.

May sasabihin ako sa'yo.

Here upo ka muna.

Guess what?

He's courting me.

Kaya 'di kita nakakasama kasi kasama ko na sya.

Peace tayo ha."

"Ha?

Ah.

Hmmm …

Ok."

"Hey Jay Shin, wanna come?

Sa Saturday, may date kami ni Miss M.M.

So, kung gusto mo double date na lang din yun.

Balita ko you found your love na."

"Really Viero?!

Its that true Jay Shin?!

Sorry kung 'di ko alam.

Let's talk about that tomorrow, ima-match kita dun, ok."

"Ok ok. Sige una na ko.

May kailangan pa pala akong gagawin eh."

-----

That day afternoon, sa basketball court.

"Hey Viero, nililigawan mo ba talaga si Aiden, I mean si Miss M.M.?

Di'ba may girlfriend ka.

Ano na nangyari sa inyo?"

"Ah si Cheska, wala na kami matagal na.

Nagkabalikan na sila nung boyfriend nya, so then, I happy for them."

"Kaya ba si Aiden na lang ang isusunod mo sa listahan ng mga girlfriend mo.

Don't dare to do that.

Maawa ka, she's never been in-love.

Kapag nasaktan sya ng dahil sa'yo, hindi kita mapapatawad.

Mananagot ka sa'kin."

"Cool men.

Hindi ko naman gawain na saktan ang mga girls.

So, I told you to come with us sa Saturday.

You should come, isama mo na din yung girl na gusto.

Or maybe …

Don't tell si Miss M.M. yung …"

"Ha?

Basta binalaan na kita and you should remember that. Hik."

"Ok bro, tomorrow naman di'ba sa …"

Bago pa man matapos ni Viero yung sasabihin nya, umalis na si Jay Shin.

Hindi nya na tinapos yung practice.

-----

Kinabukasan, Thursday morning, hinahanap ni Miss M.M. si Jay Shin.

Sinusubukan nyang tawagan sya ngunit laging out of coverage area.

-----

Biyernes ng umaga, pumunta si Miss M.M. sa room kung saan nagka-klase sila Jay Shin.

Tsaka nya lang nalaman na hindi pala pumasok kahapon si Jay Shin.

-----

Saturday morning, naka-schedule kay Miss M.M. ang araw ng date nila ni Viero.

Maaga palang nakabihis na sya ng pang-formal attire nya.

Naka-dress sya ng red cute dress.

Nasa venue na sya kung saan sila magkikita ni Viero, ngunit hindi pa rin dumarating si Viero.

She's trying to call Viero sa phone ngunit hindi rin 'to sumasagot.

-----

Nasa bedroom pa rin si Jay Shin.

Dalawang gabi na rin syang nagkukulong sa kwarto nya.

Hindi pa rin sya makapaniwala na yung simpleng nararamdaman nya lang ay lumala ng ganun.

Biglang nag-ring yung phone nya.

Two days after, tinatawag sya ni Miss M.M. ngunit 'di nya naman ito sinasagot.

Ngayon naman, muli na naman tumatawag si Miss M.M. sa kanya.

Hindi na sya nagdalawang-isip pa kundi sagutin na yung tawag ni Miss M.M.

"Oh, finally, sinagot mo din yung tawag ko.

Kamusta?

Pupunta ka ba dito?"

"Ha?

May date kayo ni Viero di'ba?

So, anong oras ba yun?

Magkasama ba kayo?

Sorry sa pagtatanong pero …"

"Don't make sorry, kailangan ko lang kausap ngayon.

So, pag-usapan natin yung …

Seven o' clock yung date namin.", biglang nanghina yung boses ni Miss M.M.

"Seven o' clock, I see.

Kamusta mo na lang …"

"Seven o'clock in the morning, nandito na nga ako sa venue pero wala pa din sya.

I'm feeling alone.

Naiiyak na nga ako kanina, buti sinagot mo yung tawag ko so magiging ok na sana …"

"What?!

How come?!

7:48 AM na pero …

Tinawagan mo na ba sya?

Wait, tatawagan ko sya sa landline, hold on.

Please don't cry.

Please …"

Nagulat si Jay Shin nang marinig nya yung boses ni Miss M.M. na parang iiyak na nga.

Kung bakit ba naman 'di nya alam kung anong oras yun event na dapat kasama sya with her girl.

-----

Bumaba mula second floor para tumawag through landline. Nasa ibaba na din yung daddy nya.

"Dad, anong number nila Tito Victor?"

"Sa phonebook, nandyan na yun naka-save, bakit?"

Dina-dial na ni Jay Shin yung number, when his dad tell him that …

"Jay Shin, kagabi pala pumunta dito si Viero, iniwan nya yang suit at may letter dyan.

Nakalimutan kong sabihin sa'yo, hindi ka kasi lumalabas ng room mo.

He told me that before six o' clock in the morning masabi ko sa'yo or else …

Tsaka ngayon ka lang bumaba.

Malay ko bang …"

Hindi na naintindihan ni Jay Shin yung sinasabi ng dad nya.

Then, he pick up the suit and read the letter.

A few minutes after, he go to his room.

-----

"Please, sagutin mo naman please, Viero.", tinatawag pa rin ni Miss M.M. si Viero pero ganun pa din, out of coverage area.

Nagsasalita lang mag-isa si Miss M.M.

"Nakakainis!

Kung saan maaga palang sinabi nya na 'di tuloy yung date …

Parang tanga na ko dito eh.

I'm waiting for nothing.

I will call again Jay Shin.

Kakausapin ko na lang sya kung ok lang ba sya para hindi ko na 'to isipin pa."

Bago pa man nya ma-dial yung number ni Jay Shin, tsaka nag-ring yung phone nya.

"Hello, nasan na ka?"

"Uuwi na lang ako, wala pa din sya eh.

On the way na ko sa apartment ko.

So let's …"

After that conversation, natigilan si Miss M.M. sa pagsasalita, dahil nasa 'di kalayuan may tumawag sa pangalan nya.

"Aiden!"

-----

Silence.

"Sorry, akala ko nakauwi ka na.

Sorry, nandito ka pa rin sa venue.

Sorry, its been one and a half ka nang naghihintay.

I'm really sorry, hindi ko alam.

Kasalanan ko talaga 'to.

I'm sorry.

Patawad." (;_;)

Papalapit pa lang si Jay Shin habang sinasabi nya yun.

But then, hindi na inintindi ni Miss M.M. yung sinasabi nya dahil …

Few steps na lang, magkakalapit na sila, but then, Miss M.M. come nearer to him.

Tsaka nya 'to niyakap …

Niyakap ng mahigpit.

-----

"Don't make sorry.

Walang kang kasalanan.

You’re my savior pa nga eh. (;_;)

Payakap lang muna kahit ilang minuto lang.

I'm gonna cry na kasi." (;_;)

Hindi na napigilan ni Miss M.M. ang hindi mapaluha dahil sa kanyang nararamdaman.

"Yakapin mo lang ako ngayon, ayoko na kasing maramdaman 'to eh.

Hindi sya pumunta.

Naghihintay lang ako dito.

Inisip ko na lang na baka na-trafic sya.

Or 'wag naman sanang may masamang nangyari sa kanya.

Pero kasi …

He never text me a little message man lang na umuwi na ko.

Pero ako pa din 'tong tanga, umaasa sa wala.

Alam kong stubborn ako kaya lang napasobra na ata.

Di ko pala kayang i-match ang sarili ko sa taong gusto ko.

I need someone to do that for me. ~huhuhu~" (T_T)

-----

"This is all my fault.

Here read this letter.

Dinala yan ni Viero kagabi sa bahay together with this suit.

Hindi ko alam yun.

Until kanina lang ako lumabas ng kwarto ko.

Then …"

"Ha?"

The letter goes here.

"Jay Shin, musta bro.

Hindi ka daw pumasok two days na. Bakit?

Yung reason ba nun is about samin dalawa ni Miss M.M.?

Well, I guess I'm right.

Kasi ba naman your so hina at ang bagal pa.

Secret lang natin 'to ha, alam mo ba kung bakit hindi ka mahanapan ng girl ni Miss M.M.?

Its because, mas gusto nyang kasama mo sya kaysa sa ibang girl.

See?! I told you. ~hehehe~ :^_^:

Pero may kasalanan din ako.

I told her na you found out yung girl of your dream, nag-aalangan lang ikaw sabihin sa kanya kung sino yun dahil baka mawala na yung closeness nyo sa isa't-isa.

Kaya din sya pumayag na ligawan ko na din sya.

Alam mo bang ayaw nya talagang pumayag, pero when I say na iiwanan mo din sya, sobrang nalungkot sya nun.

So, she decided na makipag-accompanied sa'kin.

By the way, next time mo na lang din lahat malalaman kung bakit ko 'to ginagawa.

Nga pala, bukas Saturday morning, I'm not going dun sa clash of the orchestra. Formal attire yun at seven in the morning ang start ng event.

Ikaw ang pupunta sa date namin, not because ayaw kong pumunta, its because one of my plan kasi yun.

Naka-attach sa letter na 'to yung two tickets for you and Miss M.M.

Kung hindi ka makakapunta, kawawa naman talaga si Miss M.M. and you know na hindi ko fault yun. ~hahaha~ :^_^:

Tsaka, why didn't you come to school nung Thursday, she told you na mag-uusap kayo about dun sa girl.

Hinahanap ka nya but you didn't show up.

The reason why she cries, its because of you.

So, go and tell her the truth.

Who's that lucky girl you have fall for.

Sige bye."

-----

Miss M.M. was crying.

Umiiyak pa din sya habang binabasa yung letter ni Viero kay Jay Shin.

Nakakapanghina nga naman kung malalaman mong planado lahat ng mga nangyayari.

"Ba't 'di mo agad nabasa?!

Ikaw pala talaga 'tong hinihintay ko eh.

Haist!

Eh kung umuwi pala ako, sinong aabutan mo dito?

Tsk!

Wala na akong pakialam kung planado or hindi 'tong nangyayari.

Pakiramdam ko lang …

Nanghihina ako dahil …

Dahil ganito pala yung feeling kapag iminatch mo ang isang tao sa taong mamahalin nya habang buhay.

Hmmm …

Don't be sorry.

You should be thank him dahil sa mga nagawa nya.

~hayahay buhay!~

Parang ang nangyari, si Miss Match Maker nakahanap ng ka-match nya for long relationship.

So, oppurtunity na 'to, do I need to grab you again para i-hug ka ulit …

Or maybe I should make …"

-----

Bago pa man matapos ang lahat ng gustong sabihin ni Miss M.M., niyakap sya ni Jay Shin at sabay na hinalikan.

They're kissing passionately, dun sa lobby ng hotel kung saan yun venue ng clash of the orchestra.

Wala na masyadong tao dahil halos lahat ng tao ay nasa loob na ng event.

"I love you, Aiden. Hik.

Hindi ko na, hik, kayang magsalita pa ng, hik, mahaba, hik.

Inaatake na naman ako, hik, hik, hik."

~hahaha~ :^_^:

"How cute you are.~ayiii~" :^_^:

Sabay pindot sa pointed nose nya.

"I love you, Jay Shin, my Sinok guy."

[ Flashback ]

"Ba't 'di ka papayag na ligawan kita?

Gusto mo bang makita si Jay Shin na may kasama ng iba at ikaw ano …

Alone?!", Viero said towards Miss M.M.

Nung nagtext si Jay Shin na dapat sabay silang kakain, pero 'di pumayag si Miss M.M. dahil kasama nya si Viero.

They're talking about sa feeling ni Miss M.M. kay Jay Shin.

-----

"Ba't hindi na lang ngayon mo sya tanungin kung sino yung girl na nagugustuhan nya …

Ipapabukas mo pa."

"Ihahanda ko muna yung sarili ko for that pain."

Miss M.M. said nang makaalis sa kinauupuan nila si Jay Shin na parang nagulat sa nalaman nyang nililigawan na sya ni Viero.

-----

"… Tomorrow naman di'ba sasabihin mo sa kanya na mahal na mahal mo sya.

Sayang 'di mo pa ko pinatapos magsalita, I will tell you sana na I'm Mr. SMM.

Matutulungan pa naman kita sa love problem mo.", Viero said to himself.

Ito ang gustong sabihin ni Viero kay Jay Shin nung kausapin sya nito sa basketball court, kaya lang, umalis kaagad si Jay Shin.

[ End of Flashback ]

Sa 'di kalayuan kung saan nakapwesto sila Miss M.M. at Jay Shin, nasa isang sulok si Viero na naka-formal attire.

"Am I crying?

Pinaghintay ko sya …

Dapat ba na nilapitan ko man lang sya …

Pero, is that right?

Hmmm …

My love, kailangan ko bang palaging maramdaman 'to?

Ang masaktan ng paulit-ulit para magawa ang gusto mo?

Nakatadhana ba na maging ganito ang kalagayan ko?

Ang iwan palagi ng taong handa ko nang mahalin.

Haist!

I really miss you my love, kung nandito ka sana sa tabi ko hindi ko na 'to ginagawa pa.

Nagawa ko na ang gusto mo bilang ako si Mr. SMM.

Na-match ko na sya, si Miss Aiden Allonza kay Jay Shin Palaez."

-----

"Let's go somewhere.

Patapos na din yung venue.

So, let's go on date, yung unique date ha, Mr. Sinok guy.", then, she smile while holding hands with Jay Shin.

"I love you."

And they show their love start on that day.

Maraming nagtataka kung paano ito nangyari.

Ngunit isa lang ang nakakasiguro …

Dahil kay Mr. SMM nagawa nyang malaman nila Miss M.M. at Jay Shin ang tunay nilang nararamdaman sa isa't-isa.

"Hey, Aiden, hik.

I need some medicine, hik.

I love you, hik."


---------------------------------------------------------------------------------


Author's Note:

Hi, everyone. Kamusta ulit po kayo?

Do you like my third short story?

I'm done with writing this story.

So, sana mabasa ko din yung comments and reactions nyo sa story ko ha.

Kaway-kaway lang din. ~hehehe~ :^_^:

-----

By the way, ina-update ko na rin yung series story ko, don't forget din sa pag-read nun ha.

Thank you thank you …

-----

Basta, gusto ko lang mabasa din yung mga comments nyo sa mga nagawa ko, natutuwa kasi ako dun eh.

Kung 'di nyo man nagustuhan, ok lang din, amateur writer lang din naman ako.

And preferred ko din naman na ganitong style ng pagsusulat ang gusto kong mabasa din ng iba.

You see, third person po yung nagsasalita sa short story na MATCH MAKER.

Nag-try lang din ako na mag-narrate ng story eh. ~hehehe~ :^_^:

-----

Ahmm … 'di ko na pala pahahabain pa 'to.

Wala lang trip ko lang. ~hehehe~ :^_^:

-----

Again, thank you thank you so much for reading my writings.

I hope to see your comments on here or maybe not, basta kaway-kaway lang dyan ha.

~hehehe~ :^_^:

Thank you thank you.

SMILEY :^_^:

~^o^~ --- *\O/*

-----

Promote ko lang po yung list and fiction stories na sinusulat ko, entitled:

"INSTANT BOYFRIEND" (completed)

"INSTANT GIRLFRIEND" (completed)

"25 - STAGES of being in-CRUSH down to HEARTACHE / HEARTHBREAK" (completed)

At yung series story (ongoing) …

(crush&lovestory)

"my Heart belongs to my perfectMan" - perfectgirL

{myHB2myPM}

-----

Kung gusto nyo pa pong mabasa ang mga ongoing chapters ng myHB2myPM, mare-read nyo po ito sa wattpad: edz923 -- http://www.wattpad.com/story/1498794-my-heart-belongs-to-my-perfectman-perfectgirl

At sa blog ko: www.edz923.blogspot.com

For more updates ng mga pictures ng myHB2myPM, like the page of author-edz923: www.facebook.com/edz923

Thank you thank you again.

-----

HAPPY READING :^_-:

Critics, hmmm … KARMA strikes more than THREE times, you know.

~THIS IS A FREE COUNTRY. YOU CAN DO WHAT YOU WANT.~

SMILEY :^_^:

~^o^~ --- *\O/*


---------------------------------------------------------------------------------

No comments:

Post a Comment